Three! Ang Bataan

23 1 0
                                    

Published: June 25, 2017

***
Three! Ang Bataan
FRANCINE Point of view

"Takte! Ikaw ba sino ka! Bitawan mo nga ako" umiinit ulo ko pag nakikita ko siya ehh.

"I'm Crimson" seryoso niyang sabi.
Napatingin ako sa wrist ko na hawak niya, agad ko tinangal yon at itinulak siya.

"Args! Wag mo ko hahawakan! Madumi ka!" Nabigla lang ako kaya ko nasabi yon.

Nagtaka siya sa sinabi ko kaya Tiningnan niya ang kamay niya.
Nang nakita niyang Hindi naman madumi ang kamay niya kinorner niya ko gamit ang dalwang braso niya.

*dub dub dub dub

Shit àyoko ng ganito, àyoko ng malapit siya, kinakabahan ako natatakot ako.

"Ano kasalanan ko sayo?" Tiningnan niya ko sa mata. Tinakpan ko ang mata ko àyoko siya makita.

"I just don't like you"

"Really? Is that reaction formation?"

"What the-- reaction formation your face ang kapal mo di kita gusto" inis Kong sabi.

"Now you're in denial"ngumisi siya.
Hindi kuna matagalan ang pang aasar niya.

" ibahin mo ko sa mga babae mo! Nandidiri ako sayo kaya please wag na wag mo ko lalapitan madumi ka"medyo dumilim yung mukha niya sa sinabi ko.

"Lahat naman sinasabing iba sila! Ganon ka din, some girls na nagpapangap na iba pero deep inside puro kalandian ang alam. Hindi na bago ang taktikang ginagawa mo para magpapansin sakin acting hard to get para magkainterest ako at mapansin ka pero sorry Hindi na yan uubra. Parepareho lang kayong mga babae, ang gusto magpadale"nagulat ako sa sinabi niya, ang formal niya magsalita pero yung sinasabi niya pangkalye.
Naiinis ako gusto ko idefense ang sarili ko at sabihin di ako ganon, pero wala naman ako dapat  patunayan sa kanya.

"Ano ba gusto mo?" Bago pa siya sumagot ay napabuntong hininga ako, wala mangyayari kung papatulan ko pa siya "sorry" sabi ko habang hinihilot ang noo ko. Pinagmasdan ko siya bigla siya Nagtaka. "Sorry kung natapakan ko ang napakalaking ego mo, I don't really like you, kalimutan na lang natin ang nangyari. Back to normal. Hindi kita kilala di mo ko kilala, and it's done! " Umalis na ko bago pa siya magreact.

Sinampal sampal ko ang sarili ko habang Naglalakad. Una bakit ba ako nagsorry siya na nga tong ininsulto ang pagkatao at ang mga babae. Sa tingin ko masyado na yung pag kagalit ko sa kanya, wala ako karapatang ijudge siya kaya nagsorry na lang ako.

"Bitch" nabanga ko si Shella kaya bigla niya ko sinabihan ng ganon.
Sinamaan ko naman siya ng tingin, nakipagtitigan siya sakin. She's Shella Alix, blockmates ko siya sa 2 course ko, pranka siya at maldita pero wala ako pakialam.

"Wala ako sa mood Shella" umiwas ako sinabayan niya ko ng lakad.

"Nakita kita kahapon" lumingon ako sa kanya , ang sama pa din ng tingin niya habang sinasabayan ang lakad ko. May takong kasi yung shoes niya sakin wala kaya nahihirapan siyang sabayan ako.

"Oh? Talaga? Ako din nakita kita" ngumisi ako sa kanya hello? Blockmates kami panong nakita niya ko pakiexplain, diba matalino to?.

"Silly" inirapan niya ko. "Di yon! I mean nakita kita kahapon kasama mo ang boyfriend ko, bakit?" Napatigil ako sa paglalakad at tumingin muli sa kanya.

"God seriously Shella? Pinagseselosan mo ko? You're kidding right?" Tanga ba talaga siya? Si Cyan at ako? Ewwwww, kaibigan ko lang yon.
Yes ! Siya yon, Cyan's so-called Girlfriend.

Wag kayo magtaka, maganda si Shella. Maldita, magagalitin pero mabait yan sa mabait sa kanya.

"Yes! bakit Hindi?" Tiningnan niya ko mula ulo hangang paa. "Maganda ka kahit papaano, cute, cool, and unique! Para sakin you're a big threat! Kahit di ka kasing ganda ko, kahit sinong lalaki mahuhulog sa ugali at itsura mo" taas kilay niyang sabi.

Napairap naman ako, Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi niya.

"Mahal ka ni Cyan, wag muna nga ako guluhin. Wala basehan yang bintang mo, don ka magselos sa nagkakandarapang mga stalker ng BF mo"

"Wala ako pakialam sa kanila, wala silang kwenta ikaw lang naman ang posibleng magustuhan ni Cyan bukod sakin." Ano bang problema niya? Ipilit ba daw?

"Shella?" Napalingon kami ni Shella Kay Cyan.

"Yan na bf mo, wag ako guluhin mo" naglakad na ko.

"Bakit?" Tanong ni Cyan sa Gf nya Bago pa ko makaalis.

"You're with her yesterday at di mo sinabi sakin, nakita ko kayo! You jerk!" Napakaselosa naman nito.

"You didn't ask"nagtatakang napatingin sakin si Cyan.

"whatever "nagwalk out si Shella, nagtataka namang sumunod sa kanya yung slow niyang BF.

Pumasok na ko sa next class ko.
Wala akong kaibigan, si Shella lang naman kumakausap sakin para awayin ako.

Sa kasamang palad, gusto ko ang ugali ng babaeng yon. They deserve each other. Pagpasok ko sa room may umiiyak na babae, Hindi ko maalala yung pangalan niya.

"tahan na Honey, makakamove on ka din ganan din naramdaman ko ng iwan ako ni Crimson "-_- wtf na naman. Crimson na naman?????

" sabi niya he likes me daw tapos isinuko ko ang Bataan, he said pa na ako lang daw, akala ko nagbago na siya because of me pero I'm Mali pala huhuhu"

"Sinasabi naman niya sa lahat ng babae yon" sabat nung lalaking nakikichismis.

"Shut up Kurt! Ingit ka lang kasi si Crimson pinagsusukuan ng Bataan!!! Ikaw Hindi!"

"Tumahimik ka nga Elaine! Bataan Bataan na pinagsasabi niyo, virginity lang di pa masabi. Mga babae talaga may sariling lingwahe talo niyo pa ang bakla ehh" irap ni Kurt daw sa mga kaharap, Minsan may point siya.

"Waaaaaaaaa" bigla iyak na naman nung Honey, Inalo na naman siya nung Elaine at nakikinig at Nanunuod lang yung Kurt. Ang iingay nila grabe sila natulog na lang ako hangang sa dumating ang instructor namin.

Mga tao Nga naman.

Crimson bakit ba Ang Dami namomroblema Sayo?

***
💞💞

The Devirginizer's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon