Nag-retire na ako sa trabaho ko as a model at nagsimula nang i-handle ang kalahati ng negosyo ni Papa, actually may malaking ipon naman ako sa pagmo-model ko, malaki na rin para makabili ako ng sarili naming bahay. Pinatigil ko na rin muna si Flemeral sa kanyang pagtatrabaho, she didn't agree first but then I did some ways to convince her to agreeing. And so she did.
Ngayong araw na ito na rin namin malalaman kung lalake ba o babae ang baby namin, it doesn't matter if our baby will be a girl or a boy as long as healthy siya na lalabas, kasalukuyang nag-u-ultrasound si Eral, ngumiti sa amin ang doctor ni Eral matapos ang ilang sandali, "congratulations Mr. and Mrs. Apolonio de Mayor, you two will be having a baby boy."
Napatingin ako kay Flemeral, tumingin siya sa akin at ngumiti, "seems like she is a he and he'll be Frost, okay uh, maybe next time gawa ulit tayo ng Flemeral the second."
Tumawa ako at saka ko siya mahigpit na niyakap, "ilan ba gusto mo?"
Namula siya, agad ko namang nilapit ang ulo ko sa baby bump ni Flemeral, "hi Frost, si Daddy ito, alam mo ba na excited na akong makita ka?"
Tinignan ako ni Flemeral at ngumiti, tumingin ako kay Dra. Lazo na halatang masaya para sa aming dalawa, nag-usap kaming tatlo, may mga binigay siyang do's and don't, mga tips, at vitamins, matapos ang checkup ni Eral ay agad kaming umuwi sa bahay niya, doon muna kami pansamantala habang naghahanap pa ako ng bahay, syempre hindi niya alam para surpresa.
Nang nasa porch na kami ng bahay ay tumigil ako, "Eral..."
Lumingon siya, "bakit?"
I smiled, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ito, "may date tayo mamayang gabi." It ended up being crappy, shouldn't I have said will you date me tonight? Damn it.
Halatang nagulat siya, first time kasi na ako naman ang mag-aya na mag-date kami, ngumiti siya na tila ba masaya saka mabilis na tumango, lumapit siya sa akin at saka mabilis akong hinalikan sa labi, matapos iyon ay pumasok na siya at pumanhik sa kwarto.
Nanatili akong nakatambay sa harap ng bahay nang biglang tumunog ang cellphone ko, sinagot ko naman ang tawag, "hello Sir? Nakahanda na po ang small cruise ship niyo, inaayos na rin po at dinedekorasyonan."
"Okay."
"Sir, may kailangan ka pa bang ipandagdag?" Tanong ng babae mula sa kabilang linya.
Kinapa ko ang bulsa ko at tinignan ang kahon, "actually, wala na. Ako na ang bahala sa iba." Sagot ko at saka ko binaba ang tawag, pumasok na ako at saka tinignan si Eral sa kwarto niya, nakita ko naman siya na tulog sa kama, kinuha ko ang kulay pulang dress na binili ko para sa kanya kahapon sa ilalim ng kama at nilagay ko ito sa tabi niya at saka nag-iwan ng note na ang nakasulat ay 'Wear this dress for our date later.', matapos iyon ay lumabas na ako sa kwarto.
Naging mabilis ang oras at palubog na ang araw, nakabihis na rin ako ng isang pormal na suot, naka-red long sleeve ako at tuxedo, syempre pinag-match ko ang suot naming dalawa.
Hinintay ko si Eral sa baba na matapos na, nang bumaba na siya sa hagdan ay napatitig ako sa kanya, she had her hair curled, she had a light makeup on, bagay na bagay sa kanya ang suot niyang dress, even if she have a baby bump she still managed to look sexy. She is the definition of close to perfection, she looked angelic and gorgeous...
Lumapit siya sa akin at agad ko namang nilahad ang kamay ko, "you look beautiful." Pagpuri ko sa kanya, ngumiti siya sa akin at agad na tinanggap ang kamay ko, halatang hindi niya inakala na sasabihin ko iyon sa kanya, but I did.