Chapter 1

18 0 0
                                    

Mia POV

Natatawa na lang ako pag naaalala ko, kasi isa ako sa mga taong nagpapaniwala sa mga ganun. Tingnan mo ako ngayon, 24 na, single pa, haaay oo na, no boyfriend since 5 years lang naman noh, OA naman kung since birth. Ayoko magaya sa tita ko, waaaah. Anyway, ayoko pag usapan kung anong nangyari kasi matagal ko na siyang binaon sa limot and besides, I’m happy with my life now, see? Bwahahahahaha.

Well…I’m trying to be.

Nagising na lang ako ng may marinig akong ingay, as usual, nag aaway na naman yung landlady namin at asawa niya. Yun kasi yung alarm clock ko tuwing weekends eh. Lumabas ako saglit para bumili ng almusal, pero bad timing, naulan. Anyways, gutom na gutom na ako kaya nanghiram na lang ako ng payong at lumabas. Malapit lang naman ang bakery dito sa apartment ko kaya naglakad lang ako nang biglang….splassssh!

Pakshet naman oh, magang maga sira na araw ko. Kainis naman na driver na yun, huh? LMH 328 ang plate number, pag nahuli kita lagot ka talaga! Haaay, basa tuloy spongebob na tshirt ko. Nagmadali na lang ako pagbili ng tinapay at umuwi.

\(^_^)/

“Oh Mia, bakit parang nakasimangot ka naman jan umagang-umaga?” tanong ni Pia. Bagay kaming mag bestfriend noh? Mia at Pia. Hindi ko pa ba nasasabi yung pangalan ko? Sorry naman, ako nga pala si Amia Christine Lasiste, yung kaibigan ko naman, Si Sophia Laine Carpio.

“Wala, badtrip lang talaga ako ngayon.” Sabi ko habang naglalagay ng ketchup sa mga container. Nagtatrabaho nga pala kami sa Lorena’s, isang restaurant na may to-go din na mga pizza at shakes.

“Oh siya sige, para di ka ma badtrip, ideliver mo na lang ito kay suki. Absent na naman kasi si Paulo eh, may sakit daw yung anak. Eh wala naman ibang marunong magdrive ng van dito, ikaw lang.” sabi ni Pia habang hinahanda ang mga orders.

“Wala na bang ibang kinakain yan si Mr. Evans at parang araw araw na lang na order dito. Wala pa naman din akong lisensya ngayon. Huhu” Sagot ko, tinabi ko na lang muna yung malaking bote ng ketchup, mamaya na lang ulet ako maglalagay.

“Hindi ko alam, mukhang may party ata sa kanila, medyo madami-dami din kasi etong inorder niya. Chance mo na ito Mia, malay mo gwapo at mayaman pala eto si suki, magkagusto pa sayo. Mukhang imported ang apilyedo eh.” Aba at nakuha pa ako biruin ni BFF.

“Ay naku, may sagot ako jan best….hulaan mo? Wala akong pakialam.” Napatawa na lang kami dalawa. Matapos naming ayusin ang order ay umalis na rin ako. Hindi ko pa kasi na rerenew driver’s license ko, kaya ayoko din magdeliver minsan. Baka mahuli pa ako, wala akong pangtubos! XD

Nick POV

Tok Tok Tok.

“Hi ako po si Mia ng Lorena’s Pasta, eto na po yung order niyo.” Nakatungong sabi nung babae habang inaayos niya yung mga plastic sa kamay niya.

“Ahh ikaw pala yung pizza girl ko?” Nakangiti kong sagot at napatingin siya, para siyang natulala at walang nasabi. Bakit? May dumi ba sa mukha ko?

“Pizza…Pizza Girl…mo??” natulala ata siya, at namula nung nakita niya ako. Napayuko siya ulit at halatang nahiya, kaya lalo ko siyang tinukso.

“Oo, pizza girl ko. Diba ikaw lagi nasagot sa mga tawag ko? Hi Sir, this is Mia your lovely pizza girl for today, may I take your order?” sagot ko, ganun kasi lagi niya sabi sa telepono. Cute ang boses niya, bagay din sa kanya…cute.

“Ahhh…e….eto na-na po yung…yung ano…order…” hindi siya makapagsalita ng maayos, namumula siya.

“Tol, yan na ba yun? Akin na miss, siya na ang magbabayad, salamat ha.” Sabi ni Matt, kinuha na niya yung mga pagkain sa kamay nung Mia pero tulala pa rin eto at walang kibo.

Love SickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon