T@ngina namang school ito napakalaki! Kailangan ko pang mag-jeep para lang makarating sa kabilang building e 100 php nga lang ang baon ko ngayon. Sana kasi nakuntento na lang ako at dun nalang samin nag-aral kesa dito sa Manila. Gusto ko lang kasi malayo sa lugar namin kaya pinilit kong makakuha ng mga scholarship para mapasukan ko gusto kong school. Kaso eto naman hindi ko ineexpect na ganito pala dito! Napakagulo. Kung bakit kasi naipasa ko pa yung scholarship dito kung saan maraming mayayaman. Halos panliitan na nga ako ng tingin sa sarili ko dahil sa ga pormahan dito ng mga estudyante at talaga naman ao! Ako lang ang morena...... Okay okay, ako lang ang kulay putik dito. Mapalalaki, mapababae, mapatomboy o mapabakla lahat kutis artista. Lutang na lutang tuloy ako dito.
"Miss bawal outsider dito.." puna sa'kin nung matangkad na lalaki na sobrang gwapo. Tiningnan ko I.D. lace niya Engineering. Sakto naman pala oh, parehas kaming engineering.
"Ay hindi po ako outsider." ngumiti ako ng matamis, nagpacute. Ganun.
"Ah e ano pala?" kumunot ang noo nung binatang nasa harap ko.
"Engineering student din ako." bakas ang gulat sa mukha niya. Tiningnan niya ako mula ulo mukhang paa. Choss! Talagang hinead to toe look niya ako. Ano bang masama sa suot ko?! Naka-XL tshirt na white ako take note v-neck. Saka medyo ripped na tokong saka Rambo na tsinelas. Tas dala ko pa yung bag ko na gawa sa Baguio.
Nabigla na lang ako ng halos sapuhin niya na ang sariling tiyan kakatawa. Anong nakakatawa?! E kung bayagan ko kaya ito?
"Ano bang nakakatawa kuya?" medyo may halong inis na sa boses ko.
"I-ikaw! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" at saka pa siya tumawa ng malakas. Tangna naman yan. Kanina pa ako kinukutuban na may mangyayaring ganito. Halos nakakakuha na rin ng atensiyon yung tawa niya. SIGE PA! Tawa pa. Sana may biglaang pumasok na bangaw sa bibig mo at mabulunan ka ng mamatay ka ng hayop ka.
Hindi ko na lang pinansin aalis na lang ako. Tumalikod na ako sakanya. First day na first day ng school tapos ganito pala. Hindi pa naman ako sanay na ginaganito ako. Dahil bully ako noong high school. Ako ang tumatawa sa mga losers hindi ako ang tinatawanan. Tangnang yan hindi niya ba alam na may tagamasahe, tagasulat ng notes, tagapaypay pa ako noong high school. 'Wag niya akong ginagago baka samain siya sa'kin.
"O san ang punta mo miss. Alam mo ba ang building natin? Tara na sumama ka na sa'kin mukhang fist time mo dito e." Humarap akong muli sakanya. Sayang kagwapuhan nito. Kaso hindi marunong rumespeto. Ts. Ts.
"Kung sa'yo lang din naman. 'Wag na lang." inirapan ko nga siya. Gago e!
"Huwag ka ngang choosy! Hindi ka naman maganda!"
"Bakit ikaw gwapo ka ba?!"
"Oo naman!" humatak siya ng isang babaeng padaan, hinigit niya ito sa bewang. "Diba babes?" kinindatan niya pa yung babae. Yuck! Nakakadiri yung makapal niyang kilay!
"O-oo!" Nakita ko namang namula yung babae at binitawan niya na. "See." sabi niya pa. Narinig ko nalang nagtilian yung mga babaeng kasama niya at kilig na kilig pang sinasabi na "Ang swerte mo naman girl! Nahawakan ka ni Troyce!!!" Ang yabang lang!
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Non-Fiction"It's the ones you love the most who can lift you in an instant, and destroy you without trying." "Ano na girls ipuputok ko na ba?" impit akong napasigaw ng hilahin ng impaktang ito ang buhok ko mula sa likod. Idinikit niya ang mga tenga ko sa bibig...