Chapter 2

10 0 0
                                    

                Umuwi ako nang pagod, paano ba naman, natagalan nga ako kanina dahil sa van, eh di nakapaglakad tuloy ako papasok dito sa subdivision namin, hanggang 10pm lang kasi ang tricycle. Hindi naman siya gaano kalayo, pero malayo-layo pa din, alam nyo yun?

                Narinig kong nagtatalo na naman ang landlady namin at ang asawa niya, paano naman kasi, kesa sa isugal nila yung pera nila, sana nag business na lang sila. Si Aling Mildred, adik sa mahjong, habang si Mamang Alfred naman, sa sabong, akalain mo yun, pero yung anak nilang si Melanie, nasa abroad, isang nurse. Only child lang yun kaya wala na sila masyado inaakasikaso dito kung di pera. T_T

                Nakatira ako sa 2nd floor nila, whole 2nd floor, may 3rd floor pa nga eh, pero wala pang nakatira dun. Okay na din itong apartment na to kasi, maluwag yung space, tapos mura pa, yun nga lang, ang ingay nila.

                Naupo ako sa may study table ko, wala talaga ako sa mood, kainis na driver. Hindi man lang bumusina muna o tiningnan kung may tao o wala. Haaaay. Kinuha ko ang aking diary, actually, teka, di ko pa ba nakukuwento? HAHAHA. Sorry naman, nakalimutan lang. Well, nakapagtapos na ako ng pag-aaral, Nursing din, kaya lang, hindi pa ako nakapag board exams, kasi nga, nag-iipon pa lang ako ng pangreview tapos siyempre yung pang-araw araw ko na gastos habang nagrereview. Matagal na din akong ulila sa magulang, sa lola ko ako lumaki. Nasa probinsya siya ngayon, pero balak ko siyang bisitahin pagnagkataon.

                Actually, yung mama ko namatay sa brain tumor, malignant…yun ang sabi sakin ni Tita Sabel, pinsan siya ng mama ko, siya din nag aalaga kay lola kasi wala siyang anak. Yung papa ko naman, hindi na nakauwi, seaman kasi ang papa ko, kaya naisip namin na baka napirata nga yung barko nina papa.

                Dito ako napadpad, kasi nag apply ako ng scholarship, at fortunately, may nagsponsor ng college tuition ko. Laking pasalamat ko kay Dr. Buenaventura, siya kasi ang nagsagot lahat, pati boarding house at pangkain ko, pero syempre suma-side line din ako. Alam niyo ba kung paano niya ako naging scholar?

Flashback:

                “Sigurado ka ba jan sa ginagawa mo TinTin?” tanong ni Tiya Sabel.

                “Wala naman ho sigurong masama kung susubukan diba.” Sagot ko naman, gumawa kasi ako ng maraming sulat, tapos ang pinaglalagay kong pangalan, yung nasa yellow pages ng directory… yung sa telepono. Iisa lang naman nilalaman nung sulat ko eh, gusto ko makapag-aral, kahit mamasukan man lang.

                Ilang araw, linggo at muntik mag isang buwan ang dumaan bago ako nakatanggap ng sagot mula sa mga pinadalhan ko. Si Dra. Anabelle Buenaventura, isang cosmetic surgeon, beauty expert, at isang dalagang “ina”. Personal na pumunta ang kanyang katiwala na si Kuya Leo para kausapin ako. Kinupkop niya ako ng ilang araw, inexplain niya sa akin na matagal na niyang gusto ng babaeng anak, tapos ng makita daw niya yung picture ko (grad pic ko nung HS), para daw magaan loob niya sa akin kaya kinontact agad niya ako. Mayaman siya at may isang anak siyang lalake, nasa states.

                “Eh doc, ano po ba magiging kapalit ng pagpapa-aral niyo sa akin?” tanong ko kay doctora, graduating na ako, nagcha-chat kami, binigyan kasi niya ako ng laptop nung last birthday ko.

                “Isa lang ang gusto ko hija…ang diploma mo.” Sagot ni Doc.

                “Opo, sana po andito kayo sa graduation ko. Para po lahat yun sa inyo pati din kina lola at Tiya Sabel.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love SickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon