Patay Na Boyfriend Mo..

631 22 17
                                    

Hapon ngayon at naglalaro ako ng 2Fuse sa sa iPhone ko.  Hayy. Di ako maka-concentrate kakaisip kay Alvie, boyfriend ko..

Ano na kaya nangyari sakanya? Naalala pa ba niya kung anong date ngayon? Naalala pa kaya niya kung anong meron ngayon? 

Natigil ang paglalaro ko ng 2Fuse ng may tumatawag sa iPhone ko na unknown number..

Calling... 09XXXXXXXXX...

I answered it..

"Jenna, may balita ako sayo." Balita? at sino naman  to?

"Sino ka? At anong balita ang sinasabi mo?" 

Ako si Jon, yung Bestfriend ni Alvie. Sorry Jenna, pero patay na boyfriend mo.." pagkasabi niya nun ay ibinaba na niya ang call.. At dahil dun, nagsimula nang umagos ang mga luha ko.. Bakit?! Bakit ngayon pa?! Bakit ngayong anniversary namin?! Di pwede mangyari yun! Pinangako niya sakin na sabay namin igugunita tong anniversary.. Di pw-pwede.. H-hindii...

Patuloy ang pag-iyak ko nang biglang may tumatawag nanaman.. Unknown number..

"H-hello? S-sino to? *sniff*" panimula ko

"Jenna, si Enjo to. Kabarkada ni Alvie. Condolence. Patay na boyfriend mo." at binaba na niya..

At itong pesteng luha ay nagunahan nanaman lumabas.. Pero, pano kung nagjojoke lang sila? Mga sira ulo pamandin mga kabarkada ni Alvie. -___- Kaya unti-unti akong huminahon na..

After ilang seconds ay may nagtext naman, si Abby, kapatid ni Alvie.

"Ate Jenna." kinabahan naman ako sa text niya.. Alam ko may problema, kasi di niya ako tinawag na ate Jenjen.

"Oh? Anong meron By?" 

"Ate patay na si kuya Alvie. :("

Hindi ko na nareplyan dahil napahagulhol nalang ako.. Di ko na alam ang gagawin ko. I guess, its done.

Nang may nagtext nanaman na unknown, "Jenna, condolence. Patay na boyfreind mo." Sht! Lam ko! Nang may sumunod pa, "Condolence", at sunud-sunod pa, "Sorry ate, patay na boyfriend mo", "Patay na si bf mo" "Dedo na sia pre" "Sorry best, condolence. Patay na boyfriend mo.." and so on and so forth.. Dinelete ko na lahat ng mga sumunod na mga unread dahil puro condolence lang ang sinasabi..

LECHE! OO PATAY NA SIYA PERO KAILANGANG PAULET ULET! Di ko na kaya kaya tumigil na kayo!

Nang may tumawag nanaman na unknown... ANO NANAMAN TO?! 

"H-hello? *sniff*"

"Jenna, patay na-" di ko na pinatapos at..

"S-sino kaba ha? Oo! Alam ko na sasabihin mo! P-patay na s-si..." di ko kaya sabihin ang kaniyang pangalan. Masakit.. Pero, di na siya sumasagot... Naoffend ata..

''S-sorry ha.. kailan pala ang libing ni-niya? *huk*" at napahagulhol nanaman ako. 

    ......Moment of silence......

"HAHAHAHAH!" HAAHAHAH!" tawa lang ng tawa ang nasa kabilang linya,, Huh?? May nakakatawa ba? At yung boses na yon... Familiar..

Tuloy parin siya sa pagtawa.... Nakakainis na ah!

"ANO BA H?! NAMATAY NA ANG BOYFRIEND KO AT TATAWA KA PA?! TINATANONG KO LANG KUNG KAILAN ANG LIBING! ANONG NAKAKATAWA DUN HA?! HA?!" sigaw ko.

"H-HAHAH! OO! Patay na talaga ang boyfriend mo.. HAHAHA. PATAY NA PATAY SAYO... Babe, si alvie to.. Happy 3rd Anniversary! Look down at your window. HAHA!" sabi niya.. E-eh? So...Di...Kanina..Patay..Hindi...

I looked down.... and saw a big and long tarpaulin held by Jon and Enjo and they're holding their phones?! Sht. So pinagtripan nila ako? Loko loko talaga. At nakita ko din si Abby, si Mom at Mommy ni Alvie, so as our fathers, our relatives friends and some people I dont know holding their phones?! So lahat sila?! Humanda sila mamaya. And they're freakin smiling.

Pero napakaraming ang ginawa nila... Sweet decors.. Flower petals all around... Balloons....But then I saw Alvie.... kneeling there... Infront of my house with a ring on his hand... With what I see, tears started falling.... Hilig akong paiyakin nitong lalaking to ah.

He then shouted, 

"BABE JENNA PASCASIO! HAPPY 3rd ANNIVERSARY! I LOVE AND I WILL LOVE YOU ALWAYS AND FOREVER... WILL YOU MARRY ME?

The end. 

A/N:

Ang istoryang ito ay gawa ng katopakan ni author. xD Pagpasenyahan kung panget. :D

Vote. Comment. Feel Free..

~blueskyy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Patay Na Boyfriend Mo..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon