KABANATA 2

19.4K 459 4
                                    

Kabanata 2

-kelly-

"KELLY YEUN! KELLY YEUN! KELLY YEUN!!" Rinig kong hiyawan ng mga tao. Sana ako, sana ako, sana ako ang manalo.



Oo nga pala, Kasali ako sa dance contest ng school para sa representative na ilalaban sa ibang school. Ang nice no? Ako ata ang dancing queen.




"And our Dance winner is... Kelly Yeun!!" Mas lalong lumakas yung hiyawan dahil sa pagkapanalo ko. Nagyakapan kaming mga kasali at tinanggap ko na yung throphy kasama yung price money. 1000 din tong price!




"Congrats Beh!!!" Bati sakin nila Angeli, Nadz at Coleen.




"Libre! Libre! Libre!" Parinig pa nila kaya nagtawanan kami. Madami pang nagpapicture sakin kaya hindi ko muna sila naasikaso.




"C'mon guys! Ang cheap naman kung Jollibee! Sa KFC tayo? Mall!"




"Sure!!" Sabay sabay nilang sabi. Maaga na kaming napauwi ng prof dahil nga sa contest kaya dumeretso kami sa mall.




"Akalain nyo yun, 3 months ago hindi pa tayo magkakakilala tapos ngayon ito na?" Sabi ni Coleen.





"Yeah. Buti nga nagkasundo agad tayo eh"





"Di naman kayo mahirap kaibiganin. Infact, mali ang first impression sa inyo lalo kana Nadine" sabi ni Angeli at sumubo.




"Yeah, pano kasi, mahilig mag english tapos yung suot pa eh maikli at sobrang sexy!" Sabi ko naman.




"Duh, syempre dakilang fashionista! Speaking of, kailangan kong bumili ng damit. Paubos na damit ko eh" sabi nya.





"Seriously?! Paubos eh tuwing weekends bago damit mo. Yung totoo, kinakain mo ba yun?!" Sabi ni Angeli.




"Wala eh, RK." Sabat naman ni Coleen.

Yep, si Nadine yung pinakamayaman samin pero knowing her, she's not happy with her money. Lagi syang may ATM at maraming laman yun dahil kada utang sya, ang bill ay sa mga magulang nya napupunta kaya spoiled kung baga. meron din syang savings dun na nilalagyan ng mommy nya ng 2000 isang araw sa daddy nya naman, ATM din pero puro savings lang ang laman. Sabi nya, 6000 a day daw ang hinuhulog ng daddy nya at minsan pa gamit talaga ang ibinibigay. Kahit nga hindi sa kanyang gamit eh bibilin nya dahil hindi naman daw sya ang nagbabayad at hindi naman alam ng magulang nya na hindi kanya yun.




Pero syempre ayaw naming magtake advantage sa kanya no? Hays, sobrang hirap din kasi nung pinagdaraanan nya. Biruin mo, seperated ang mga magulang nya at parehong may magkaibang company! Eh dahil sa only child lang sya, sa kanya lahat napupunta pero hindi nga sya masaya kasi wala namang oras magulang nya sa kanya.






Kami may company but my parents are helping each other. Siguro mga 20 branch na yung restaurant namin? Hindi kami nag-o-own ng Hotel nor resort dahil restaurant talaga gusto nila. May pocket money din ako lagi and 1 day is 1000. Tatlo lang naman kaming magkakapatid at maraming kinikita sila mommy.





"So, saan tayo next? Wala pa namang 11:30" sabi ni Angeli. Naks diba? Hindi na sya nagyayaya pauwi agad.






"Hmm, tara samahan natin muna syang mamili" sabi ni Coleen. Ito namang si Coleen, may Resort sila sa tagaytay. May Bar din sa iba ibang lugar and 500 pesos ang baon nya sa isang araw. Dahil yung 500, iniipon nya sa sarili nya.





Campus QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon