ZARREN'S POV
“ Yung pag-ibig, dadating yan sayo hindi yan hinahanap. Antayin mo lang sabi ng matatanda yun, e bakit ang tagal naman yata?!”pagrereklamo niya (SANDY) sakin. Sus. Ee ano bang malay ko? Palabas na kami ngayon ng University katatapos lang kasi ng klase namin. Asar! Dapat kanina pa uwian e. Badtrip kasi, isipin mo naman 3 oras kaming nakaupo at nagpapanggap na nakikinig sa klase sa Counseling! Idagdag mo pa yung meeting para pag usapan yung class project daw na gagawin namin sa subject na experimental psychology na saglit lang daw pero langya inabot ng 1 at kalahating oras! Talaga nga naman si sir o, nakuha pang magpaproject e di nga siya nagtuturo ng matino. Magaling!
“ Class, pasok po tayo ng 7am bukas para po maassign na yung mga magiging bida sa play natin” sabi nung class secretary namin. Amp! Play? Anong kinalaman nun sa Experimental Psychology?! Teka. Teka nga. Nagkakalokohan ata dito. 7am bukas?!! Pttttf. Nahihibang na ba sila? Hello! Dapat pahinga namin yun, 11am pa kaya pasok bukas! Ang aga ng 7am ha! Hindi ba nila alam na pagsubok sa amin yung paggising ng maaga PLUS pagtanga sa CR ng 5mins PLUS pagligo ng 30mins PLUS 20mins na pagkain PLUS 30mins na pag-ikot ikot sa kwarto PLUS 30mins na byahe EQUALS DAPAT 5:00AM kami babangon?! Tama ba? To make it there at exactly 7am? Aish, bahala na nga kayo magcompute! Mahina ako dyan e. hirap ng math syet>.< hirap talaga pag mga grade conscious mga kaklase mo, pati ikaw damay sa kasipagan nila e. psh. Badtrip!
“Bakit ganun? Hindi naman tayo panget pero bakit tayo tayo pa din nagcecelebrate ng Valentine’s Day?” natawa ko sa sinabi niyang (SANDY) to. Valentine’s Day nga pala ngayon. At tulad noong nakaraang taon kami kami lang din magkakasamang nagcelebrate nito. Napansin pala niya. Akala ko ako lang nakakapansin e.
“Pangalawang taon na nga e.” yan nalang naisagot ko sa kanya,bigla ko kasing naisip na namimiss kaya nyang magcelebrate ng Valentine’s Day kasama si Dann? Ayoko namang itanong, wala akong makukuhang matinong sagot dito.
“Sus, magjojowa ngayon di praktikal! Bakit naman ako tatanggap ng bouquet of roses na malalanta din naman kinabukasan, sayang kaya pera!” -(SANDY) ,ayan nanaman siya, last year yan din sinabi niya e. Dapat daw isang sakong bigas nalang ang ibigay kesa bulaklak matutuwa pa daw tatay nung pagbibigyan. Haha! BITTER!
“E baka kinikilig sila sa ganun.” Sus, kung ako yun maaasar pa ko. Hello! Di ko naman makakain yung bulaklak. Amp!
“E bakit yung si Ate, maganda pa tayo dyan pero may jowa!”-(SANDY) naka ng! at tinuro pa niya talaga. Lakas ng loob! Palibhasa pag napatrouble kami ako lang ang gagalaw, di siya pwede sa liit nyang yan!
“loko to! Mamaya, awayin ka nyan e.” di naman sa takot ako kay ate ha, pero kasi wala ako sa mood. GUTOM NA GUTOM NA KO E!
“mas malaki ka naman sa kanya e. haha”-(SANDY) sabi na e! ako pa ipapanabong neto. Napakabait na bata!
Bawat madaanan naming lalaki, may bitbit bitbit na flowers. So dapat ipamukha samin? Syempre yung kasama kodito, di mapigilang magkomento. Haha! Malokong bata.
Anube yan! Kung kelan napagdesisyunan naming wag magtipid ngayong araw at kumain sa fast food saka naman di makakain. PUNO LAHAT NG KAINAN! Asar tong mga lovers na to bakit di nalang sa mga bahay nila nagsikainan! Shoo!
“bili nalang ako ng maiuuwi sa Goldilocks. Sama ka?” tanong ko sa kanya. Mukhang di sasama to. Malabo. Medyo malayo lalakarin namin mula gate1 ng university hanggang dun e.
“sama ko! Bibili ko”-SANDY
HUWAW! GUMAGALANTE! Sipag maglakad a.
Naglakbay na kami papunta sa Goldilocks. Ang totoo, ayoko sanang kumain sa fast food ngayong Valentine’s Day. Kaya ko pa naman tiisin yung gutom e. mas gusto kong mag uwi ng something sa amin para sa mga tao sa bahay. NAKS. Thoughtful na nilalang!
BINABASA MO ANG
Confession Of A Bitch
Teen FictionWhat if nafall ka sa isang tao na ang sabi ay "Gusto ka niya" "Mahal ka niya" sapat na ba yung mga salitang yun para pagkatiwala mo sa kanya yung 100% trust mo?