Chapter 1: First Meet

169 3 0
                                    

Namamanhid na ang aking mga labi at alam kong sobrang tinatamaan na ako ng alak pero bakit hindi pa din nawawala ang sakit. Dalawang buwan na nakalipas pero parang hindi pa din nababawasan ang sakit. Maswerte pa din ako nakapasa ako ng 2nd semester at bakasyon ngayon kaya ginagawa ko lahat para makamove on at ibalik sa dati ang buhay ko. Nag simula na ung kanta sa videoke at pinunasan ko ang aking luha. Sabi nila wag daw makikinig ng mga love song para makamove on agad pero wala gusto ko lang iiyak na lahat baka kasi pag gising ko maubos din ang luha ko at makalimutan ko na nararamdaman ko para sa kanya at higit sa lahat ang sakit na dulot nya.

(Getting over you from Juris un po title ng kanta)

I close my eyes and think of you
And I wonder where you are
Oh I tried my best to hide my tears
But they fall everytime I try

Tumutulo na naman walang humpay na luha sa mata ko, naalala ko na naman paano ako naloko ng exboyfriend ko at ng bestfriend ko. Ilang beses ako binigyan ng clues ng barkada pero hindi ko ito pinakinggan dahil sa tiwala. Tiwala dahil mahal ko siya. Tiwala dahil kapatid na ang turing ko sa kanya. Ang sakit isipin na sakit lang ang isusukli nila sakin sa lahat ng tiwalang ibinigay ko.

Cause you contantly invade my dreams
And I sigh everytime I miss your kiss

It's never ending
All the memories and yesteryears we've been
through together
Why do I feel I'm far from getting over you
It's never easy
Done it all to get away from all the things that reminds me of you
Constantly you
I guess I failed getting over you

Oo nga pla I'm Eunice Trisha Perez, tama ako ngayon ay isang ganap na sawi. Lahat na ata na kayanan ko, ang pag hihiwalay ng magulang ko ang pagkawala ng aking kapatid at higit sa lahat ang mag isa sa mundo. Ang mga magulang ko nga pala ayun nasa kanila kanilang buhay sa ibang bansa para palawakin ang aming negosyo samantalang ang akin kapatid ay di pa din nahahanap simula ng sya ay maglayas. Kaya ito ako nag iisa sa buhay, i mean sanay mag isa sa buhay. Kaya naman nakakapagtaka kung bakit napakahirap para sakin na tanggalin sya sa sistema ko. By the way, I'm 3rd year college na nga pala so ibig sabihin 19years old na ako. Hamak na mas maganda ako sa bestfriend ko, hindi naman sa bitter huh di ko lang matanggap na un ang pinalit nya sakin. Idagdag pa na talented ako at magaling din sa academic pero swempre di naman ako ganun kaperfect kaya nga kahit na super girl ako sa iba di ko man lang napansin na napapalayo na pala sya sakin. Ang dating mainit na relasyon, it was turned into a cold winter day. Naalala ko na naman ang araw kung kailan ako namatay sa sobrang sakit.

Flashbacks:

Nag lalakad ako sa dalampasigan sa resort kung saan napagkasunduan ng barkada mag outing. Kanina pa ako pinipilit ni Jasmine na hanapin si Nadine para makapaglaro kami bago matulog. Nung una nakukulitan na ako sa kanya hanggang sa makita ko ang pinakadahilan niya bakit gusto niya ako lumabas para hanapin si Nads. I saw them kissing na para bang sabik na sabik sa isa't isa. Oras na yun hindi ko alam kung ano gagawin ko para bang tumigil ang oras sa pagkabigla ko. Bumalik lang ang ulirat ko ng hawakan ako ni Nads sa balikat.

"Best, I'm sorry. Let me explain please." Naiiyak na sabi ni Nads

"Ano ibig sabihin ng nakita ko?!?"madiin na pagkakasabi ko dahilan para maramdaman ko lumayo si Nads sa kinatatayuan niya.

Walang kumibo sa tanong ko siguro naguguluhan din sila sa nangyayari "ANO IBIG SABIHIN NG NAKITA KO!!!" pasigaw na sabi ko mabuti na lang nasa madilim na park kami ng resort kaya wala masyadong tao.

"I'm sorry Trish, I think I already fall out of love. Ang hirap mang hingi ng oras sayo, wala ka pag kailangan kita. Si Nads ang nandyan para sakin. Intindihin mo kami Trish pinigilan namin ang nararamdaman namin pero hindi ko na kaya. Hindi ko nakaya nakikitang nasasaktan siya pag nakikita niyang magkasama tayo. I love her so much and I finally realize that I've never been happy with you" Tumulo ang luha ko sa mga narinig ko kay Francis, tatalikod na sana sila pero hinawakan ko ang braso ni Francis

" Please wag mo akong iwan gagawin ko lahat please Hon, mahal na mahal kita sniff sniff" (halos basag na ang boses ko sa pag mamakaawa) "kung oras lang kaya ko naman ibigay un e akala ko kasi naiintidihan mo ako"sniff "akala ko kasi akala ko kasi " di ko natuloy ang sasabihin ko dahil unti unti nya tinggal ang kamay ko sa braso niya.

"Stop being stupid Trish! We cheated on you! You should be mad!

Pero hindi ko pa din siya pinakinggang niyakap ko pa siya at iyak ng iyak. Nag mamakaawa ako wag niyang gawin sakin ang nangyayari pero tinulak niya ako kaya napasalampak ako sa lupa.

"I love her" last word and they left me crying. Nakita ko iyak ng iyak si Nads habang kinakaladkad siya si Francis pabalik sa resort's room.

Tumutulo na naman ang luha ko habang paulit ulit na nag rerewind sa utak ko ang mga nangyari, tinungga ko ung bote ng alak na hawak ko pero naubos ko na pala. Oo nga pla di ko na nagawang tapusin ung kanta sa videoke, paano ba naman kasi basag na ang boses ko dahil sa mga lecheng luha ko. Napatingala na lang ako sabay Smirk at bato sa bote. Napahagulhol na naman ako. . .
"bakit ang sakit sniff sakit pa din"

Nang maramdaman ko na tuyo na ulit ang luha sa pisngi ko, tumayo ako at pinunasan ang luha ko nahihilo man pero wala yung sa sakit sa puso ko. Gusto ko lang bumili pa para makatulog agad. Di na maayos ang lakad ko pero wala akong pakialam. Nagulat na lang ako paglabas ko ng condo ~_~ tssk nakita ko ang dalawang taong kinamumuhian ko. Ayos pa ang porma nila mukhang galing sa isang date samantalang ako nakalugay na magulong buhok, amoy alak sama mo pa mapula at namamagang kung mga mata na nagmumukhang adik. Nakatingen lang sila sakin at nakaharap sa pintuan ng kapitbahay ko. Naglakad ako parang zombie papalapit sa aking minamahal. Kumunot ang noo nito pero dahil wala naman ako sa katinuan hinawakan ko ang pisngi nito at hinalikan ko ang lalaki sa harapan ko. Naramdaman ko na lang na umiiyak na naman ako kaya humiwalay ako.

"Miss na miss sniff hmhm na kita, please nagmamakaawa ako sniff umiiyak pa din habang lumuluhod sa kanya bumalik ka na" hinila ko pa dress ng babae habang nakayuko " best akin na lang sniff basag na boses ko pero pinipilit ko akin na lang sya ulit please mahal na mahal hindi ko pa tapos ang sinasabi ko nag bigla ako itulak ng babae.

"Miss nababaliw ka na ba?!! Hindi kita kilala at wag mo nga ako tinatawag na best!!AJ sino ba to huh?!Isa ako sa mga libangan ni AJ pero di naman ako ganyan ka hibang. Please miss umalis ka nga sa harap ko!!"

"Ako na bahala Kath umalis ka na muna next time mo kunin ang sinandya mo dito" sabi ng lalaki sa harapan ko

Naramdaman ko tumingin ung babae nag smirk pa "Pathetic looser!" Naramdaman ko na lang umalis ito sa tabi namin.

Nagulat ako sa tinawag ng babae kay Francis. Francis Rick De Guzman ang pangalan ng ex ko hindi AJ at ang ex bestfriend ko hindi Kath ang name nya kung hindi Nadine. Nababaliw na nga ako tumatawa na lang ako sa loob loob ko nang biglang hawak ni AJ ang pisngi ko at punasan ang mga basa kung pisngi pero nakayuko pa rin ako sa kanya.

"Are you fucking okay?!? Walang emosyon na sabi nito

"Pssst ang bilis mo naman ata ako makalimutan Francis at dito ka pa talaga sa tabi ng unit ko tumira para ano ipakita sakin kung gaano ako kawalang kwenta sayo "

halos pabulong ko na sabi dahil iniiwasan ko maiyak ulit at baka mabasag na naman ang boses ko.

"Who's Francis? sabi pa nito

Dahil naguguluhan ako inangat ko ang mukha ko para mkita ko ang nasa harapan ko at laking gulat ko waaaaaaa hindi nga sya si Francis. Sa nerbyos at pagkahilo ko sa alak ang tanging reaction ko lang naman ay "ah okay" tatayo na sana ako ng bigla ko na lang naramdaman na dumilim na ang paligid.

You made me live againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon