Day II (Ang Crush Kong Wapak)

82 5 0
                                    

Sandy's POV

Sinasabi ko na nga ba e! Sinasabi ko na! Walang hiya tong lalakeng to! Shit! Pinaniwala nya ako sa wala. Sabi nya mahal nya ko kaya nya ako nililigawan. Kahit daw hindi ako maganda mamahalin nya ko. Tapos ngayon may kahalikan sya? Takte! Kung bakit kasi napunta pa ko sa lugar na ito e!

Naiyak ako sa nakikita ko. Wala e. Panget ako kaya hindi ako magugustuhan ng lalakeng to. Pinaasa lang nya ako sa wala.

Tinitigan ko sila habang nagsisiilan ng halik. Gosh, sarap nilang batuhin. Ke lalandi. Public place gnagawa nilang motel. Kailan pa ba ngng motel ang public bar? Sabagay, sa panahon ngayon sa bar na talaga naglalandian ang mga makakati.

Inilayo ko na lang ang tingin ko. Ayokong masira ang beauty ko sa kanila. Well, onga pala matagal ng sira ang beauty ko kaya wala ng masisira. Mas lalong masisira I should say.

"Uy ate Sandeng andito ka na pala! Grabe di ka man lang ngtext na nandito ka na."

Nakipagbesobeso ako sa pinsan kong bading. Friday kse kaya niyaya nya kong magbar. Di ako sanay sa ganito. Ingay ingay. Pero dahil mapilit ito, napilit nya kong sumama rito. Okay narin yun dahil nalaman kong nambubwisit lang ang mabait kong manliligaw. Hayop. Malapit ko na sanang sagutin e.

"Bakit ganyan ang suot mo? Sa bar ka pupunta pero pang Iglesia ang outfit mo. Bayan bakla. Sana nagpaganda ka naman."

"Maganda naman ako khit anong isuot ko. Tsaka anong gusto mo? Magsuot ako ng maikling shorts tas kita boobs tapos backless? Ayoko naman nun. Tsaka sasamahan lang naman kita. Hindi ako makikisayaw. Reklamador ka pang bakla ka."

"Sandeng naman. Paano ka makakadagit nyan kung ganyan ka ng ganyan?"

Natahimik ako.

----

Mr. Love Adviser's POV.

Aminin man natin o hndi, Ang lalake sa maganda na nakatingin ngayon. Kaya hanggat pangit ka, mahihirapan kang makatagpo ng lalakeng magkakagusto sayo.

----

Sandy's POV

Alas dose na ng gabi ng ihatid ako sa bahay ni Bitey. Madami kasi itong kalandian sa bar kanina kaya hindi na nito napansin ang oras.

Antok na antok na din ako.Napagod ako sa kakatingin ng gwapo sa paligid kanina.

"Bat ngayon ka lang sandeng?" pambungad na tanong ni Mama. Gsing pa pala ito. Hnhntay akong dumating.

"Eh kasi inantay ko pa si Bitey. Alam nyo naman na sgurong malandi yun. Lahat ng lalakeng lumalapit, pinapatos. Natagalan sa paglalandi."

"Sinasabi ko na nga ksing wag kang lalapit lapit sa pinsan mong iyon e. Buti yun walang mawawala sa kanya kung gagahasain syat pagtripan ng mga lalake. Eh ikaw. Tsk. Makinig ka sa mga sinasabi ko Sandeng kung ayaw mong magsisi ka sa huli."

Hayan na naman si nanay. Puro na naman sermon. Masyado ksi syang protective pagdating saming mga anak nya. You know, lumaki kasi itong dinidisiplina. Yun bang tipong hindi ka pa pwedeng umalis kung di ka pa nagpapaalam. At mas lalong hindi ka pa pwedeng magpajerjer kapag hnd ka pa kasal. Yung mga ganun? Boring diba? Kaya nga heto na naman e. Puro na naman holy wisdoms ang naririnig ko. Pero maski ganun, Love ko si nanay. Masyado lang talaga nya akong minamahal kaya natatakot itong may gumahasa sa akin sa tabi tabi kahit na alam naman nyang malabong mangyari iyon. Ka shonget ko may magkakagustong reypin ako? Hay naku. Ako nga kampante lang e.

"Kumain ka na ba? May ulam pa sa mesa kung gutom ka." sabi pa ni nanay.

"Tapos na ho e. Nilibre ako ni Bitey sa 7 11."

"O sya sige. Matulog ka na't may pasok ka pa bukas."

"Sige ho nay. Akyat na ho ako sa kwarto ko."

"Pasok lang anak. Hindi akyat. Wala tayong second floor. Goodnight anak."

"Goodnigt mother dear."

----

Author's Note:

So far sana magustuhan nyo ang story ko. Boring ba? Please let me know. :)

End of Day 2

I love you, Ugly Duckling!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon