Jelyn's p.o.v
Kanina pa ako nagpalakad lakad dito sa mall pero hanggang ngayon wala parin akong nabili. Ang hirap naman kasing pumili sa sobrang dami ng mga magagandang nakikita ko ay halos gusto ko ng bilhin lahat..chos hehe kala mo nama'y mayaman eh noh? bigyan niyo ko madaming pera diyan,hehe joke. pero eto seryoso na. Marami talaga akong natitipuhan na mga paninda,ang kaso hindi ko naman pwede bilhin lahat. Wala naman akong ganung pera eh. hay life..
nagpatuloy lang ako sa pag iikot,patingin tingin sa bawat pwestong madaanan ko,hanggang sa may madaanan akong jollibee. Tamang tama gutom na gutom na ako.
Habang umoorder ay napansin ko ang apat na kalalakihang papasok, pamilyar ah..hhmm,..san ko nga ba nakita tong mga to?.
ting!
aha alam ko na!
sila yung mga lalaking pasarap lang sa buhay. Tama! sila yung umagang umaga puro pagbabasketball na agad ang inatupag sa halip na tumulong sa mga magulang. tsk!tsk!tsk!
nakita kong papalapit na ang isa sa kanila sa direksyon ko which is ang counter. Malamang oorder din yan. Tiningnan ko naman ang mga kasama niya,at ayun nakaupo na sa pwesto sa pinakagilid.
waaahhh!! bakit dun pa? yun pa naman ang napili ko sanang pwesto. Kasi nasa malapit ng dingding at kitang kita sa labas. Huhuhu..
"miss."
Mga walang hiyang mga unggoy na 'yun ah!
"miss!"
Makikita ng mga yun, hahagupit sa kanila ang walang kamatayan kong ratatat...
"miss!"
bwisit!bwisit talaga!
"miss, oi miss!hello!"
Bigla akong nabalik sa huwisyo ng maramdam kong may kumalabit sakin.
"ok ka lang ba miss? Kanina ka pa namin tinatawag pero tulala ka naman, at kung di niyo po napapansin sobrang haba na po ng pila sa likod"
Pagtingin ko sa likod, waahh... Oo nga. Waahhh lupa lamunin mo na ako. Huhuhu.
napayuko ako sa sinabi nung babae sa counter. gosh,nakakahiya pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid. 'bat naman kasi kung ano-ano pinag tuonan mo ng pansin jelyn, ayan tuloy napahiya ka.
"a-ah p-pasensya na p-po,hehe" awkward. Ano ba yan,nakakahiya talaga. Pati itong lalaki nakatingin din at mukhang pinipigilan pang matawa. Bwisit talagang kahihiyan to.
Umalis na ako dun pagkakuha ko ng order ko. at kung mamalasin ka nga naman wala ng bakanteng upuan maliban na lang dun sa isang mesa na katabi nung mga lalaki kanina. well no choice,tutal gutom na gutom na ako.
Ramdam na ramdam ko pa rin ang mga matang nakasunod sakin habang papunta na ako sa puwesto,pero hinayaan ko na lang.
Habang kumakain napansin kong nakabalik na rin pala yung lalaki kanina.
"ano na pre,anong feeling?"
rinig kong sabi sa katabing table. hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsasalita, nakayuko lang kasi ako dahil di parin ako naka move-on sa kahihiyan kanina.
BINABASA MO ANG
Fight For Love
बेतरतीबnagmamahalan kami, masaya at kuntento sa isa't-isa. Naniniwala kami na kaming dalawa na talaga ang itinakda para sa isa't-isa. Pero paano kong ang pagmamahalan namin ay hahadlangan lalong lalo na ng pamilya nya, hanggang saan? hanggang kelan kami la...