Malanding ugnayan
Magsyotang Unggoy (sabi ng kaklase ko)
Mag isang umiibig
Mutual Understanding
at marami pang iba...
Eto ung tipong kikiligin ka kahit walang kayo.
Yung tipong masaya ka pero hindi kayo.
Yung tipong ang sweet niyo pero walang label.
For short. Mahal niyo ang isa't isa pero walang kayo.
Pero ang tanong. Mahal ka ba niya talaga o ikaw lang ang nagmamahal?
Kapag may ka-M.U. malandi na ba agad?
Hindi rin kasi buhay nila yan eh. Bakit pa tayo mangingialam.
Wala tayong karapatan na humusga. Baka nga naiingit lang kapag ganun eh. Ying sasabihan mong ganun pero deep inside naiingit lang pala.
Kawawa naman ung mga ganun.
So ayun na nga.
Ikaw lang ba ang nagmamahal?
Malay mo pinagtritripan ka lang niya.
Tsk. Yan na kasi ang uso ngayon.
Mga trip trip lang.
Sa M.U. kasi bawal ang mag ASSUME
na mahal ka niya
na kayo
na hinding hindi ka niya iiwan
Pero sa huli.
Ikaw lang ang iiyak.
Kasi bakit walang naging salitang KAYO
Kapag sa M.U. kasi masaya lang sa umpisa.
Kasi super sweet kayo.
Pero walang commitment.
Pero kapag lumipas na ang ilang linggo o buwan.
Wala na.
Magtatanong ka na sa sarili mo.
Hanggang M.U. nalang nga ba?
Di kasi assurance ang M.U. na totoo ang nararamdama niyo.
Gaya nga ng sinabi ko.
Pwedeng trip lang.
Pero meron din naman siguro ng hindi trip lang.
Yung nagmamahalan talaga.
Di naman ako bitter
Sa M.U. rin bawal ang MAGSELOS
Bakit?
Kasi wala kang karapatan.
Bakit kayo ba?
Yan.
Diyan kana unti unting masasaktan.
May mga tao rin kasi na ayaw ng may karelasyon kaya hanggang M.U. lang.
Di ibig sabihin kapag may ka-M.U. ka eh nililigawan k na rin
May ibang ayaw.
May ibang takot.
Ang M.U. ay complicateeeed!
Sobra.
Kaya kung ako sa inyo.
Wala ng M.U. M.U.
Kung mahal mo, iparamdam mo.
Wag kang matakot.
Kasi kung mahal mo talaga kaya mong magsacrifice.
May ka-m.u. ka ba???
Diba masaya pero mahirap
Depende nalang sayo kung mapapatagal mo pa yang pag hihirap mo.
Buksan mo yang mata at puso mo.
At ng makita mo ang katotohanan.