The Prince Tutor: Princess of the future
(StoryTeller)
CHAPTER 1: The most embarrassing moment of my life.
YEAR 2018
*NARRATOR POINT OF VIEW
Isang constitutional monarchy ang nag papatakbo sa pilipinas. Ang royal family ang pinaka mahalagang tao ngayon sa bansa, hinahangaan, iniidolo at minamahal ng lahat lalong lalo na ang mahal na prinsipe na lubos na hinahangaan ng napakaraming kababaihan.
*GENII POINT OF VIEW
Lagi kong inaabangan ang mga balitang may kinalaman sa Prinsipe. Gustong gusto ko siyang Makita sa TV. Bawat guesting niya inaabangan ko pati ang bawat pag cover niya sa mga magazines. Ang prinsipe na siguro ang pinaka gwapong nilalang ngayon sa buong mundo, napakadesente pa niyang tingnan at mukang napakatalino pa niya at dahil siguro dun’ siya na ang lalakeng pinapangarap ng maraming kababaihan na nangangarap na maging isang prinsesa.
Summer year 2018. Exited na’ ko sa pasukan… lilipat na kasi ako sa Marcus Louie University. Isang mamahaling unibersidad kung saan nag-aaral ang pinakamayayaman at mga matatalino sa bansa at higit sa lahat dito nag aaral ang prinsipe at iba pang mahahalagang taong nabibilang sa royal family. Nakuha akong scholar dahil sa halos perfect kung average sa school. Bawat taon kasi kumukuha sila ng mga bagong scholars mula sa mga ordinaryong eskwelahan na may average ng 96% sa mga major academics. Isinusulong nila na mas mapabuti ang edukasyon ng mga estudyanteng masisipag mag aral. Kaya sobrang proud ako sa sarili ko dahil natanggap ako. Matagal na rin kasi naming pangarap ng pamilya ko na makapasok ako dito, bukod sa higher quality education gusto koring’ ma experience ang eskwelahan kung saan nag aral ang mga reyna at hari ng bansa at gusto ko rin mag aral sa malaking syudad at mamuhay sa sibilisasyon, Probinsyana kasi ako at gusto kung makilala ang makabagong mundo.
By the way ako si Genii Maritta 17 years old, grade 11 na ako sa pasukan. Consistent first honor mula nung daycare. Mana ako sa papa ko parehas naming gustong maging scientist at mag trabaho sa isang laboratoryo. Sayang at hindi na kapagtapos ng pag aaral si papa maaga kasi siyang naulila at simula pagkabata may komplikasyon na ang kanang paa niya kaya hirap siyang makapag lakad kung kaya’t pag aayos nalang ng nasirang gamit ang naging trabaho niya at lagi siyang nag iimbento ng kung ano anong makabagong devices at gadgets mula sa mga sira at lumang gamit. Si mama naman ay isang magaling na fish vendor dinadaan nya ang pag bebenta sa pag papatawa at ang bunso kung kapatid na babae si Genre, 10 years old… Crush na crush nya rin ang prinsipe tulad ng maraming kababaihan, well Isa rin ako sa kanila pero di’ ko to pinag sasabi. Pero aminado akong na gagwapuhan ako sa prinsipe at napapangiti kapag nakikita ko siya sa TV, magazines at libro.
June 2, 2018 ito na ang araw ng pag-alis ko. Nalulungkot ako dahil ma mimiss ko ang family ko. Pero ngayon imbis na mag bonding kami busy pa sila sa kani kanilang trabaho. Pati si Genre puro TV ang inaatupag.
“Sa wakas, yuhooooo… hahahahaha… haha.” Malakas na sigaw ni papa mula sa likod ng bahay kung saan niya ginagawa ang kanyang trabaho. Dahil na curious ako dali dali kong pinuntahan si papa.
“Papa, kung makapag bunyi naman kayo diyan parang di’ ako aalis, ano bang nangyari?”
“Anak , anak hali ka may ipapakita ako sayo.” Lumapit ako sa papa ko at nakita ko ang isang upuan. Helmet at isang machine na napakaraming wire na komokonekta sa kanila.
“Hulaan ko… isa itong lie detector?.”
“Ah ah ah… you’re wrong. This is my biggest invention of all time my dearest daughter.”
BINABASA MO ANG
The Prince tutor: Princess of the future
Teen FictionIsang napakatalinong babae ang mag tututor sa isang Prinsipeng tamad mag aral. Pero pano kung ang The Prince Tutor ay ang PRINCESS OF THE FUTURE. Magustuhan pa kaya ni Genius girl ang Pilyong prinnsipe? o May chance kayang ma inlove ang Pilyong Pr...