Chapter 28 ''Letter in the Crystal"

28 2 0
                                    

Nandito kami ngayon sa living room. At nagtataka kung paano nailagay ni Sambre ang Letter sa crystal.

"Ang kapangyarihan ni Sambre ay crystal?" Tanung ni Alicia.

"That's impossible, na wala na sa mundo ang Crystal Power dahil ipinatalsik to ng lahat ng Kulors Kingdom pati na rin ang Kingdom of gods." Sagot ni Charlotte.

"Bakit?" Tanun ni Alicia.

"Ang powers ng Crystal Kingdom ay kakaiba sa lahat. Maaaring lahat ng kapangyarihan ay nasa kanila o sa isang tao. Kaya natakot ang ibang Kingdom na baka sila ang maghari ng mundo ng Santauri. Kaya walang ni isang tao sanggol, hari o reyna ang natira." Sagot ni Charlotte.

" Kawawa naman ang Crystal Kingdom, kaya pala... hindi na kilala ang kapangyarihan ng krystal." Sagot ko.

"Pero bakit nasa crystal form yan?" Tanung ko,

"BREAK IT! BREAK IT! SAMBRESHU WANTS TO DO THAT!" sagot ni Mashiro.

"Mashiro, kaano-ano mo si Sambre?" Tanung ko.

"I'm his pet! He loves me so much!" Sagot nito. Na ipinagtaka ko so totoon hindi talagang tao si Sambre, at may kapangyarihan na siya noon pa?.

"Onee-san, Sambre is the strongest! But he has a weakest memories..." sagot nito na ikinalungkot niya naman.

"Memories?" Sambit ko.

"So... totoo pala ang Prophecy A great Kingom will vanish, and one will stand and save but memories will forgotten," yan ang prophecy na narinig ko.

"Sirain na natin yan, para magkaalaman na." Sagot ni Drake binasag niya ito. At kinuha ang papel. Ibinigay niya to sa akin. At binuklat ko na ang papel...

"Sulat to' ni Sambre..." sagot ko sa kanila.

Dear  everyone...
I'm sorry for living without permission... I'm very grateful because I meet you. Thank you Florence for bringing me here in Santauri. And I were able to re-gain my memories before. Siguro hinahanap niyo na ako ngayon. Pati ng Headmaster na si Jason Mado. Maraming nakapaligid na traydor kaya wag kayong magtitiwala sa iba o kahit kanino man. Magingat kayo, at dahil sakin kaya kayo napapahamak kaya Wag niyo muna akong hanapin. Pupunta lang ako sa lugar kung saan ako karapat dapat. At tama kayo na ang kapangyarihan ko ay Crystal. Hanggang sa muli natin pagkikita.
Paalam.

Ang inyong kaibigan,
Sambre...

Napaiyak na lang ako. Gulong gulo pa rin ako. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat.

"Florence, wag mong isipin na ikaw ang may kasalanan ng lahat... alam kong ginawa mo lang ang makakabuti kay Sambre..." sagot ni Alicia sakin. Na pinapatigil ako sa pagiyak.

Tumakbo ako palabas. At hinayaan lang nila ako, Gusto ko kasi na mapag isa muna ngayon. Sobrang daming nangyayari. Litong-lito na ako sa pag-uunawa! Napadpad ako sa isang hardin, ibang lugar... hindi to sa school namin o sa village pero hindi na lalayo sa Wens Territory. Paraiso at bihira lan siguro ang makapunta dito. Huminahon ako, dahil hinahabol ko pa ang hininga ko. At nagisip isip. Kung hahanapin ko pa ba si Sambre... Sabi niya sa sulat na wag magtitiwala sa iba, dahil maraming traydor ang nakapaligid. Napaisip ako kay Alicia...

"Hindi! Hindi!" pagiling ko, hindi niya ako ta-traydorin... alam kong nagbago na siya. Si Drake kaya? Urghhh! Wag kang magisip ng ganyan Florence... wag mong isipin ng malalim baka lalo pang lumala. Huminga ulit ako ng malalim para maliwanagan sa pangyayari. Pero wala talaga akong maisip ang gusto ko lang gawin ay umiyak at sumigaw pero di ko kaya. Hanggang sa unti unti ng napagod ang mata ko, ayoko pa sana mtulog pero napikit ko na ito.

Morfran POV

Hinahanap ko ngayon si Florence, may gusto akong sabihin sa kaniya. Pero diko magawa dahil kailangan kong maging siga-siga. Kahit ayoko. Isa akong Black wizard, pero hindi ko gusto ang kapangyarihan ko. Gusto kong gamitin to, sa mabuting bagay. Pero isinilang ako na maging Black Wizard. Kaya tanggapin na lang ang itinadhana sa akin. Ang gusto kong sabihin kay Florence, ay ang paglayo niya kay Alicia San. Ang kapangyarihan ko ay pag tingin sa mga tao ng kung ano ang magiging itsura nila. Bihira ko lang tong magawa dahil pabago bago ang kilos na ginagawa ng tao. Pero si Florence, nag aalala ako sa kaniya. Dahil nakikita ko na ang Transformation niya. Hindi naman ito black powers pero masyadong makapangyarihan ang taglay niya na pananakit lang ang pwedeng gawin at wala ng iba. Gusto ko siya makausap pero sa time na makakausao ko siya, umuurong yun dila ko. Ramdam ko nga na napapansin niya ang paglapit ko sa kaniya.

May nakita akong babae na umiiyak popular to sakin kaya nilapitan ko. Hindi ko alam kung ka-ano'ano ko siya pero nasasaktan ako sa tuwing naririnig ko siyang umiyak. Parang tinutusok ang dibdib ko. Nakita ko siyang humiga. At nilapitan ko siya. Nagulat ako dahil si Florence pala tulog na tulog. Binuhat ko siya at ginamit ko ang invisibility ko. Pupunta ako sa Dorm ko ito na siguro ang right time para sabihin sa kaniya na may mangyayari sa kaniyang masama.

Alicia's POV
Hindi ko na pinigilan si Florence na umalis, alam kong kailagan niyang mapagisa. Si Charlotte at Mashiro ay nagpaalam na para pumunta sa kwarto nila. Si Drake naman natulog sa kwarto niya. Ako na lang ang natitirangtao dito sa living room. Nagiisip din ako. May misyon kasi ako. At pagnagawa ko yun misyon na yun isang magandang pabuya ang ibibigay sakin. Kaya kailangan ko ng tapusin ang misyon ko. Bago pa may makatuklas ng ginagawa ko.

***
Sorry maikli lang talaga ang Chapter na to' plano ko sana na letter lang ni Sambre, pero parang ang lame tignan kaya dinagdagan ko pa. Hope you like it. Please support.
/LMep

Lost Magic "Eyes Open"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon