first time ko pa pong gumawa ng story. Kaya sana po ay mag comment kayo, nais ko pong malaman ang reaction nyo sakin bilang baguhang writer.
Jelyn's p.o.v
Hi,ako nga pala si Jelyn Mendoza. nakatira ako sa lola ko noong nag aaral pa lang ako, 16years old. dalawa lang kaming magkakapatid na babae at ako ang bunso. Ang ate ko naman ay nasa maynila,at mayroon na syang sariling pamilya. sabi nila maganda raw ako,maputi at may mahaba,tuwid at itim na buhok na hanggang bewang,highschool graduate, patay na ang mama ko,since 1year old pa lang ako,ang saklap lang kasi hindi ko alam ang mukha niya,wala kasing picture na maipakita ang mga kamag anak ko kasi nasira na ang mga yun dahil sa sobrang tagal ng panahon,kung meron man,nakayuko naman ang mama ko habang nakatingin sa baby na karga-karga nya which is ako,kaya useless parin, at ang papa ko naman ay buhay pa, pero may bago na siyang asawa't anak.first year highschool pa lang ako nung ipinakilala sakin ng papa ko ang babaeng papakasalan niya.nakita at nakilala ko na rin yung bago ni papa, maganda rin naman,matangkad pa.
kararating lang namin galing sa pagkahaba-habang biyahe, kakagraduate ko pa lang ng highschool, at eto nga sinundo ako ng papa ko mula sa lola ko. Dito na kasi sila naka tira sa lugar ng bago niyang asawa. Mayroon silang isang anak na lalaki, magdadalawang taon pa lang, at kasalukuyang buntis ngayon ang madrasta ko, at kaya ako nandito, para matulungan ko sila habang nagtatrabaho ang papa ko at para makapag babakasyon na rin ako, driver mechanic ang trabaho ng papa ko.
"hay kapagod.!" sabi ko.
"o lyn,mauna ka na sa loob at ako na bahala mag akyat sa mga gamit mo"sabi ni papa.
"opo pa"sagot ko naman sa kanya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay,at sinalubong ako ni harvey, ang kapatid ko na anak nila ng papa ko,
"ate,andito ka na pala!" excited na sabi ng kapatid ko sabay pakarga sa akin.
"hello baby bro ko,kumusta ka na?" pabating lambing ko sa kanya.
"ok lang po ako ate,hindi po ako nagpapataway kay mama,kati may baby daw po ti mama ta tiyan tabi ni papa,goodboy lang daw ako."sagot nya sa akin, ang cute naman Magsalita ng batang ito,bulol pa din kasi..
"tama yun!goodboy ka lang dapat ha,para lalo ka pang gumuwapo." pambobola ko sa kanya. pero sa totoo lang, ang gwapo ng kapatid kong yan,maputi, nagmana sa akin ang kulay pwera na lang sa height,hehehe. Hindi kasi ako katangkaran.
"O harvey,tama na muna yan, para makapag pahinga na ang ate mo, pagod pa galing biyahe si ate jelyn mo"sabi ng madrasta ko na mukhang galing sa pagluluto, nakasuot pa kasi ng apron,actually close kami nyang stepmother ko,mabait kasi at sya pa mismo ang gumagawa ng paraan para hindi ako mailang sa kanya... at gustong-gusto niyang tinatawag ko siyang mama,nung una nahihiya pa ako,pero kalaunan din ay nasasanay na rin naman ako,.
BINABASA MO ANG
Fight For Love
Randomnagmamahalan kami, masaya at kuntento sa isa't-isa. Naniniwala kami na kaming dalawa na talaga ang itinakda para sa isa't-isa. Pero paano kong ang pagmamahalan namin ay hahadlangan lalong lalo na ng pamilya nya, hanggang saan? hanggang kelan kami la...