RY [9]

26 1 0
                                    

C h a n y e o l

Nandito narin kami sa bahay at si Sanzha naman ay naiuwi na namin sakanila.

Naikwento narin namin kila baekhyun ang nang yari at naikuwento narin sakin nila na sila na. Wow ang bilis.

"Baek? Eh ngayon ba may gusto ka parin kay Sanzha?" Tanong ko.

"Ah eh.. Siguro meron pa." Mahina at matamlay na sagot ni baekhyun.

May dalawa lang akong nararamdaman na reaksyon sa paligid ko.. Ang malakas na kalungkutan at mahinang kasiyahan. Bakit?

Lahat ng nandito malungkot at kahit ako, at eto namang si Chen at Kris na naiiba ay sobrang saya. Mga may gusto kay Jihyo naku!!

"Wala ka talagang pagaasa palaka!!" Sigaw at tawa ni chen at pati si kris tumatawa.

"Pake nyo? Ako parin ang first love nya! Tsaka bakit ba ha? May gusto ka saking dinosaur ka no? Isa kapang baba ka?!" Matapang na sagot ni jihyo at halatang asar na asar siya.

Nanahimik naman etong dalawa sa sinabi niya..

"First love never dies, gagawin ko ang lahat para mabalik ang nararamdaman ko para sayo. Tamo nga sila Chan at Sanzha eh. Magagawa kong mahalin ka uli Jihyo" Sabay iyak si Jihyo sa mga sinabi ni baekhyun at niyakap siya ni baek

Napa "awww.." Nalang kami

Samantalang sila chen at kris pumunta kusina. Mga selosong walang lovelife.

Nanuod kami ng movie, mabilis agad kaming nag kaayos ni baekhyun kasi magkaibigan kami at malapit ang mga magulang namin. Nagawa kong mang magalit sakanya ay kaya ko paring patawarin siya.

Oo alam kong gumawa siya ng kasalanan at nagawa pa niyang magsinungaling. Ramdam ko at alam kong mahal na mahal rin niya si Sanzha kaya nya nagawa yung ganung bagay.

Hay pagibig nga naman. Lahat ng sakit at pagsasakripisyo ay gagawin mo para lang sa taong pinakamamahal mo.

Na kahit alam mong mali ang gagawin mo eh para lang mapasayo siya ay gagawin mo kahit kasinungalingan pa yun.

Pero diba nga Kung mahal mo ipapalayain mo..

Kung mahal mo gagawin mo ang lahat para sakanya..

Kahit sabihin pa nyang iiwan mo siya.

At Kahit sabihin pa niyang limutan mo siya.

Sakripisyo, isa sa kailangan sa pag mamahalan.

Kailang nyong mag sakripisyo para sa isat isa..

Madali man o mahirap iyon..

*ding dong*

Ako na ang tumayo at binuksan ang pintuan ng makita ko si Sanzha ay niyakap nya ako..

Hindi ko alam kung bakit natakot ako..

Anong maari niyang gawin kapag nag kita sila ni Baekhyun?

Remember You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon