CHAPTER 5: CONFUSION

11.3K 141 0
                                    


[Nyssa]

Nagising ako sa kirot na nararamdaman ko sa ulo ko. Marahan akong bumangon. Napansin ko ang suot kong damit. Hindi na pala ako nakapagpalit. Amoy ko pa rin ang alak na natapon dito. Hinanap ko ang cellphone ko para icheck kung anong oras na. 5 AM. Maaga pa rin pala akong nagising.

Bumangon ako para maligo. I stared at my reflection on the mirror for a moment. Nagawi ang paningin ko sa labi ko. And then, I remember everything. How I get drunk. How I kissed him. How our tounge wrestled together. How his hands wrapped around my waist. Even the taste of him. His touch. Ipinikit ko ang mga mata ko. His kiss was breathtaking. I bit my lips hard. My body heated up just by the thought of Nathan de Vera.

I call for a room service for breakfast. Matapos mag ayos ay lumabas ako para mamasyal. I've got a day to spend at iwasan ang isang tao. Matapos ang nangyari kagabi, ayaw ko nang maulit pa yon. Ayaw ko nang malapit pa sa kanya bago ako makagawa ng panibagong pagkakamali. O ng isang kasalanan.

Malayo na ang narating ko. At halos nalibot ko na ang kalahati ng syudad. Napakaganda ng panahon. Simple lang ang isinuot ko. Scarlet V-neck shirt and shorts with light make up. Masyadong mainit ang panahon kung sasabayan ko pa.

Napakaraming nagtitinda sa gilid ng kalye. Sari-saring accessories at mga damit, charms at marami pang iba. Tumigil ako saglit para na rin makapagpahinga habang inaaliw ang paningin ko sa kahabaan ng bazaar. I was fascinated by the hats and their designs. Isinukat ko ang ilan sa mga ito. They were all beautifully made.

"Nyssa.." A familiar voice that give chills to my spine.

I composed myself. Nagpanggap ako na parang ordinaryong araw at walang nangyari. "Nate!"



[Nathan]

"Nate!" Animo'y gulat at nakangiti nyang bati sa akin.

Shit. She was gorgeous. Agaw pansin ang mapuputi nyang hita. If I was her man, I will never allow her to wear those shorts. Kahit na bagay pa sa kanya. Sobrang ikli. May kung anong galit akong naramdaman. If I was her man, those silky thighs would be just for my eyes.

Inalis ni Nyssa ang suot nyang salamin saka deretsang tumingin sa akin na para bang walang nangyari sa pagitan natin. Na parang hindi kami naghalikan at nadala sa isa't isa. Na para bang wala lang ito para sa kanya. Buong gabi akong hindi pinatulog nun kung alam lang ng babaeng ito.

"How are you?" Mukhang ewan lang ang tanong ko. Hindi ko alam kung saan mag uumpisa. Gusto ko lang makausap sya.

Nagsalubong ang mga kilay nya. "I was fine. Medyo masakit lang ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko. But, I was perfectly fine."

"Good. Good to know." Kumuha muna ako lakas ng loob saka muling nagsalita. "Nyssa..." She glanced back at me. "...about that — ...."

Hindi na nya ako pinatapos. "Kiss?" She chuckled, amused. She sounded like it was nothing to her. Like she could give it to anyone. Nanliit ang mga mata ko at hinintay ang susunod nyang sasabihin. "It was nothing, Nate. Don't worry. Just a friendly kiss. A thank you. Consider that a sign of gratitude sa pagsama mo sakin."

May kung anong kumurot sa ego ko. Pagkadismaya. Yun yun. It means a thing to me. And it was nothing to her? Is she fucking kidding me? Wala lang ba ang halik na halos tumagal ng ilang minuto. Yung pagtikim namin sa kanya-kanyang mga labi. Yung mahigpit nyang hawak sa batok ko at pagsabunot sa buhok ko. The way our tounge tasted one another. Fuck. Wala lang. Eh yung init na naramdaman ko nun. Alam ko na naramdaman rin nya yun. It's one passionate kiss we share!

Wanton Temptation [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon