KABANATA 36

8.2K 265 1
                                    

Kabanata 36

-nadz-

Kinakabahan ako putek>.< start nanaman ng video at ako na tska si Third! Lord sana wag akong umiwas huhuhu.

"Ok, una si Third sa guestroom. Para bang... nag de-day dreaming ganun? Sya unang vivideohan tapos ganun din kay Nadz. Pareho silang vivideohan para mabilis tayong matapos." Sabi ni Coleen. Si Kelly ang magvivideo kay Third at si Angeli naman sakin.

Nandito kami ngayon sa bahay namin para malawak ang lugar at di na mahirapan sa place.

Ginawa ko yung gusto ni Coleen. Kunwari kinikilig ako at nagde-day dreaming sa kanila.

"Huy teh, anyare? Kung ano yung kadamang dama ni Kelly yun naman yung kinapoker face mo" sabi ni Coleen.

"Wala bang feelings?"

"Oo. Walang wala" maya maya ay lumabas silang dalawang navivideo sakin at nakipagusap sa labas. Maya maya ay nanlaki ang mata ko sa pumasok.

"Nadz" *dug dug dug* waaaah di ko na kaya to kinikilig ako masyado!!!! My god help me wag nyo kong ikulong kasama ng nilalang na to!!!

"B-Bakit" sabi ko ng hindi nagtatanong. Syempre galit effect tayo. Hahaha

"Namimiss ko na kakulitan mo" bigla nalang ay napangiti ako at tumalikod sa kanya. Ang pula pula na ng pisngi ko Third maawa kaaaa!!!

"Bakit di ka sumasagot? kinikilig ka ba masyado?" Humarap ako sa kanya ng nagpipigil ng ngiti. Pero nung nakita ko yung ngiti nya bigla nalang nya kong niyakap. Parang may kuryenteng umabot sa batok ko.

"OKAY CUT!!!" Natigil kaming dalawa sa sumigaw na si Coleen sa labas. Napatingin ako sa itaas na may monopad.

Napakamot naman si Third ng ulo at tumakbo sa labas. Panira ng moment!!! Jusko po sana totoo nalang yun!

"Oy teh, tama na. Balik na sa una" sabi ni Angeli.

"2nd scene yun inday. Eto yung 1st scene na hindi pa nagagawa" sabi ni Coleen. Sinunod ko naman sya at nagstart na.

"Namimiss ko na kakulitan mo"puta kinikilig talaga ako. Namiss nya ako namiss nya ako!!! Waaaaaaaah effective pagpapamiss ko!!!

"Bakit di ka sumasagot? kinikilig ka ba masyado?" Oo Third!! Sobrang kilig ako sayo juskopo!! Third gustong gustong gusto talaga ki--

"CUT!!"

"ANO BA COLEEN?! PANIRA KA EH NAGDE DAY DREAMING AKO!!" sabi ko at nagtawanan silang sabay sabay.

"Ang lupet mo Nadz!" Sigaw ni Kiefer sa labas. Nagtawanan din ang mga lalaki sa kabilang kwarto kaya lumabas kami para sa 3rd scene.

"Lakas ng tama pala sayo ni Third eh" bulong ni kuya sakin >.<

"Kuya wag mo na kong asarin. Baka di ako makapagconcentrate" sabi ko at pinat nya naman ulo ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya kasi may hawak syang DSLR.

"Ah? Pinipicturan ko kayo. Remembrance" sabi nya.

"Patingin!!" Pilit kong inaagaw sa kanya yung camera pero iniiwas nya naman sakin.

"Ayan na, next scene na daw. Punta kayo sa waiting shed." Sabi ni Kuya.

"Okay, ganito, kunwari flashback. Nagkita kayo.. sa waiting shed. Dun sa labas. Tapos nakipagkamay si Third sayo tapos hihingin yung number mo, Nadz. Tapos last na yun. Tapos!" Sabi ni Coleen.

Nagpunta kami sa waiting shed. Lahat kami.

"Practice muna kayo, may paguusapan lang kami ni Angeli" sabi ni Coleen. Tumingin ako kay Third na nandun sa kabilang nakaupo.

Umupo din ako sa bench at tinanguan sya. Ibig sabihin try namin.

Unti unti syang tumayo at lumakad pa punta sakin ng nakangiti. Feeling ko matutunaw nako sa tingin at ngiti nya. Napakapogi!!!

"Hi, miss.. tao ka ba?" Tanong nya. Napangiti ako ng tago sa tinanong nya. Ah ganon? May pag pickup lines?

"Oo, bakit?"

"Ay kala ko anghel kang bumaba galing sa langit para sakin" sabi nya at kumindat. Napangiti naman ako at uminit ang pisngi.

"Hahahah! Kinikilig ka talaga sakin no? im Third" sabi nya at naglahad ng kamay.

"Nadine"

"No. Dapat number din ang sabihin mo. Number mo" sabi nya ng nakangiti nanaman. Ang korny!!

Nilabas nya yung cellphone nya at inabot sakin. Nilagay ko yung number. Hindi yun kunwari dahil totoong number ko nilagay ko.

"Ok na" sabi ni Coleen. Napatingin kami kay Coleen na lumapit samin.

"Game na?"

"Anong game na? Cut na kamo!" Sabi nya at kumindat sakin.

"Tapos na?" Tanong ni Third.

"Yep. Damang dama nyo nga eh" sabi naman ni Kelly na kararating lang. Nagkamot uli ng ulo si Third at pumasok na si Kelly at Coleen kaya sumunod na rin ako.

"Wait lang, Nadz"

"B-Bakit?"

"Yung sinabi ko kanina, totoo yun. Walang halong acting. Can we start again?"

"Sure!"

Campus QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon