MD: Chapter 6

51 3 0
                                    

Baekhyun's POV

6am pa lang gising na ko, di naman halata masyado akong excited.

Inihanda ko na ang sarili ko naka simple formal attire ang suot ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng kwarto alam ko na nagising na si kuya. Naaamoy ko na kasi yung niluluto nya, kaya dali dali ako bumaba para mag breakfast.

"Good morning kuya" bati ko kay kyungsoo hyung

"Good morning din dongsaeng. Di naman halatang  masyado kang excited?"

Mapaya kami hacng nag aalmusal, matapos namin kumain ay sabay na kami umalis ni kuya pero magkaiba kami ng dadaanan pakanan kasi yung papunta sa opisina nila samantalang ako pakaliwa.

After 35 minutes na byahe nakarating na ko sa Park Industry Corp.

Pinagmasdan ko ang laki ng building netong Park Industry Corp mula dito sa kinatatayuan ko sa labas

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa kompanya, ang galing di nga ako nagkamali... Destiny nga kami nung kumpanyang toh'

Pag kapasok na pagkapasok ko ng company nagtanong ako kung saan yung opisina ni Mr. Park, sinamahan naman ako nung sekretarya nya,

Pagpasok ko sa opisina nakita ko si Mr. Park nakaupo. Pero di ko makita yung mukha nya kasi nakatalikod sya.

"Ehem! Ahmmm Good Morning Mr. Park" pagbati para makuha ang atensyon nya.

"Long time no see, Mr. Byun"

I just frowned.

"I hope you don't mind sir, but... do i know you?"

Maya-maya pa ay humarap na sya sakin.

"Ang bilis mo naman makalimot baekkie~"

And on that que... nanlaki ang maliit kong mata.

"K-kai?"

Sh*t di ko sya nakilala. Ang laki ng pinagbago nung mukha nya pati narin ng boses nya. Halatang puberty hits him so hard.

Di ko alam gagawin ko, hindi pa ako handang makita sya, biglaan pa ang potek!

Dahan dahan akong umaatras hanggang sa maramdaman ko yung pintuan sa likod ko, hawak ko na yung doorknob at handa na akong tumakbo palabas pero hinatak ako ni Kai at yinakap.

Pinipilit ko magpumiglas pero ayaw nya parin akong bitawan.

"Baekhyun, makinig ka sakin please... I'm really sorry for what I've done. Sobrang laki ng pagsisisi ko..."

Sa di ko malamang dahilan, kusang gumalaw ang kamay ko yinakap ko rin sya. Di ko mapigilan umiyak... kahit galit ako sakanya, aaminin ko namiss ko sya. Namiss ko ang bestfriend ko at the same time first love ko.

------

Napag desisyunan namin na maglunch ng sabay para makapagkwentuhan daw. Hindi na nya ako iinterview-hin kasi tanggap naman na daw talaga ako. Yung pinsan lang naman daw talaga nya ang nagpatawag sakin, yung pinsan dapat nya ang mag iinterview sakin kaso may biglaan inutos yung Appa nya sakanya kaya nasa Canada ngayon yung pinsan nya para asikasuhin yung isa pang branch nung company nila dun.

"A-ahmm... Kai, pwede bang malaman ano ba pangalan nung pinsan mo?"

"Chanyeol... Park Chanyeol"

"Aaahhh" yun na lang ang naisagot ko. Sa di ko malamang dahilan, nung sinabi ni kai yung pangalan nung pinsan nya there's a strage feeling in my heart.

Buong maghapon kaming magkasama ni Kai pinagusap ang mga buhay buhay namin. Yung mga nangyare this past few years. Nagtawanan, nagkulitan at kung ano anong pinaggagagawa namin hanggang sa napansin namin na madilim na.

"Ahmm... Kai mauna na ko, pagabi na at siguradong nag aalala na si kuya."

"Osge. Hatid na kita"

"No. Hindi kaya ko na." Pagtanggi ko.

"But baekkie... I insist" pangungulit nya.

So wala akong choice kaya pumayag na ko. Habang nag-dadrive sya hindi ko maiwasan tumingin tingin sakanya. Sobrang namiss ko siya.

After 30mins. Nakarating na kami sa tapat ng bahay.

Humarap ako sandali kay Kai para magpasalamat at magpaalam, pero nagulat ako nung bigla nya akong yakapin at halikan sa noo.

"Baekkie. I really miss you so much. Di ko man to nasabi sayo noon but now... please baekhyun let me court you, coz' I really love you."

"K-kai..." wala akong masabi... litteral na speechless.

"Baekhyun listen, alam ko malaki ang galit mo sakin nung mga panahon na tinaboy kita. Pero maniwala ka... Pinagsisihan ko yun. Nung tumakbo ka nang umiiyak sinundan kita. Pero nung nadatnan kitang wala kang malay, kaya dinala kita sa kuya mo. Sorry kung naduwag ako noon. I'm really sorry, please forgive me, and give me a chance."

Hindi parin ako nakagalaw at yakap yakap parin nya ako. At alam kong umiiyak sya. Nung narinig ko yung confession nya naiyak narin ako, dahil ang gulo na. Di ko na alam ang gagawin ko gulong gulo na ko.

"Baek, hindi mo alam kung gaano kita namiss nung mga panahon wala ka sa tabi ko, namiss ko yun kakulitan mo, yung eyesmile mo, yung kabaliwan mo, halos lahat namiss ko tungkol sayo. dun ko narealize kung gaano kita kamahal."

Hindi na mag sink-in lahat sa utak ko ang mga nangyayare.

"K-kai... please give me sometime to think about this. Please..."

Naramdaman ko na tumango sya at unti-unting humiwalay sa pagkakayakap sakin at hinalikan ako sa noo.

"I wait for your answer. Go ahead, pumasok ka na mahamog na dito sa labas." And he smiled sweetly to me.

"Ayy! Oo nga pala. Pwede ka nang magumpisa bukas sa trabaho."

Tumango lang ako. Pumasok na ng bahay.

"Sige." Sagot ko at ngumiti sakanya.

-------------------------------------------------

Yhana's POV

Huehuehue bare me with this. Kaiyaq :'( I think this is the start of the real story. sorry po sa paghihintay ng update. And thank you po sa readers ❤ I want to dedicate this chapter to unnie bunnyloves_you08  sorry po kung mention lang ang kinakaya ko. Cp lang po gamit ko ✌ btw. Thank you po sa pag vote at pagbabasa neto :) thank you rin po sa pagfollow sakin ❤

Yun lang thank you sainyong lahat na nagbabasa neto. Free to ask question po. Libre lait din po hehehe XD Alam ko naman po na di ako ganun kagaling pagpasensyahan nyo na po.

감사~ 사랑해 친구 ❤

VOTE ⭐COMMENT⚡ENJOY

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mischievous Destiny [ChanBaek] (MPreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon