"Hindi niya daw sinasadya, kasi nakikipaglandian siya sa bf niyang mukhang chonggo. Kung gwapo sana yan, okay lang."
"Oo nga Lotte, hindi ka nga bitter."
"BITTER NA KO, OKAY NA BA YUN, SPELL OUT KO BA?"
"Bakit ka bitter?"
"Dahil sayo."
"Sakin??"
"Dahil sa kanta, nagbibiro ako dun sa kanina."
"Alam mo, approachable ka pala. Akala ko ikaw yung tipong lalaki na saksakan ng yabang, hindi pala."
"Kaya ang dali para sakin na makipagusap sayo kahit buyer kita, because for this almost 3 hours of being with you, you proved to me that still, a guy like you, still exist."
"Excuse me for a while."
"Sige lang."
*thoughts*
Alam mo kung bakit ako bitter? Dahil sayo, oo, dahil sayo. Ikaw palang ang minahal ko. Kahit andaming nanliligaw sakin, ikaw ang pinipili ko kasi alam ko at nararamdaman ko na, tayo ang pinagtagpo ng Diyos. Pinagdasal kita, hindi ko pinakinggan sinasabi sakin ng magulang ko na sasaktan mo ko. Ginawa ko lahat, ginawa kong inspirasyon ang pagmamahal ko sayo para makita mo ko, para mapansin mo ko, para mapamahal sayo pero, wala, si Pauline pinili mo. Hindi siya top, hindi rin siya gumaduate gawa ng malandi nga siya. Ako, dahil sayo, gumaduate ako with honors, naging Magna Cum Laude ako, naging top 6 sa board exam, nagayos, hindi na ko haggard. Ginawa ko lahat pero alam mo, wala, siya pinili mo. Mas maputi lang siya sakin, mas maayos pumorma, mas liberated kung umasta, pero, Drew Eugenio, anong meron sakin? Bakit mo ginawa sakin 'to?
*end of thoughts*
"Lotte, nakatungaga ka nanaman, may matching luha pa. Bakit?"
"Wala, may naisip lang ako, nakakaiyak."
"Love story mo?"
"Wala, it's none of your buisness."
"Okay."
"Ikaw, musta lovelife mo?"
"Ayun, wasak na wasak."
"Bakit? Anong ginawa niya sayo?"
"Kung dun ka nagaral sa Walrus University, I'm sure, kilala mo si Pauline Quirino?"
"Oo, that bitch, she destroyed my life. Thanks to her, I tried my best to surpass her qualities, and now, it helped me to have a successful life!"
"Anhaba naman. Ganyan ka ba kagalit sa kanya?"
"OO KASI SIYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI NIYA KO MAPANSIN NUNG COLLEGE. GINAWA KO LAHAT PERO, WALA, SIYA PINILI NIYA."
"Nac'curious na talaga ako and hindi sa nagaasume, pero ako ba yung tinutukoy mo?"
"Ikaw lang ba nanligaw dun?"
"Hindi."
"So hindi ikaw yun."
*thoughts*
Sino sasabihin ko? Alangan naman siya? Sige, si Paulo nalang. Sorry Paulo, sorry talaga. Actually hindi kita ka-close, so okay lang. Chos!
*end of thoughts*
"Si Paulo Reyes yung sinasabi ko. You know him?"
"Nope."
"Okay, so siya yun."
YOU ARE READING
Meetups (Ongoing )
RomanceIbinenta ni Charlotte Ramos ang kanyang red car dahil kailangan niya ng pera para makapunta sa Dubai. What if kung ang buyer niya ay ang ex niyang si Drew Eugenio na pinaasa at sinaktan siya nung college time niya? Will they find love in their buisn...
