Chapter Two

18 1 0
                                    

DWAYNE P.O.V

*BEEP! BEEP!*

Nagising ako dahil sa pag busina ng kotse.

"Manong,What happened?" Sabi ko at kinikusot ang Mata ko.

"Ehh kasi po Sir Dwayne May babae po na lumalakad sa kalsada eh, Tapos sasagasaan ko raw siya eh ang layo po nang distansya ng kotse sa kanya" Sabay kamot sa ulo si Manong.

Tumingin ako sa Babae na pinupokpok ang Harapan ng kotse ko.

Lumabas ako ng Kotse at Hinarap siya. Nginitian ko siya para hindi magwala sa Daan.  Haha.

"Hoy! Ikaw! Ano gusto mo ba akong sagasaan, Sana Sinabi ko sakin para Pinatay kita agad." Sigaw niya at lumapit sakin.

"Miss, I'm Sorry. I think hindi ka pa naman masasagasa. Halos isang Metro pa ang layo ng kotse ko sayo." Sabi ko at ngumiti.

"Aba't loko ka."

ANNA P.O.V

Tinignan ko ang bumaba sa kotse. Wala akong pakealam kung pagtitinginan kami ng mga tao sa bayan. Bumaba siya sa kotse at mala-anghel ang Dating niya pero hindi ako natitinag sa kagwapuhan niya.

Ngumiti siya sakin ng Malagkit.

Aba't loko to.

Dapat mong tandaan na hindi lahat ng gwapo mala-anghel ang Dating. Wag kang Matitinag sa mga ngiti nila.Isa lang ang Katangian ng lalaking ganyan PLAYBOY.

Ano yung playboy? Sila yung mga taong nagpapaasa sa mga babae nagbibigay ng potensyal sa mga Babae na umibig ng lubusan sa kanila. In other Word PAASA. TANDAAN NIYONG MGA BABAE ONCE NA NAGMAHAL KA NG PLAYBOY ISIPIN MONG MABUTI ANG KALALAGYAN NITO PARA IWAS MASAKTAN.

Sa panahon ngayon. Hinahanap ng mga babae:

-Gwapo
-Mayaman
-May Abs , Biceps ,Triceps

3 katangian na pwedeng Makasakit sayo ng lubusan.

Swerte ka na lang kung nabago ko ang Isang Playboy.
O May Good boy pa nagwapo.

"Hoy! Ikaw! Ano gusto mo ba akong sagasaan, Sana Sinabi mo sakin para Pinatay kita agad." Sigaw ko at lumapit sakanya.

"Miss, I'm Sorry. I think hindi ka pa naman masasagasa. Halos isang Metro pa ang layo ng kotse ko sayo." Sabi nya at ngumiti.

"Aba't loko ka." Sabi ko at Walang anuman Sinampal siya.

PAK

"Alam mo Mister. Hindi sa lahat ng bagay dinadaan mo  sa ngiti .
Sana pala ng Clown ka na lang para lagi kang Masaya at May pinapasaya. Kaya usong-uso ang Salitang LANDI dahil sa mga kagagawan niyo kasi Pinapaasa niyo Silang mga babae. Yung mga babae naman Pag-ngumiti lang yung lalaki parang bomba na sasabog sa kilig" Sabi ko. Hindi ko pa naranasan magmahal at masaktan. Base yan sa   mga taong nakakasalamuha ko. Ewan ko ba din sa mga tao. Kaya ako hindi ako magtataka kung Maging Matandang Dalaga ako.

"Miss, Sinampal mo nga ako. Tapos may gana ka pa talaga sabihin sakin yan" Sabi niya at masama ang tingin niya sakin.
Wala akong nagawa kundi makipagtitigan narin sa Kanya.

"You deserved it!" Sabi ko at Umalis na doon. Tumungo na ako sa pinaka malapit na Pharmacy Store. Nakaka Badtrip!

DWAYNE P.O.V

Para akong tanga. Habang tinitignan siya papalayo .

May part sa puso kong galit at Saya.

GALIT dahil sa pagsampal niya sakin at pagsabi niya na sana naging clown na lang ako.  Sa gwapo Kong to?

SAYA dahil sa nakita ko siya.
At inasal niya.

Ayoko ko kasi sa mga babaeng Malandi. Yung sila ang unang gumagawa ng moves. Yung mga Damit na halos kita na ang Kaluluwa. Siya ay Simple lang Pants, And T-shirt.

Aaminin Kong Maganda siya. Para siyang Anghel sa Mukha ko.
Ewan Hay!

Pumasok na ako sa Kotse ng nakangiti.

Sana makita ko siya ulit......

ANNA P.O.V

"Ate! Kuya Bili Ho kayo ng Gulay! Para magkaroon ho kayo ng Sustansya sa katawan" sigaw ko.
Ganito talaga sa palengke. Puro Sigaw ang maririnig pero malinis ang kapaligiran. Bilin Kasi yun ni kapitan na panatiliing Malinis ang palengke.

"Ay Ineng! magkano ang kilo ng kamatis?" Sabi ni Lola habang tinitignan ang listahan niya.

"40 po ang kilo. Bibili po ba kayo?" sabi ko habang nakangiti.

Tinignan niya yung kamatis na parang sinusuri.

"Siya Sige 3 Kilong Kamatis." Sabi ni Lola.

"Ang Dami ho nito La. May okasyon po ba sa baryo niyo?" Sabi ko habang nilalagyan ang kamatis sa kilohan.

"Ay hinde! Darating kasi yung Sir namen. Yung Anak ng isang Horan" sabi niya sakin.

Horan? Sikat yun may mga Billboard pa mga yung Dito. Kilala ko lang  Si Mr. Horan at yung Misis niya pero yung anak Hindi pa. As if naman makilala ko yun...

" talaga ho?! Diba sila yung sikat Na business Man?" Sabi ko ng pamanghang Mukha.

"Ay! Oo pero yung anak lang ang naparito."

"Ahh Ganun po ba" sabi ko sabay abot ng pinabili niya.

"Magkano ba lahat?" Sabi ni Lola habang kinukuha ang pera sa wallet niya.

"120 po" Sabi ko. Inabot sakin ni Lola ang 200 peso kaya kumuha ako agad na panukli.

"Eto po ang Sukli la." Abot ko ng Sukli.

"Siya Sige mauuna na ako ha." Habang kinuha ng Driver ang pinambili ni Lola.

Ang yaman siguro ng mga Horan.

"Ate Anna *sob*Pwede pahingi ng Advice?" Sabi niya sakin.

Pinapasok ko naman siya sa Tindahan namin. Wala si Inay
Ngayon nasa Meeting ni Elaine. May kapatid kasi ako. 4th year High School.

"Ano ba ang nangyari?" Sabi ko sabay pahid ng luha niya.

"Ate ang sakit sakit *sob" para akong pinatay *sob* Ate may mali ba sa akin? Bakit niya ako niloko. Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya *sob* gusto ko na lang mamatay"
Sabi niya habang tumutulo ang luha  sa kanyang pisngi.

"Alam mo Joyce." Panimula ko
"Walang Mali sayo Desente kang tao, mabait, Maalaga,Matulungin at syempre Maganda ka.  Hindi
ikaw ang Dapat magdusa. Siya yung nang-iwan sayo alam mo bang malaki kang kawalan
Sa kanya? Wag mong iyakan ang taong iniwanan ka. Dapat nga magpasalamat ka sa kanya atleast Hindi siya ang makakatuluyan mo,Alam mo bakit? Kasi sasaktan ka lang niyan ng paulit-ulit. Playboy ba yan?" Panigurado ko sa kanya tumango siya biglang sagot."Kita mo naman pala. Playboy pala yan. Madaming lalake ang magkakarandapa sayo kung pansinin mo lang ang mga yun. Hindi mo dapat sinasayang luha mo sa taong Hindi karapat-dapat. Umiiyak ka man ngayon dahil sa lalaking yon sigurado akong lalo kang sasaya sa bago mong pag-ibig. Wag ka nang Umiyak, ang payatot mo na bili ka na lang ng gulay para magkasustansya ka naman. Pinapagutom ka yata ng Ex mo." Sabi ko habang tumatawa ng mahina. Tumawa naman siya ng kaunti.

"Siguro nga tama ka ate Hindi ko dapat iyakan ang playboy na yon. Sige bibili po ako ng Petchay para magkasustansya naman ako.hehe" Sabi niya at pinunasan ang luha niya.

Kumuha ako ng petchay at binigay sa kanya...

Hay...

------
Hi. Pasensya na sa wrong grammar and typos.

Author:
laine_1D

Hugot Ni AnnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon