RY [10]

20 1 0
                                    

C h a n y e o l

"Sanzha kapag may nang loko sayo sabihin mo lang ha? Ako ang bahala sayo"

"Kasi ikaw ang knight and shining armor ko!!" Sigaw naman ni sanzha.

"Pero pano kong paglaki natin kalimutan mo ko?" Nag pout siya.

Ngumiti naman ako. "Bakit ko naman gagawin yun? Diba may promise tayo?"

"Ay oo nga pala." Sabay ngumiti siya. Ang matamis nyang ngiti.

Pero ngayon hindi ko man nagawang saktan physically si baekhyun na kuha ko naman siya ng mabilis.

"Sa-sanzha.." Kumalas na kami sa pagkayakap dahil nakinig naming tumawag si baekhyun.

Halata sa mga mata niya ang takot at kaba.

Lumapit naman si sanzha kay baekhyun na at bigla nalang itong sinampal si baek. Lalapit na sana ako at kahit si jihyo nakita kong tumayo pero may pumigil samin. Agad tumakbo papalapit sakin si Kai at kyungsoo at ang humawak naman kay jihyo ay si suho at lay.

"Sa-sanzha Sorry.." Napatingin nalang sa baba si baekhyun at napaiyak nalang siya.

Nakatanggap uli siya ng sampal galing kay sanzha.

"Bakit mo nagawa yun?! Bakit?!" Sigaw nya habang nakahawak siya sa kabilang balikat ni baekhyun at inaalog alog niya.

"Umimik ka!!! Magsalita ka baekhyun bakit!!? Bakit?!" Sigaw ulit ni sanzha habang umiiyak siya. Pero si baekhyun nanatiling nakatayo walang kibo ni walang imik.

"Alam ko na ang lahat baekhyun!!!!" Sigaw nya ulit at dahilan ng pagtigil kaming lahat.

Anong alam na nya?

Tiningan ko ang mukha ni baekhyun at halatang gulat at takot ang mga nasa mata nya.

"Sanzha.. So-sorry" panimula niya.

"Hindi ko sinasadya.. Simula nung nabalitaan kong babalik ka dito nag alala ako. Natakot ako. Nabaka hindi mo ako makilala. Nag selos ako dahil alam kong ikakasal at ikakasal kayong dalwa ni chanyeol. Oo, nandun ako nung time na nangako kayo sa isat isa. Kaya sobrang nasaktan ako na parang sinaksak ng kutsilyo itong puso ko. Dahil sa sobrang di ko maintindihang nararamdamn ko. Bumiyahe ako, papuntang airport. Para sunduin ka. At hindi ko naman akalain mapapabilis ko ang takbo ng pagmamaneho ko at nabangga ko ang sinasakyan mo. Oo rin, kinasabwat ko lahat ng nakakita. Kinasabwat ko ang mama mo. Na ako ang ipakilalang chanyeol na minahal mo. Pero sanzha.. Hindi ko plinanong maaksidente ka una pla.. Mapatawad mo sana ako" Sobrang galit ni Sanzha ay nasampal niya ulit si baekhyun.

Kahit naman siguro etong mga enggot nananunuod sakanila ay umiiyak ni kahit si jihyo. Ako lang dito ang nakararamdam ng galit sa ginawa ni baekhyun.

"Pero hindi ka nagtagumpay. Dahil utak ko lang ang nakalimot hindi ang puso ko, magkaiba yun baekhyun."

Remember You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon