Sandy's POV
Napatanga ako ng mapansin kong nakatingin sakin ang lahat. Hindi ko din malaman kung paano ko sasalubungin ang mga nagtatanong nilang mata. Ewan ko! Wala naman akong nagawang masama ah. Eh bakit ako pinagtitinginan? Ano bayan. Okay sge. Titigan nyo lang ako na para bang ako na ang pinakamaganda.
"Hello Miss Kulot. Hiyang hiya ako sa pagdating mo. Di ka man lang ngtext para naman sana napaghandaan namin ang grand entrance mo." saad ni Prof Alcombra. Ang tinaguriang hitler sa buong campus. Imagine huh? Ang swerte ko at sya ang ngng teacher namin. Lagi tuloy badtrip ang araw ko.
"Eh ma'am, may traffic ho kse e. Sorry po." nakayuko ang ulo ko. Nahihiya akong humarap sa kanya.
"Traffic again? Last week traffic na naman. Hindi na matapos tapos ang traffic na yan!"
Nagtawanan ang lahat ng mga kaklase ko. Peste! Mga demonyo tong mga to. Mga kontrabida sa buhay ko. Lagi nalang silang nagtatawanan pag napapagalitan ako. Para bang kinokontra nila lahat ng sinasabi ko. Kaasar ano?
"Eh sorry na ma'am. Masyado naman kayong hot. Promise last na po to."
"Promise promise lagi namang napapako e. Hay. Okay seat! Sa likod ka umupo dahil puno na ang chairs dito sa tapat ko. Parusa mo yan."
"Okay po."
Pagkaupo ka sa upuang inilaan sakin ng demonyita kong professor ay agad akong chinika ng isa sa mga malalandi kung kaklase. Si Melody. Ang babaeng talbog ang cleavage. Ah basta. Sya ung tipo ng babaeng pinapangarap mkatabi ng isang mamanyaking lalake sa kama. Kung bakit itinabi pa ko sa kanya. Hayan tuloy litaw ang kapangitan ko.
"Bat ka kasi late gaga? Hayan tuloy napahiya ka."
"Eh malay ko bang nagstart na tong klase."
"Anong oras na ba sa tingin mo gaga?"
"8:30." sagot ko.
"9:21 na teh. Palpak yang relo mo. Palitan mo na ksi ng bago."
Tumingin na lang ako sa harapan. Ayokong magsayang ng oras sa pakikipagusap sa babaeng to.
----
After ng klase ko kay ma'am demonyita ay agad akong nagtungo sa kalapit na eskwelahan. Doon ksi nagaaral yung bunso kong kapatid. Nakakainis ksi ako ang naatasang pumunta roon para sabayang maglunch si bunso.
Nasa malapit na ako ng canteen kung saan naroon si bunso nang may biglang humarang sakin. Tatlong maiitim at madudungis na bata na parang tyanak kung makangisi. Puno ng dumi ang puting uniform nila. Sa tantya ko mga nasa edad walo ang mga ito.
"Tignan mo pare oh! Parang pwede ng bahayan ng ibon yung kulot nyang buhok. Hahaha."
"Oo nga pare oh pati ung salamin nya sa mata mala platito ang laki. Hahahaha. Ang pangit nya! Ang baduy nyang manamit! Hahaha."
"Naku nakakatakot sya mga tol! Hahaha. Panget! Panget!"
Umusok ang dalawang tainga ko sa mga narinig ko. Ke babata marunong ng manlait! Nasaan ba ang mga magulang ng mga ito ng mapagsabihan kong turuan nila ng mabubuting asal ang mga anak nila! Baka hindi ako makapagtimpi masakal ko ang mga tyanak na to.
"Alam nyo bang masama ang manlait? Kaya kung ako sa inyo paraanin nyo ko kundi isusumbong ko kayo sa principal! Anak ako ng principal! Sige. Lalayas kayo sa harap ko o bibitayin kayo ng principal nyo?"
Nagatrasan silang tatlo sa sinabi ko. Takot na takot sa narinig. Haha. Yun lang naman pala ang magpapatahimik sa kanila e. Binuwisit pa nila araw ko. Halos lahat na ata ng pangit sakin nasabi na nila. Putsa.
Naglakad ako palapit sa mesa kung saan naroon ang kapatid ko. Magsisimula na itong kumain ng dumating ako.
"Late ka na naman ate. Kakain na sana ako e."
Napakacute ng kapatid ko. Feeling ko ampon ako kasi ako lang ata ang shonget sa pamilya ko. Well di naman ako exactly panget. Slight lang. Baduy kasi ako e tsaka makapal ung kilay ko. Tsaka makapal na kulot ang buhok ko.
"Sorry naman. Eh may nambwisit kasi sakin kanina nung pagawi ako dito. Tatlong tyanak na marurungis."
"Sina Alec, Brent at Kidilo. I know. Kaklase ko sila."
"Ewan ko. Basta. Sige kain na tayo."
Nagsimula na kaming kumain.
---
Mr. Love Adviser's POV
O hayan nakita mo na? Kaya ka lang naman kasi inaasar na pangit kasi totoo. Tsaka ano ka ba? Mga bata yan kaya hindi sila nagsisinungaling? Tsk Tsk Tsk. Goodluck sayo.
---
Author's Note:
Hello! Hahah. Naiintndhan nyo ba? Thanks po sa mga magbabasa. :))
End Of Day I.
BINABASA MO ANG
I love you, Ugly Duckling!
Teen FictionThis is a work of fiction po. Ako po si Sandy dito. HAHA :) Panget po ako sa story na to e! HAHA :) Bago lang po ako sa Wattpad. Love ko lang talaga kaya gumawa ako ng sarili kong konsepto nito. :) Enjoy Reading!