Fulfilled (One shot)

24 2 0
                                    

Hi, naaalala mo pa ba yung una tayong magkita? I was amazed sa pagiging masiyain mo baliktad na baliktad tayo ikaw sobrang happy go lucky samantalang ako sobrang negative sa lahat ng bagay.
Naging magkaibigan tayong dalawa yung pagkakaibigan natin na halos hindi na tayo mapaghiwalay, dahil sa closeness natin lalapitan na lang tayo bigla ng mga ka block natin at tatanungin kung tayo na ba iiling lang tayo ng sabay at tatawa halos araw araw ganun yung scenario natin, halos araw araw tayo lang ang magkasama. Hindi ko ikinakaila na gusto kita na may nararamdaman ako sayo. Isang araw nagtapat ako sayo ng aking pag-ibig sinabi ko sayo na mahal kita, sinabi ko sayo na gusto kitang makasama habang buhay. Pero nagulat ka at nilayuan mo ako, halos tatlong buwan tayong hindi naguusap at nagpapansinan marahil siguro ay kaibigan lang ang turing mo sa isang katulad ko. Halos araw araw akong umiiyak tinatanong ko ang sarili ko na bakit ko ba yun ginawa pero nangyari na eh. Isang araw nagkaroon ako ng lakas ng loob nilapitan kita napakatahimik mo tumabi ako sa kinauupuan mo tinanong kita kung ano ba ang nagawa kong masama. Niyakap mo ako at doon ka rin nagtapat sa akin sabi mo nagulat ka sa mga nangyari at hindi mo alam kung paano ito ihahandle sinabi mo rin sa akin na mahal mo rin ako. Lumipas ang mga araw naging mas malapit na tayo sa isa't isa, araw araw hawak ko yung cellphone ko at ikaw lang ang inaalala. Bawat paggising ko ikaw lang yung nasa isip ko bawat pagtulog ko ikaw parin ang huling dadaan sa mga utak ko. Hindi buo ang araw ko kapag hindi ako nakakapag goodmorning or nakakapag goodnight sa iyo. Isang gabi magkausap tayo hawak mo yung kamay ko nakatingin lang tayo sa mga tala at binabanggit ang mga salitang "Mahal kita" lumapit pa ako sayo lalo at nagpromise na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, ikaw lang babaeng pangarap ko makasama sa altar. Niyakap mo ako at umiyak ka sa braso ko sabay abot sayo ng isang singsing tinanggap mo ito at isinuot. Masaya tayo sa mga nakalipas na buwan nagtatawanan, naghaharutan, nag-aaway pero nasusulusyunan din naman natin itong lahat. Hanggang sa dumating ang ikaanim nating buwan nuong umaga'y puno pa ng pagmamahalan mga matatamis na salita pa nga ang iyong winiwika "Mahal na mahal kita" bigkas ng iyong mga dila. Kinakabiha'y nagbago lahat, mga salita mo ay tila nangangagat "Tapusin na natin to" ang sabi mo sa akin. Hinabol kita, pero ayaw mong magpahabol nadapa ako at nasugatan bumangon at nagdasal. Lumipas ang pitong taon nandito tayo ngayon sa simbahan inaantay kita sa pagpasok mo sa malaking pinto naeexcite pa nga ako kasi matutupad na natin yung sinabi kong ikaw lang ang babaeng gusto kong mahalin at makasama sa altar. Pumasok ka sa pinto ang ganda ng suot mo puting puti ito habang nag hihintay ako sa harap hindi ko napansin ang luha ko tumutulo na pala. Agad ko itong pinunasan at bumaling sa iyo ang tingin napakaganda mo sobra.

"And I would run away

I would run away, yeah..., yeah
I would run away

I would run away with you"

Nakarating ka na sa harapan ng altar. Humawak ka sa kamay ng lalaking papakasalan mo, sobrang saya ko ng mga oras na yun.

"Cause I am falling in love with you

No never I'm never gonna stop
Falling in love with you"  

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito Santo"

"Cause I am falling in love (falling in love) with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you...

Falling in love (falling in love) with you
No never I'm never gonna stop falling in love with you"

Kinausap kita ko kung handa ka na
"Handa ka na ba?" Ngumiti ka sa akin at umiyak
"Opo Father" natupad ko na yung pangako ko sayo yung pangako na pinanghawakan ko simula noon yung pangakong ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at ikaw lang ang babaeng makakasama ko sa harap ng altar

UnconditionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon