Chapter 4

181K 909 64
                                    

Minzy's POV

"Hindi yan.. ano ka patay?"

after 5 minutes na pag susukat sa fitting room ay lumabas na ulit ako.

"Panget!! ano ka mag bo-ballroom? yung iba.." Sabi ni mamang matangkad na hanggang ngayon ay di ko pa kilala.

Nandito kami sa mall para sa change outfit na yan. Ako daw pumili ng mga gusto ko. At ayun nga pinili ko naman yung mga gusto ko na hindi naman niya gusto.

"Ano ba kasi ang gusto mo? ikaw na kaya yung pumili. tsk kainis." Sabi ko sabay pameywang.

"Tsk sige na sumunod ka sakin manang." Pang aasar niya.

Sinundan ko nga siya sa paglalakad at pagpili ng mga damit na susootin ko daw para maakit ko daw si Dave? seryoso na ba talaga 'to?. bawat lakad namin sa boutique ay hinahagis niya yung mga damit na napipili niya at diretso sa kamay ko. Ang dami naman niyang pinili tsk! pumili rin siya ng mga shoes , may mga matataas na heels na di ko kayang suotin. flats etc. matapos ang isang oras na pagpipili niya ay tunulak niya ako ulit sa fittting room.

"Makatulak wagas ?" Sabi ko nung nasa loob na ako.

"Tsk sukat mo LAHAT! para di ka maging manang sa paningin ko." Masungit niyang sabi.

Kada labas ko ng pintuan ay tumatango lang siya at umiiwas ng tingin. Lahat naman siguro ay nagustuhan niya di naman siya nag rereklamo eh.

nung matapos na kami sa damit at sapatos ay dinala niya naman ako sa mga make up? Konti nalang ay maniniwala na akong bakla itong matangkad na ito.

"HOY! bakit ang dami mong alam sa ganito?" tanong ko nung nasa tapat kami ng store.

"Bakla ka ba?" Dagdag ko.

humarap siya sakin ng nakangisi pero halatang galit. Nakakatakot.

"Ha! kung ako bakla sana ako nalang nag susukat ng mga yan." Tinuro niya yung mga bitbit kong paper bags. OO ANG GENTLEMAN niya po kasi. kainis.

"At wag mo akong ma-HOY! HOY!." Sabi niya pa.

"Eh di ko naman kasi alam pangalan mo eh kaya HOY nalang tawag ko sa'yo." sabi ko na nakataas ang kilay

"Edi HEY nalang din tawag ko sa'yo para kwits tayo.. Di ko rin naman alam ang pangalan mo eh." Sabi niya sabay hila sakin sa loob ng store ng mga pangpaganda.

Pinaasikaso niya ako sa mga saleslady doon dahil wala naman daw siyang alam sa mga make up. Minake up-an lang ako doon ng mga babae at bumili na rin si HOY ng mga make up na kaylangan ko daw sa pagpapaganda. Pagkatapos ng nakaka atching na make-up-an ay nagtungo kami sa store ng mga contact lens.

"Mag contacts ka nalang para di ka mukhang manang." sabi niya

One More Round (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon