Six

16 4 0
                                    

Sam' POV

"Ouch hey you back fighter alisin mo yan---- aray ano ba!" sigaw ko rito pero lalo nya ito hinigpitan at parang may nilabas syang bagay mula sa kanyang pants
*blaaaaag*! bigla nalang bumulagta yung leader ng mga bubuyog sa likod ko at nakita ko si.. Xy na naka bandage ang kamay. Napayakap ako agad kay Xy woooshhh muntik na ko dun

"Thank you Xy ,kung hindi dahil sayo 50-50 na ko huhuhu" sabi ko kay Xy habang nakayakap ako sa kanya

"Aray putcha yung braso ko Sam ang corny corny mo!" pag sigaw naman ni Xy sakin dahil naipit yung braso nya.

"Ow sorry na " sabi ko dito saka ako nagpout

"Tigilan mo na yan mukha kang aso" sabi ni Xy saka nya ako niyakap gamit yung right arms nya ,yun kasi yung walang injury eh.. napangitin naman ako dahil don. Ngayon ko lang napansin kasama pala nya si Fritz ,nakatayo lang naman ito at naka fold arms na para bang pinanood nya lang si Xy at di naman kalayuan ay nakita ko si Honey ko na tumatakbo papunta sa lugar kung nasaan kami ngayon, at kung nagtataka kayo kung ba't walang guard/ bouncer na pumigil sa gulo kanina ..natural na kasi ang mga ganoong kaganapan dito sa HP kung mapaaway ka or worst makapatay ka or ikaw ang mapahamak wala ng paki dito ang mga tao sa HP kanya kanyang business kasi sila,except sa center field may mga bantay kasi doon si Blader →ang utak ng HP ,sya ang nakakakita ng lahat ng pangyayari sa HP kontrolado nya rin ang lahat ng punapasok sa HP sa isang iglap lang kaya ka nyang ipapatay at any time dito sa HP kaya wag na wag kang gagalaw against sa kanya or else you're dead.

Xy's POV

Lumabas na ko ng clinic nakapag pahinga naman na kasi ako..habang naglalakad ako eh napaisip ako . sunod sunod ang mga pangyayari ngayong araw na to parang nakatadhana na mangyayari ..hindi kaya may kinalaman si Sophie dito? hmmmm hindi ko alam naguguluhan pa din ako .Habang naglalakad ak ay chineck ko yung phone ko nagtext pala si Sam , naramdan kong may sumusunod sakin kaya huminto muna ko para tingnan kung sino yon ,pagharap ko nagulat ako ng bumungad sakin si Fritz ..namumula yung pisgi nya ano kaya nangyari dito?

"oh tol,anong nangyari sayo?? nagbblush ka?" pagtatanong ko rito

"Haha gagi ..oo nag bblush ako ,siguro" sabi nya naman habang nakangiti, Sa di kalayuan naman ay may nadidinig akong parang nag aaway kaya minabuti kong usisain yon ..habang papalapit ako napagtanto kong si Sam pala yon ,pinapanood ko kang sya..

"Bitch you'll regret this!" sabi nung isa nyang kaaway,haha natatawa ko sa kanila tatlo na nga sila eh nagiisa lang si Sam ..kahit naman girly masyado tong si Sam magaling to makipag away..so far ang talo nya palang is yung babaeng nakaaway nya dahil sa ex boyfriend nya at ang saklap non para sa kanya dahil napahiya sya ..well that's life. Habang nanonood ako sa gulo nila ay nahila naman nung isa pang babae yung buhok ni Sam..tss lugi to ,pero hayaan ko muna kaya nya yan matibay yan sa ganyan eh..pero teka mukhang di na tama to may weapon na yung babae eh akmang kukunin nya na yun sa pants nya kaya akmang susugod na si Fritz

"Fuck" napamura na lang ako dahil delikado na si Sam ,hinarang ko si Fritz gamit yung kanang braso ko

"No Fritz I can handle this" sabi ko sa kanya kaya hinayaan nya na ako, nagmadali akong pumunta sa likod nung babae dahil sasaksakin nya na si Sam kaya sinipa ko sya *Round house kick* *blaaaaaag* bumulagta naman agad yung babae ,nakahinga naman ako ng maluwag . .muntik na si Sam don ah nagulat naman ako nung niyakap ako ni Sam ..mejo nahiya ako don ayoko kasi ng masyadong sweet -_-

"Aray putcha yung braso ko Sam ang corny corny mo!" pag sigaw ko kay Sam para magkadahilan akong bitawan nya .

"Ow sorry na " sabi nya saka sya nag pout ..nakunsensya naman ako kaya

"Tigilan mo na yan mukha kang aso" sabi ko saka ko sya niyakap. Ilang segundo lang bumitaw na ako nakita ko kasing papalapit na si Brock at niyakap nya agad si Sam , halata sa kanyang nag alala sya

"Hon are you okay??" alalang tanong nito kay Sam

"Yes Hon Im fine" sagot ni Sam..napangiti naman ako dahil don
*tiiiit* tumunog yung G-shock ko kaya tiningnan ko kung anong oras na 11:00nagtataka

"Asan na si Jays?" Tanong ko sa kanila na nagtataka
"Andun sya oh umiinom" sabi ni Radz habang nakaturo sa direksyon ng bar dito sa HP
Napatingin naman ako sa direksyon na yon at nakita ko agad si Jays na nakayuko, naglakad ako papalapit dun sa bar nasa likod ko naman sila Brock na nag uusap usap,pag ka pasok ko nakita ko si Jays na nakaupo sa may harap ng counter table nakanguso habang nakaharap sa kanan nya at nakapikit na parang may hinihintay

Jays POV

Putanginang Fritz yon hayop sya uunahan pa ko kay Xy shit. Pumunta ko dito sa bar at saka binuhos ang sama ng loob ko ,nakailang order na rin ako ng red horse para tamaan agad ako, nararamdaman ko ang guhit ng alak papunta sa aking tyan mejo nahihilo na rin ako pero sige inom parin para kahit papano makalimutan ko yung nangyari kanina shit lang kasi alam mo yon yung nasapawan ka?! Masakit sa part ng lalaki yon, gago naman kasi yung Fritz na yon -_- .

"Hi Jays bat ka naglalasing?" Nag iisip ako ng malalim ng biglang may maamong boses akong nadinig na parang nang aakit kaya napatingin ako sa gilid ko

"X-Xy?" Naguguluhan kong sabi habang nakangiti at natutuwa s nakikita ko ,mejo blur na yung paningin ko kaya hindi ko sya makita ng maayos

"Hihi" tumawa sya ng mahinhin, pero teka parang may mali eh ,hindi tumatawa sa Xy ng ganon atsaka .. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari ng bigla nyang nilapit ng dahan dahan yung mukha nya sakin na parang hahalikan nya na ko kaya pumikit na lang din ako ,habang hinihintay kong dumampi yung labi nya sakin ay may humawak sa balikat ko

"Jays??" Sabi nung boses na pamilyar sakin ,bago ko pa maaninag ng maayos yung mukha nya ay naramdaman ko na ang hilo kaya napayuko na lang ako sa mesa sa harap ko

-----
HyunhyevilTheGreat ←↑→

ThirteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon