Chapter 4.1 - Misunderstanding

1 0 0
                                    

Naiinis pa din ako kay Zach hanggang ngayon. Why did he chose Giselle to accompany over me? What's happening? Sorry pero sobrang selosa talaga ko. I can't afford to see Zach with some other girls especially that whore! I went back to our room then I talk to Jane..

"Jane panget ba ko? Mataba ba ko? Mukhang lola na ba ko? What you think?"

"Seriously Shane, bat mo tinatanong sakin yan? Ikaw ang reyna dito sa school natin. You're not panget and fat Shane. What's bothering you ba?" Jane asked.

"Naiirita kasi ako kay Zach ngayon. You know what, he chose Giselle over me! Sinamahan niya si Giselle pumunta sa bahay nila makikipag meet and greet daw siya sa parents ni Giselle! Ano siya? Girlfriend niya? Naaasar talaga ko!" I said.

"Oo nga nakakaasar yun, nagexplain ba siya kung bakit siya makikipagkita sa parents ni Giselle? Giselle is too obvious na."

"I hate this feeling Jane! Isang pagkakamali lang talaga ni Zach, I'll let him go. Nakakapagod na din yung ganito."

Zach's POV

Tapos na yung dalawang class namin at ready na rin akong imeet si Shane ng nagtext sa akin si Giselle. Bakit ba kasi bumalik tong babaeng to. Bumabalik nanaman yung care ko sakanya at ayoko na uli mangyari yung dati. I can't afford to lose Shane. Kung papipiliin ako, I rather choose Shane over her.

From Giselle:
Hi Zach! Mom called me earlier nga pala, she wants to meet you Zach. Miss ka na daw niya. Pwede mo ba kong samahan ngayon sakanya?

To Giselle:
No Giselle. Hindi pwede. May gagawin kami ngayon ni Shane. Maybe some other time okay?

From Giselle:
Please Zach! Saglit lang tayo dun honey! :*

To Giselle:
Okay just make sure.

Bakit niya tinext yung endearment namin yung kami pa? Is she trying to seduce me again? No way! Umeepekto sakin yang mga paandar niya na yan at hindi ko alam kung bakit. Kailangan ko pa palang itext si Shane para malaman niya to.

To Shane:
I'm sorry babe, hindi pala ko makakasabay sayo maglunch ngayon. Giselle and I are going to her place now, gusto daw kasi akong makita ng parents niya. I'm sorry babe maybe next time. I love you!

Hindi na siya nagreply pagkatapos ko siyang itext. Sorry talaga Shane, I think Giselle needs me. Nagkita na kami ni Giselle sa parking lot at inistart ko na ang kotse ng nagulat ako at hinawakan ni Giselle ang kamay ko.

"What are you doing Giselle?"

"Come on Zach! I know you missed me." sabi ni Giselle then she pulled my necktie and start to kiss me on my lips. Hindi ko alam pero nagreresponse ako sa mga halik na binibigay niya sakin pero naisip ko si Shane kaya tinigil ko ang ginagawa namin.

"What's wrong honey? Bilisan na natin pumunta sa bahay para matapos tayo agad." Giselle said while she's trying to kiss me again.

"No Giselle! Totoo ba talagang hinahanap ako ng mommy mo or gusto mo lang akong masolo? Ano bang problema mo?! Bakit mo ko pinepeste?! Magagalit nanaman sakin si Shane ng pinaggagagawa mo!" I said arrogantly.

"Oh c'mon Zach! Gusto mo din to diba? I can feel it the way you response to my kisses. Iwanan mo na si Shane, come back to me Zach. I'm sorry sa mga ginawa ko sayo dati. I already regret those things in the past. I love you Zach!"

"Get off the car Giselle! Tigilan mo na tong kalokohan na to. Mahal ko si Shane at mahal din niya ko. Wag ka ng makisawsaw samin Giselle! We are happy nung wala ka." binuksan na ni Giselle yung pinto but before she close it she said, "Then fine, talo ako ngayon but tandaan mo to. Kukunin uli kita Zach! Shane will let go of you! Hahaha! I promise that!" sinara naman niya yung pinto.

Shane will never leave me. She loves me, and I love her more than that. Hindi ko na alam kung anong gagawin kong pagsosorry kay Shane. I decided to go to her house. Hihintayin ko nalang siya doon. Okay lang naman kina Tito na magstay ako dun.

As I arrived at Shane's place. Nakita agad ako ni Mang Ferd, yung guard nila at pinagbuksan ako ng gate.

"Ahm Sir, wala pa po si Maam Shane dito eh." sabi naman ni Mang Ferd.

"Okay lang po Mang Ferd, hihintayin ko nalang si Shane dito." I said as I walk to the living room.

Shane's POV

Tapos na yung class ko at wala kong maisip na gawin ngayon so I decided na umuwi nalang at matulog. Ayokong kausapin si Zach ngayon dahil naiirita ako sa ginawa niya. Sumakay nalang ako sa cab, ayoko kasing isipin ni Mang Jojo na magkaaway kami ni Zach kaya eto ko ngayon.

Pagkadating ko sa bahay, may nakita akong sasakyan ng taong hindi ko inaasahan. Zach is here? Anong ginagawa niya dito ugh.

"Mang Ferd nandito po ba si Zach?"

"Ay opo Maam kanina pa po siya nanjan, hindi ko po alam kung bakit. Nagulat nga po ako at hindi ka niya kasama eh."

"Ah ganun ba, sige po papasok nako."

Wala naman si Zach sa sala, siguro nagc.r yun. Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko para magbihis. Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko si Zach. And my room having a bouquet of roses and everlasting sa kama.

"Ano nanaman to Zach? Wag mo kong idaan sa mga pacheesy mo dahil alam mong umeeffect yun sakin."

"Shane I'm sorry. Sorry kasi sumama ako kay Giselle. Sorry kasi hindi kita pinili na makasama. Sorry kasi alam kong nasaktan kita. I'm so sorry babe, hinding hindi na yun mauulit pa. Takot ko nalang na iwan ako ng taong pinakamamahal ko." Zach said when hugging me.

"You know what Zach? Okay lang kung ibang babae yung kasama mo kanina eh. Bakit kasi sumama ka pa kay Giselle?! Anong klaseng rason yung kanina ha Zach? Bakit kailangan pa ng meet and greet na yan?! Kayo ba ha?" I exclaimed.

"I know Shane, I know. Nagsinungaling siya sakin Shane. She said that gusto daw ako makita ng mommy niya pero yung totoo pala is gusto niya kong solohin. I'm sorry Shane! I love you so much!" he pleaded.

"Gusto ka niyang solohin?! What the hell
Zach! Tapos ano? Aangkinin ka nanaman niya?! Ang kapal kapal ng mukha niya kamo! May nangyari ba sainyo ngayon? Naghalikan nanaman ba kayo tulad ng nakita ko noon ha?! Ano bang pinakain ng Giselle na yan sayo kung bakit sunod ka ng sunod sakanya?! Umalis ka na Zach. Ayoko munang makita o makausap ka."

"But Shane..."

"I said go out!!!" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. Sinunod naman niya ko at umalis na siya sa bahay.

Ayoko kasi sa lahat e yung pinagmumukha akong tanga. Ang sakit lang sa pakiramdam. I love Zach but he's getting on my nerves. Hindi sa lahat ng bagay magpaparaya ako.. ang oa ko na ba? Pero ganito talaga ko eh. Ayoko muna magisip ng kung ano mang tungkol dito, gusto ko muna magpahinga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Suddenly Fell In Love With HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon