• 98 •

43 1 0
                                    

[A/N: Naisip ko na gawing story mode yung chapter na to. You're welcome huahua]

-

Author's

Kabadong kabado kung mag-lakad si Kristoffel papunta sa tahanan nila Scarlette. Kasama niya man si Lucille ngayon, ay hindi parin niya maiwasang kabahan sa kadahilanang magta-tapat na sya ng kanyang damdamin sa dalaga.

"Doorbell na." utos ni Lucille sa binata.

Nakita naman ni Lucille na napalunok si Kristoffel. Napa-buntong hininga nalang ito.

"Kris, ano ka ba? Para ka namang bading nyan. Andito naman ako oh. Maging confident ka lang." sabi ni Lucille kay Kristoffel habang hinihimas ang likod nito upang mapakalma.

"Bakit kasi ako lang yung magsasalita? Parang tanga naman." inis na sabi ni Kristoffel kay Lucille.

"Makikisabat nalang ako, don't worry." sagot naman ni Lucille.

Huminga ng malalim si Kristoffel, tsaka nag-lakas loob na mag-door bell sa bahay nila.

Wala pa ang isang minuto ay may kaagad na nag-bukas na ng pinto.

"Ay tita!" bati ni Lucille sa mama ni Scarlette.

"Oh Lucille hija? Napadaan ka?" sabi nito kay Lucille.

"Ah opo. Nandyan po ba si Lotlot?" tanong ni Lucille.

Kristoffel's

Magalang din pala 'tong babaeng to eh.

"Yes hija. So who's this guy?" sabi ni tita tsaka tumingin sa akin.

"Ah, hi po i'm Kris—"

"Crush ni lotlot tita." biglang singit ni Lucille.

Pinandilatan ko naman sya ng mata. Masama mag-sinungaling. Tanginanng to.

Si tita mukhang natuwa pa sa sinabi ni Lucille at pinapasok nalang kami kaagad sa bahay nila.

"Nandoon si Scarlette sa kwarto niya." sabi ni tita.

Nag 'thank you' kami pareho ni Lucille sakanya tsaka dumeretso sa tapat ng kwarto ni Scarlette.

Huminga ako ng malalim.

"Ikaw nalang kaya kumausap?" tanong ko sakanya.

"Bakit ako? Ikaw na."

"Ikaw best friend eh."

Bigla nalang sya kumatok sa pinto.

"Tangina!" Napa-bulong na mura ko sakanya.

"Sino yan?" narinig 'kong sigaw ni Scarlette sa loob.

Na-miss ko boses nya..

Landi Kris.

Narinig ko yung mga footsteps ni Scarlette palapit sa pinto kaya mas kinabahan ako. Pero nawalan na talaga ako ng kaluluwa ng biglang tumakbo si Lucille palayo.

Tangina netong babaeng to!

"Lucille!" napasigaw tuloy ako.

"K-Kris..?"

Pagka-harap ko, nabuksan nya na paka yung pinto.

Nawala naman kaagad lahat ng kaba ko ng nakita ko siya. Na-miss ko sya e, pake ng kaba ko.

She looks.. tired.

Her eyes.. As if she's been crying for ages. Her crumpled shirt.. Na parang nasa kama lang siya ng ilang araw.

scarlette | wonwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon