Cursed You Lee Xander Spitser!

3.3K 107 20
                                    

SUMIRE'S POV

"KYAAAAAH! ANDYAN NA SILA!" Andiyan na sila. Ganon na ganon ang line na naririnig ko sa mga horror movies. Eh kaso hindi multo ang tinitilian nila kundi gangster! Oo gangster!

Dito sa school na ito ay maraming gangster kuno. Diba ang gangster ay baduy daw at puro gasgas ang mukha? Pero bakit hindi ganon ang nakikita ko sa kanila? They are the Black Skull Gang. Binubuo ng mga nagwagwapohang mga Greek gods na bumaba sa lupa!

Wala silang tatoo o gasgas man lang sa mga mukha nila. Sila yong gangsters na kung hindi mo sila kilala ay tatawa ka lang at sasabihing joke lang. Pa'no ko nasabi? Kasi simply lang. Para silang artista at models! Kaya di mo talaga aakalaing mga gangsters sila.

"Anyare sa mukha mo Sum? Daig mo pa ang palaging Bernes Santo." Puna ni Kyala sa akin nang sumimangot ako dahil sa lakas ng mga tili ng mga higad.
Ako nga pala si Sumire Chan. Anak ni Jackie Chan. Joke lang! I'm 16 years old. 2nd year college. At best friend ko so Kyala Vandell.

"Bat ba kasi sila tili ng tili? Nakakairita yong mga boses nila. Mga boses ipis!" Lintanya ko kasabay ng pag-irap ko sa hangin.

"Duh~ girl? Sinong hindi titili sa mga mukhang yan? Ang gwapo gwapo! Makalaglag ng lahat ng pweding malaglag!" Exaheradang sabi nito at kasabay ay nagtitili na naman I to nang dumako ang tingin nito sa Black Skull.

"Tch! Eh ano naman? At hindi naman sila masyadong gwapo. Tsk! You are all pathetic!" Nakasimangot na sabi ko at nag-walkout na. Di bale ng ako nalang ang matira sa room na ito kaysa naman magmukhang aso ron sa kakatili.

"Hay naku bes! Sa lahat ng babae rito sa FU ay ikaw lang ata ang nagsabi ng ganyan. Eh halos lahat ng babae rito sa FU eh baliw na baliw sa mga yan!" At ngumuso ito sa Black Skull na naglalakad sa hallway habang pinapaligiran ng mga studyante. Err! Promise! Never akong magiging pathetic na fan girl nila!

"ANG HOT TALAGA NILA!"

"ANG GWAPO!"

"YONG MATRIS KO PAKISAPO!"

"Myghad! Bes! Kyaaaah! Ang gwapo talaga nila to the super mega highest level!" Exaggerated na sabi ng malandi kong bestfriend. Grabe!

"Tse! Itigil mo yang landi mo. Aral muna bago landi! Alis na nga ako!" At iniwan ko na ito roon bahala siya sa buhay niya. Kibata bata pa eh marunong ng kumeringkeng!

Pero nakakadalawang hakbang palang ako nang marinig ko ang sigawan at tiliaan ng mga babae.
Ang mga higad!

"GET YOUR FVCKING ASS OUT OF THIS SCHOOL. NOW! I DON'T WANT TO SEE YOUR FVCKING FACE AGAIN!" Boses yon ni Chandler. Oo kilala ko siya. Who wouldn't? Wala atang araw na hindi pinaguusapan ang lalaking yon at ang mga ka-gangmates nito.

Napakunot ang noo ko nang may makita akong isang babaeng nakaluhod sa harapan nito at halatang umiiyak. Rinig na rinig ko ang hikbi nito at pagmamakaawa na huwag paalisin sa school. Oo. Lahat ng estudyante ng FU ay takot sa kanya. Isang mali mo lang kasi ay paalisin kana nito sa school. Ganyan yan ka walang awa. Palibhasa eh anak ng may-ari ng school. Pinakamayaman din ito sa school.

"GET OFF YOUR FVCKING FILTHY HANDS ON ME. TCH!" Malamig na utos nito sa babae at sinipa pa nito ang babaeng nakaluhod.

Grabe! Walang awa talaga! Ang ikinaiinis ko pa ay hindi man lang kumibo ang mga ka-gang nito para pigilan ang leader nila. Sarap pagtitirisin!

"MOVE!" Nakakatakot ang boses nito. Pero hindi pa rin natinag yong babae. Nakaluhod pa rin.

Akmang susuntukin na sana ito ni Chandler. Hindi na ako nakapagtimpi at sumabog na ako.

Cursed You Lee Xander Spitser! [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon