FlashbackLunch break namin kaya nandito kami sa canteen ng mga kaibigan ko.
Tapos na kaming kumain ng may biglang lumapit sa table namin kaya napatingin ako kung sino yun at nagulat ako nung makita ko si Bryan na nakatayo sa harap ko at nakatingin siya sa akin?
"Hi? Pwede ba kitang makausap?" Sabi niya habang nakangiting nakatingin sa akin.
Yung mga kaibigan ko pigil yung hininga nila habang nakatingin sakanya.
What do I expect? Popular si Bryan sa school at kahit na ganun hindi nagbago yung pakikitungo niya sa mga students dito which earned a lot of impressions to him. Lalo lang nahuhumaling mga girls sakanya dito at feeling ko isa na din ako sa mga yon.
"Sige." Sabi ko sabay nun tumayo ako.
Lumabas kami ng canteen at pumunta sa garden ng school na naka-locate sa pinakalikod ng building.
"Uhm. Tungkol saan ba yung sasabihin mo bakit kailangan pa nating pumunta dito sa garden?"
Hindi naman sa wala akong tiwala sakanya o pinag iisipan ko siya ng masama pero kasi nakakapagtaka dahil mukhang seryoso yung sasabihin niya na wala naman akong ka ide-ideya kung tungkol saan ito.
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero I really like you B, liligawan kita kung okay lang sayo?" He said.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Grabe! Bakit ba ako nagiging ganito pag kasama ko siya?
Malamang secret crush mo siya Brianna ano ka ba! Sigaw ng isip ko.
At ano daw sabi niya? Liligawan niya ako?! Oxygen please!!
"B-bry. U-hm. Ang t-totoo niyan matagal na din kitang g-gusto". Ih nakakainis bakit ako nauutal?!
Ang lakas na talaga ng tama ko sakanya, akala ko simpleng crush lang to noon. Yung tipong kuntento na akong pinagmamasdan ko siya sa malayo, yung kahit hindi kami magkapareho ng circle of friends eh nakakausap ko pa din siya. Kaya dapat lang din siguro niyang malaman na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa.
Hindi ko lang akalain na may gusto din pala siya sa akin at ngayon gusto niya akong ligawan, my gosh!
Classmate ko si Bryan Steve Evans. Popular siya sa school dahil bukod sa matalino siya sobrang gwapo niya pa at mabait kaya madaming babaeng nagkakagusto sakanya dito sa school namin.
"Talaga? May gusto ka din sa akin B?" Sabi niya habang sobrang lawak nung ngiti niya.
Hihi. Gwapo talaga! Tsaka napansin ko lang, siya lang yung bukod tanging tumawag sa akin ng B. Masyado niyang pinaikli pangalan ko hahaha. Ang haba naman kasi eh.
"Uhm mukha ba akong nagbibiro?" Sabi ko naman sakanya.
"Yes!" Biglang sigaw niya sabay yakap sa akin na ikinabigla ko naman.
"Ibig bang sabihin niyan pumapayag kang ligawan kita?" Pagharap niya sa akin.
Tumango lamang ako at nakangiti sakanya.
YOU ARE READING
Love Game
RomanceBrianna Stacey Ferrer, a drop dead gorgeous sexy lady that every girls could dream of having a kind of life she have. She came from a wealthy family and believe it or not she can have all she wants with just a snap of her fingers. She's a spoiled br...