Xy's POV
Lasing na lasing na si Jays ,gulong gulo sya sa mga pangyayari at nagulat ako nung tinawag nya ang pangalan ko na parang di sya makapaniwala,pero bago pa ko magsalita ay napayuko na sya agad dahil sa kalasingan
"Aish Jays bat ka ba kasi naglasing?" Naiinis na tanong ni Radz kay Jays habang lumalapit ito para tulungan sya makatayo
"Shi Shy- *hik* " yan lang ang tugon nya ,tumulong naman si Brock alalayan si Jays at lumabas na kami ng bar
Habang palabas kami ay kapansin pansin na tahimik si Fritz ,nang tuluyan na kaming makalabas ay nabalot ang paligid ng kakaibang katahimikan ,nakakabingi at tanging mga kulisap lang ang madidinig mula sa mga puno ,napagdesisyonan naming sa kotse na lang ni Fritz kami sumakay nila Jays, at Radz dahil nga lasing si Jays ay hindi nya na kayang magdrive pa.
Tahimik lang ang byahe namin ng bigla akong makareceive ng text galing kay Sam
'Kami na bibili ng pagkain ,mauna na kayo sa bahay ' nung mabasa ko iyo ay agad kong sinabi kay Fritz na dumiretso na sa bahay,na sya namang ginawa nya ,pero bago kami makarating ay mapapadaan nanaman kami sa Academy ..nag iisip ako ng kung ano-ano ng biglang may parang nasagasaan kami"Shit" nasambit na lang ni Fritz
"Ays lang kayo?" Concern naman na tanong ni Radz sa min ni Jays at tumango lang ako
"May nasagasaan ba tayo?" Tanong ko sa kanila, kasalukuyan kaming nandito malapit sa Academy na nakahinto ,bumaba si Fritz para icheck kung may nasagasaan kami ,hindi ko alam pero tumaas bigla ang balahibo ko , pumasok na ulit si Fritz ng kotse at nagsimula ulit paandarin ito
Fritz's POV
"Shit" nasabi ko na lang ng may parang puting telang tumakip sa harapan ng kotse ko kaya hindi ko gaanong naaninag yung daan, may nasagasaan yata ako dahil napa talbog ang kotse ko matapos yon ,hindi ko alam kung napansin ito nila Radz ,tingin ko hindi naman ,nakatingin lang sila sa paligid at nagmamasid nandito kasi kami napahinto sa tapat ng academy, bumaba ako ng kotse para icheck kung ano yon, pero wala akong nakita kaya bumalik ako sa kotse, nagddrive na ko ulit ng may makasalubong kaming mga nakamotor na lalaki
"Oy miss ingat ka jaan sa pwesto mo baka mahulog ka" sigaw nung isang lalaki habang nakatingin sa kotse namin, nakaopen kasi ang bubong kaya nakikita nila kami
"Huh?kuya ayos lang naman yung pwesto ko ah!" Sigaw naman ulit ni Xy sa lalaki na mejo nakalagpas na samin
"Hindi ikaw miss yung katabi mo pang isa baka malaglag" sigaw naman ulit nung lalaki ,kahit malayo na kmi ay nadidinig ko pa rin ito , nagddrive lang ako ng minabuti ko na lang icheck sila xy kaya tumingin ako sa salamin ng kotse ko ,nagulat ako ng makita kong may isa pang babaeng katabi si Xy ,nakaupo ito sa likod ni Xy ,alanganin yung pwesto nya dahil malapit sya sa dulo ng likod ng kotse ko ,nanlilisik yung mga mata nya at nakatingin din sya sa salamin kaya't nagtagpo ang mga mata namin
"Shit" nasambit ko nanaman, at dahil sa gulat ay napaapak ako bigla sa preno kaya napahinto kami ,buti na lang at nakaseat belt si Radz ,sila Xy naman ay napaabante
"What the hell is goin' on ?!" Sigaw naman ni Xy sa inis
"Dude nasa 13th street palang tayo sa kabila pa yung kela Xy kaya mo pa ba magdrive??" Tanong naman ni Radz sakin ,napatingin ako sa road sign ,may nakalagay na 'Road 13'
"Kaya ko mejo inaantok lang" cold kong sabi sa kanila at nagpatuloy mag drive
Nang makarating na kami kela Xy ay pinasok ko na ang kotse ko sa gate, bumaba na kami at pumasok sa bahay habang inaalalayan ni Radz si Jays , tahimik na sa bahay nila Xy siguro tulog na yung katulong nila ,dumiretso ako sa kusina at nakita kong may mga pagkain naman , sila Radz naman andun sa sala nakaupo at nagbuhay ng tv , napaisip ako bigla kung may palabas pa sa mga oras na to ,naalala ko na lang na may cable sila
"Guys dito na lang kayo matulog gabi na ats----" naputol ang sinasabi ni Xy ng biglang pumasok sila Brock at Sam na may dala dalang inihaw na manok
"What happen to you guys? Bat nakasimangot kayo?" Tanong ni Sam pero wala ni isa samin ang sumagot
" Dito na kayo matulog" sabi ulit ni Xy saka sya umakyat sa kwarto nya sa taas
"Hmmm 2 ang guest room ,siguro ikaw Radz samahan mo na si Jays at ikaw Fritz kayo na lang ni Brock huh?" Pag eexplain naman ni Sam
"Ok" sabi naman ni Radz
"And one more thing, kung nagugutom kayo guys kain lang kayo jan huh? Akyat na ko " sabi ni Sam saka nya hinalikan sa pisngi si Brock
Xy's POV
Dumiretso na ko sa kwarto ko at pumunta sa banyo ,oo may cr kami kada room pero mas prefer lang naman gamitin yung sa baba ,naghilamos na lang ako gamit yung right hand ko habang nakaharap sa salamin napaisip nanaman ako sa nangyari kanina parang sunod sunod kasi ,napatingin ako sa may gilid ng salamin at parang may nakatayo doon sa likod ng kurtina, kumurap ako ng ilang beses pero andun pa rin yon kaya lumapit ako para hawiin yon ,twalya lang pala kaya bumalik na ko sa kama ko at natulog.
Sam's POV
After ko iexplain sa mga boys ang room nila ay kiniss ko na si Honey and pumunta na ko sa room ko, habang naglalakad ako paakyat ay parang di ako mapakali ,pag pasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo para mag shower
After ko magshower ay umupo ako sa harap ng salamin para magpatuyo ng buhok, nag susuklay ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko
*tok* *tok* *tok* *tok *tok* *tok* mahina pero mabibilis na katok, lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba hindi ko alam kung bakit
"S-sino yan" tanong ko pero wala namamg sumagot ,lumapit ako ng bahagya sa pinto ,huminga muna ako ng malalim bago ko hawakan ang door knob, pagkapihit ko dito ay bigla itong bumukas kaya napaatras ako~~~tbc ~~
Sorry po sa mga typo :3 tao lang nagkakamali :(
HyunhyevilThegreat ←↑→
BINABASA MO ANG
Thirteen
HorrorDalawang numero na madalas pangilabutan. Labing tatlong matatapang at palaban na kabataan na ginugulo ng kanilang nakaraan na kahit anong pilit nilang kalimutan ay mulit muli silang dinadalaw. Mga kahindik hindik na kababalaghan sa buhay ng labing t...