Chapter 2

65 0 0
                                    

Chapter 2

Mabait talaga ang tadhana, akalain mo yun’ sa laki ng campus na pinapasukan nila nakita parin niya ang lalaki na nakasabay niya sa pampasaherong jeep.

“I’m sorry, hindi ko sinasadya”

“Ok lang”

Saka ito umalis, mukhang hindi nito natatandaan ang mukha nya… bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkadismaya. Hindi talaga lahat ng inaakala mo matatamo mo.

“chin’gu, wae? What’s the matter?”

“Nothing… let’s go”

Naglalakad si Teisha papuntang Administration building kung saan naroon ang Library, laman na sya ng bagong gawang library na yun sa loob ng kanilang campus, at dahil may aircon dun, mas masarap magaral o magsulat.

Napansin niyang ang daming tao sa ibaba ng Admin building, nagbabayad ang ibang istudyante ng matricula, buti na lang at bayad na siya. Papasok na sana siya ng hallway papuntang library ng makasalubong niya ang lalaki kanina. Pansin na pansin niya na kanina pa talaga sila nagpapangita ng hindi sinasadya. Nawiwirduhan na siya sa nangyayare, grabe naman… pero kanina hiniling niya na Makita niya ulit ito, pero ngayon parang weird na ang dating kase masyado ng paulit ulit e.

Kakababa lang niya ng hagdan galing sa library ay palinga linga siya, baka Makita ulit niya ang lalaki, pero nasa exit na siya ng building pero wala siyang nakita kahit anino nito. Kung tutuusin nadismaya din siya, akala naman niya destiny na talaga sila na kahit saan siya magpunta makikita niya ito, klaseng may pagkaninja.

“what are you doing?”

“nagrereview sa English at Ss”

“ahh..sipag ahh, nako Nielkung ganyan ka ng ganyan, edi hindi mauuso satin ang SINGKO”

“talagang natin’ haha. Magkakabit ba utak natin?”

“yeah,sort of “

Natawanan sila, pag si Niel ang kausap nya madalas wala na siyang kapoise poise, sanay na sila sa isa’t isa, parang bestfriend na sa lahat ng bestfriend ang lalaking ito. Kahit minsan may pag kaaning at madalas manloko.

“Hey, Niel, Tei… may photocopy na ba kayo sa SS?”

“si Niel, meron… ako walang balak”

“luka ka talaga! Magpaxerox ka kaya”

“Oo na! akina nga yan at magpapaxerox ako dun sa may baba ng building ng Educ.”

“ipag-paxerox mo din ako ha”

“aba, sinswerte… akina ang pera”

“Tei, ikaw na… parang hindi friends e”

“Si niel Oo pa..e ikaw! Langya ka talaga Fredo!”

“hahaha.. pag si niel ang bait pag sakin’ parang dragon!”

“tse”

Saka siya umalis papunta ng Educ. Building, ang building para sa future teacher… wala naming yayaman dun pero marami pa din nageenroll sa course na yun’ pero ang popogi ng mga tao dun ha.

Dami pa nagpapaxerox sa lagi niyang pinapaxeroxan kaya umupo muna siya sa hagdan, nakakagutom pa kase katapat lang nun yung mga bilihan ng burger at ice cream.

“Hmmm. Craving” makakain muna kaya? Tataba lang ang tiyan ko kaya wag na nga.

Tinitingnan na lang niya yung mga kwek kwek na nakadisplay… mabubusog na rin siya dun. Dami nakatambay sa mga stoll sa tindahan na yun’ bakit kase wala man lang siyang inaya para sumama sakanya edi sana hindi siya parang tanga dun’ wala man lang siyang makausap. Napukaw ang atensiyon niya ng isang malakas na tawa… hindi na siya nagulat kung bakit parang interesado siya sa taong pinagmulan ng malakas na tawang iyon… mas nagulat pa siya ng tumingin ito sakanya at ngumiti ng makahulugan saka bumaling sa kanyang mga kasama. “pagkakataon nga naman, talagang ang tadhana ay nakakaloko na, pero nakakagulat na aware na siya sa presemsiya ko.” Nakangiti siya ng tumayo sa inuupoang hagdan at saka nagpaxeroz dahil hupa na din ang mga tao.

“Paxerox nga po, 1 copy of this and 2 copies of this”

“Yes miss, right away”

Pinipilit niyang wag lumingon sa likod niya, baka masabi pang napaka-flirt niya, pigil pigil saying ang respeto e.

“Miss, eto na po”

“How much?”

“7 pesos”

Nagbayad siya at umalis na, hindi na niya tinaponan ng tingin ang lalaki, nakakahiya kung sakaling mahuli siya, ”pero hindi naman niya ko mahuhuling nakatingin sakanya kung hindi din siya nakatingin sakin” bigla siyang napaisip, Malay mo nga naman diba? Pero mas maigi nang hindi nagaassume, mahirap na masaktan nu’ Tama na ang crush. “teka teka! Crush? As in inamin ko na din na may crush ako dun? Pero why not… crush lang naman yun. Hindi naman siguro lalala”.

When you Say Nothing at all .cc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon