[Nyssa]
Ilang oras na rin akong nagkukulong sa unit ko. Inabot na ako ng gabi nandito pa rin ako. Past 10:00 na pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin. Masakit na ang ulo ko sa kakaisip. Kakaisip ng kung anu-ano na wala namang kinalaman sa akin. I wanna go out. Aalis ako. Aalis? Lalabas? Saan naman ako pupunta? I sighed deeply by the thought.
Nahagip ng mata ko ang booklet. I remeber the events. Mabilis akong tumayo at nagbihis. I wanna go. Mask Ball. Magpapaantok. Magsasaya. Nandito ako para sumaya at maglibang. Hindi ang isipin ang lalaking wala namang kinalaman sa buhay ko. Besides, mukhang magagamit ko na yung damit na pinag iisipan ko kung saan ko isusuot kanina.
10: 40 PM. All set. I stared at my own reflection. I braided my hair and tied it in a bun, fastened by a simple clip. Wala akong dalang accessories since wala naman talaga sa plano ko ang mga ganitong bagay. Ni hindi ko nga alam na may ganito palang event. Binasa ko muna ang lokasyon at iba pang impomasyon tungkol dito. I grab my purse and my keys. And out I go.
Halos lahat nakatingin sa akin habang naglalakad ako sa kahabaan ng boulevard. Hindi maiwasan na tumambad ang aking hita sa bawat hakbang ko, dahil na rin sa mahabang slit ng damit na suot ko. I never thought it would be this revealing. Well, nandito na ako. No turning back.
Malapit na ako sa venue nang mapansin na nakasuot ng maskara ang lahat ng mga nakakasalubong ko. I tap my forehead. Of course it was a Mask Ball! Saan ako kukuha ng maskara ngayon? It will never be a Mask Ball without a mask, Nyssa. Naghanap ako ng street vendor. Baka sakaling nagbebenta pa sila nito.
Isang batang babae ang lumapit sa akin at sinalubong ako. Dala nya ang isang itim na maskara na napapalamutian ng pulang balahibo. May maliliit at makinang rin itong mga bato sa palibot. Iniabot nya ito sa akin.
"Mah Momma told me that this mask will fit foh a beautiful lady like yeh." Sabi nito sa Brazillian accent. Sumulyap ito sa matandang babae sa di kalayuan na nagtitinda ng mga ito.
Isang ngiti ang iginanti ko at agad binuksan ang purse ko. Mabilis na umiling ang bata nang makita ang perang hawak ko. Akma na siyang aalis nang hawakan ko ang kamay nya.
"Please..." Sabi ko. Alam kong ayaw nyang tanggapin ang perang iniaabot ko. "...it's for your mother. Not for the mask. It's for her. Please..." Kinuha ko ang kamay nya saka inilagay ang perang hawak ko. Bahagya ko itong pinisil. "And, thank you."
Tumakbo na ito pabalik sa ina nito. I smiled and continued on my way with the mask on my hand. Di pa kalayuan ang nalalakad ko nang bigla na lang akong tawagin ng batang babae. Huminto ako at bahagyang yumuko. "Yes?"
Isang pulang rosas ang inilagay niya sa buhok ko saka bumulong ng, "May yeh find true love."
Pagkasabi noon ay umalis na ito. Isang ngiti nalang ang kumawala sa mga labi ko saka isinuot ang half mask na hawak ko. 'May you find true love' My question is, does true love really exist? If it does, would it know my existence then? Nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Town Square. Napakaraming tao. Maraming umiinom. Sumasayaw. It's really a party. Loud Latin American music was playing. Nakuha ko ang atensyon ng karamihan. Lalo na ang mga kalalakihan.
"Ella bonita..." Rinig kong sabi ng isa sa mga lalaking nakatayo sa bandang gilid. Sumang ayon naman ang mga kasamahan nito.
Lumapit ako sa counter para kumuha ng maiinom. Everyone seems to look great. With those dresses and fancy masks, stunning. Masigla ang tugtugin at karamihan ay sumasayaw sa gitna. Natutuwa akong pagmasdan ang mga taong sumasayaw at nagdaraan sa aking harapan. Wala rin akong balak magpakalasing. Baka kung saan pa ako pulutin.
BINABASA MO ANG
Wanton Temptation [SPG]
RomanceOn the wild mountains of Brazil, Nyssa Hidalgo set forth to start a new adventure. Para makalimot. Para baguhin ang sarili. Para takasan ang nakaraan na kahit kailan ay hindi niya matatakasan. But shits happened. She was lost. Lost in the eyes of a...