SEHUN POV
'Hi Sehun!
Hehehe , Sorry Kung hanggang ngayon hindi pa rin kita magawang kausapin nahihiya kase ako eh. Ahmm di ko alam kung anong magiging reaksyon mo natatakot akong kauspin ka , kaya naman mas pinili ko na lang na tignan at mahalin ka sa malayo. Kung saan dito sa kinalalagyan ko nakikita kitang masaya^O^. Curious ka rin Kaya kung sino ako ? Syempre hindi, sa sobrang dami ng taong nakapaligid sayo hindi mo na ko magawang mapansin ni hindi mo nga alam na nag e-exist ako eh. Ok lang sa kin basta nakikita kitang masaya, masaya na rin ako.
Nag bake ulit ako ng cookies para sayo syempre may kasamang Bubble Tea na favorite mo. Hindi ko nga lang alam kung kinakain mo T_T , Hehehe sana balang araw magkaroon na ko ng lakas ng loob na magpakilala sayo bilang Tinkerbell mo , Oo Tinkerbell naniniwala kase ako na ikaw yung Peter Pan ko (='∀`)
As your Tinkerbell tutulungan kita sa lahat ng bagay , lahat lahat na pwede kong maitulong sayo .
Sige dito na lang , lagi lang akong nakabantay sayo mula dito sa kinalalagyan ko nakikita kita.Bye Peter Pan! I love you and Take care♥
-Your Tinkerbell ♥
Tinkerbell. Sa lahat ng letter na natatanggap ko ito yung pinaka nakakuha ng atensyon ko. Laging may Tinkerbell na signature nya.
'Mr Oh!'
Aish! Sa sobrang busy ko sa pagbabasa ng letter nya di ko namalayan na may teacher na pala. Ganun na ba ko ka focus sa pagbabasa ng letter na to kaya di ko naramdaman yung presence ni Maam?
'A-ah Yes Maam?'
Tumayo na ko .Sigurado akong malilintikan ako nito.
'Well, next day pa naman ang pasahan ng Project sa Math'
Asdfghjkl! Math?
Hala! Kahit isa wala pa kong nagagawa , anong gagawin ko? Kung sisimulan ko ngayon di na rin aabot kase sa isang araw na yung pasahan. Terror pa naman tong si Mrs. Choi. Argh!'I was so shock kase ikaw ang unang nakatapos at nakapagpasa sa faculty ko. Congrats' Whut? Lahat ng atensyon ng buong klase napunta sa kin. May mga gulat sa mata nila tipong di makapaniwala well ako rin di makapaniwala sa narinig ko .
Ni hindi ko pa nga nababasa yung mga problem dun eh.
'Ok you may sit down'
Umupo na ko. T-teka panong nangyari yun? Naguguluhan na ko.
Kinalabit ako ni Chanyeol sabay sabing'Congrats bro! Talino mo'
Ngumiti na lang ako ng alanganin. Alam nila Chanyeol na may yeah- Secret admirer ako? At bumalik sa pag iisip kung san nanggaling yung project ko . Napatingin ako sa letter nya
As your Tinkerbell tutulungan kita sa lahat ng bagay , lahat lahat na pwede kong maitulong sayo .
Di kaya? Sa kanya nanggaling yung project ko? Malaki ang chance at isa pa malakas rin ang kutob ko.
It's been a month na nakakareceive ako ng letter na may codename na Tinkerbell
I found it interesting dahil sa codename nya, its cute and unique.
Joan
Maria
Alex
Yan yung mga common na names na nababasa ko sa mga letter na natanggap ko.