MD: Chapter 1

82 3 0
                                    

Baekhyun POV

Here I am again, Drowning my self to death drinking liquors. Hahahaha It's just funny to think how my life is so ironic. Come to think of it... Itinapon ka ng pamilya mo dahil lang nagpakatotoo ka sa sarili mo... inilabas mo lang naman kung sino kang talaga... Pero imbis na sila ang unang tumangap, sila pa ang unang nangutya at nagtaboy sayo... At ang isa pa sa pinaka masakit nung mga panahon yun, Ang Ipagtabuyan at pandirihan ka ng itinuring mong "bestfriend" ang sakit lang isipin dahil sya na lang ang kaisa isahang taong inaasahan ko na tutulong sakin. But I was wrong, I was fucking wrong! Iniwan nya ko sa ere na parang wala kaming pinagsamahan... Oo aaminin ko di lang kaibigan ang turing ko sakanya one point of my life, minahal ko sya..  at yun ang mas masakit ang mahalin ko sya!

Halos isang taon na ang kakalipas mula ng pangyayaring yun, pero sariwa pari ang lahat ng sakit na iniwan neto sa puso at isip ko...

Flashback....

"Ma... Pa... I just want to be true to both of you and to myself..."

Kaharap ko ngayon sina mama at papa... gusto ko ng pakawalan ang sarili ko sawang sawa na ko itago ang pagkatao ko...

"I want to be free, I hope you understand..."

"Anak ano bang sinasabi mo... deritsuhin mo kami"

"Ma...Pa... I am gay" then I sob

Alam kong nagulat sina mama at papa sa pag-amin ko, hindi pa nag paprocess ng maayos sa utak nila ang sinabi ko...

"N-na-nagbibiro ka lang anak diba.." maluha luhang sabi ni eomma...

"Ma..." nanginginig narin ang boses ko dahil sa pag iyak ko...

Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko galing kay papa...

"Nakakahiya ka!!!"

Nakatanggap ako ng isa pang sampal, susuntukin pa sana nya ako ng pinigilan sya ni mama.

Nagulat kami ng umakyat sya sa kwarto, lalong lumakas ang pag iyak ko dahil alam ko na ang gagawin ni papa, tulad ng ginawa nya kay kuya.

Hinagis nya sakin ang mga damit ko.

"Lumayas ka na sa pamamahay ko na toh! Isa kang malaking salot!!!" Sigaw ni papa, galit na galit sya

"P-pa... maawa ka please papa" hikbi ko sakanya habang nakayakap ako sa binti nya...

Pero sinipa nya lang ako na parang hayop.

"Lumayas ka! Wala akong anak na bakla"

Wala na akong ibang nagawa kundi bitbitin ang gamit ko at umalis.

"Wag ka ng babalik dito kahit kelan!!! Isa kang malaking kahihiyan at salot sa pamilya ko!!! Para ka lang kuya mo!!!" Sigaw ni papa habang paalis ako.

Hindi ko alam saan ako tutuloy ngayon gabi, hanggang sa sumagi sa isip ko si Kai ang bestfriend ko.

Sa halos 10mins. na paglalakad ko nakarating na ko rito sa tapat ng bahay ni Kai.

Kumatok ako hanggang sa buksan ni Kai yung pinto ng apartment...

"Oh? Baekhyun, ano ginagawa mo dito ng ganitong oras?" tanong ni kai na halatang naistorbo sa pagkakatulog.

"K-kai... p-pw-pwede bang makituloy muna ako dito, kahit ngayon gabi lang?"

"H-huh? B-bakit? Anong nangyare?"

Mischievous Destiny [ChanBaek] (MPreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon