♡ Chapter 3 ♡

5 1 0
                                        

Kanina pa tunog ng tunog phone ko. Akala ko kung sino, yun pala si Sav.

Tinawagan ko si Sav.

"Drew, excuse me for a while."

"Hello, Sav!"

"Lotte, gwapo ba buyer mo? Mabango? Akin nalang ohh."

"Yun nga sasabihin ko, tungkol kay buyer."

"Kayo naaaaaa?"

"Nooooo, guess who?"

"Sino baaaa?"

"Si Drew Eugenio."

"WHHHAAATTTT?"

"Kainis si Destiny! Sa lahat ng pwedeng bumili ng kotse ko, siya pa? Okay lang, bigtime na 'to, so okay lang, titiisin ko nalang."

"O, sige na. Sunduin kita later. Nasaan ba kayo?"

"Starbucks Shangri- La branch."

"Bye na, tinatawagan na ko ng boss kong matrona. Charr!"

Si Drew, nasa labas.

"Lotte, antagal nun! Sino kausap mo?"

"Si Sav, bestie ko."

"Tara na sa loob, init dito."

"Matutusta ako dito."

Pagkapasok ko sa loob ng starbucks-

"Uy Lotte, ayaw mong mamasyal?"

"Susunduin ako ni Sav mamaya, so, iintayin ko nalang."

"Sige, gusto mo ba na samahan muna kita?"

"Sige, para hindi ako magmukhang tanga, joke, sanay na pala akong maging tanga."

"Pansin ko, kanina ka pa bitter."

"Hindi kaya, ako, magiging bitter? Sino naman ako para maging bitter, ako naman namili na umasa kahit imposible na. Positive thinker ako sabi nila, kaya ayun, asa nang asa hanggang sa naging tanga."

"Sure ka ba?"

May nakatabi ako kaninang magkarelasyon. Kung maglandian, akala mo naman parang walang taong bitter dito.

*landian all around*

*phone alarm*

How can be something so wrong feel so right all along

Catch me, I'm falling for you

*phone alarm*

Natatawa ako kasi landian sila nang landian tas yung pangalan ng alarm, "Curfew kasi papagalitan ako ni Daddy".

Tas paulit ulit na, yung nakakarindi na sa tainga tas pati yung crew nakatingin sa kanila.

Ako, naginitiate na ko.

"MISS! PAKI PATAY PO YUNG ALARM NIYO PARA SA CURFEW NIYO! PINAGTITINGINAN KA NA NG MGA TAO DITO PLEASE LANG ATE! GANDA NG ALARM NIYO!"

"Miss, sorry po. Hindi ko po sinasadya."

Meetups (Ongoing )Where stories live. Discover now