Hinatak niya agad ako papasok ng bahay nila. Sinalubong kami ng mga katulong niya na naka-uniform pa. Hindi ko maiwasan ang mapanganga talaga. Yung gaden nila. Gabe! Paang pwede ka ng magpaliga ng basket ball saka volley ball. Sabay pa kung gusto mo magsama ka pa ng pep squad at viewers.
Kung gaano kaganda sa labas, ganoon din sa loob. Halos hindi ko na matanaw ang bubong ng mansion nila. Cream and white ang halos kulay ng kabuuan ng bahay. Hindi masakit sa mata, medyo may pagka-oldies yung dating pero pak na pak yung kagamitan nila sa bahay.
"Master." yumuko ang mga katulong niya. Napatingin naman ako sakanya.
"Lenny, get the medicine kit and bring it to me. Susan prepare a food for us and Christine get some new clothes for her." dire-diretsong utos niya. Syempre anak mayaman e.
"Yes master." sabay-sabay pa nilang sabi sabay yuko uli at umalis na. Dinala niya na ako sa salas nila na oh so wow sa laki. Ang sarap lang siguro manood ng t.v. rito. Tinalo pa sinehan.
Umupo na ako sa sofa, napatingin na lang ako sa mga paa ko. Langya naman oh, namumuti na sa sobrang alikabok! Para tuloy paa ng construction worke, kaya siguro natatawa yung tropa niya kanina.
"Jacinthe?" pagtawag niya sa'kin, nagangat naman ako ng tingin sa kanya.
"Oh?" walang emosyon kong sagot.
"Sorry nga pala sa nangyari kanina, sa ginawa ng mga kaibigan ko sa'yo." ngumiti pa siya. Luh! Ang cute niya pala ngumiti.
"Kanina ko pa sinabing okay lang diba."
"Para kasing hindi pa. Baliw talaga yung si Troyce. May malalim na dahilan kung bakit ganon kagago yun." napatawa na naman ako ng mahina, natutun on ako kapag nagmumura siya ng tagalog. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Huh?"
"Wala wag mo na alamin."
"Sige." nacu-curiois talaga ako sa kanila. Pero ayoko namang magtanong ng magtanong sa kanya kasi baka isipin niya napakachismosa ko naman saka feeling close.
"Hindi ka ba nagagwapuhan samin?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hindi ko alam na makapal pala ang face niya. Fine, gwapo sila pero ayokong aminin na gwapo sila. Wala ni isang lalaki pa kong sinabihan na nagwapuhan ako sa kanya. Nakakabasag ng pide at ego.
"Pvta! HAHAHAHAHA!" Tumawa na lang ako ng malakas, kumunot naman ang noo niya. Nakakatawa kasi siya. "Ang kapal mo ha! Hindi ako nagagwapuhan sainyo!" gusto ko sanang sundan ng 'Keme!' yung sinabi ko, ayokong umamin na na-attract ako sa kanila.
"That's good!" ngumiti siya ng matamis sa'kin. "Lahat kasi ng babae sa school, halos magkandarapa para makausap kami. Kaya nga cold treatment kami sa lahat ng girls sa school. Baka kasi pag nginitian at pinansin pa namin sila, mas mag-assume at mas umasa. And we don't want that to happen." halata naman kasi sa kanila na ganon nga ang sitwasyon. Masyadong inlove sa kanila ang mga girls sa school. Base on my obsevation kanina, prince pa nga ang tawag nila sa mga ito. "We can be friends you know...." nanlaki na naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Fiends?! Sa kaniya? "... Or you can be in our group. Kaya nga lang, you'll be one of the boys."
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Não Ficção"It's the ones you love the most who can lift you in an instant, and destroy you without trying." "Ano na girls ipuputok ko na ba?" impit akong napasigaw ng hilahin ng impaktang ito ang buhok ko mula sa likod. Idinikit niya ang mga tenga ko sa bibig...