NCT U's advice~

606 21 1
                                    

*

MC Heechul: Hello, everybodeh! We are here to give you some advice & answer your questions. So for those who have love, life & friendship problems, NCT U can give good & meaningful advice to you~

Doyoung: Heechul sunbaenim, hindi niyo po kailangan mag-english. Kita mo namang tagalog ang language nito, tapos mag-eengrish spokening tayo? Dapat ginawa nalang ni author na english! Don't me.

MC Heechul: Fine, whatever. Simulan na natin, ito na ang first question na pinadala ng ating mga viewers via PM sa akin. Taeyong, pwede mo bang sagutin ang tanong na nasa screen?

Q1. Oppa, anong pipiliin mo? Aircon or Lovelife?

Taeyong: Aba. Ang init na nga, naisipang mo pang lumandi! #hard

MC Heechul: So, sender #1 yun na ang sagot ni Taeyong sa tanong mo. Next one, Mark please.

Q2. Oppa, bakit ang init? Dahil ba hot ako o hot talaga ako?

Mark: Natural summer. Magulat ka nalang kung umulan ng snow. Dun sa pangalawang tanong mo, malay ko. Hindi nga kita kilala. #malaykozoned

MC Heechul: We're running out of time--

Ten: Heechul hyung, kakasimula pa nga lang natin. Ano to, Pilipinas Debates?

MC Heechul: Joke lang naman. Itong Leechaiyapornkul na 'to! Sige na, sagutan mo na yung tanong sayo.

Q.3 Oppa, tinatanong po kasi ako ng manliligaw ko kung bulaklak ba o chocolate? Anong pipiliin ko?

Ten: Unang-una sa lahat, sorry Heechul sunbaenim dahil sa ginawa ko. Sa tanong mo naman, bigas ang hingiin mo, bigas as in rice. Maging practical ka naman. Open your rice joyonghi Open your rice~ #openyourrice

MC Heechul: Hindi na ako mang-iinterupt. Kaya kayo na ang bahala sa show niyo! Manonood na lang ako ng Frozen! /nagwalk-out/

Taeyong: Viewers, umalis na po si Heechul sunbaenim, kaya kami nalang ang maghohost ng aming show. At tanggapin niyo nalang ang mga helpful advice namin. Next question please.

Q.4 Oppa, pinoproblema ko po kasi yung pimples at eyebags ko. Ano po bang pwede kong gawin para mawala sila?

Jaehyun: Simple lang. Mahalin mo lang sila. Kasi lahat naman ng minamahal nawawala. #hugot

Taeyong: Tuloy-tuloy na po ang Q&A portion natin dahil wala na tayong host. Kaya lets move-on to the talent portion--

Ten: Hyung, hindi to pageant. (AN: Lol. KJ si Ten)

Taeyong: Whatever. Sagutin niyo na ang next question.

Q.5 Oppa, yung boyfriend ko po kasi, laging tumitingin sa boobs ng ibang babae. Wala naman siyang matingnan sa akin dahil flat ako. Ano po ibig sabihin nun?

Taeil: Baka naman naiingit yang boyfriend mo, kasi wala siya nun. Tsaka, about diyan sa pagiging flatchested mo. Wag kang malungkot, ayaw mo nun? Dalawa likod mo! #harsh

Q.6 Oppa, lagi na lang po akong umiiyak dahil iniwan ako ng boyfriend ko. Ano pong pwede kong gawin?

Doyoung: Huwag mong iyakin ang taong nang-iwan sayo. Hindi pa siya patay, wag masyadong excited! #wagmasyadongexcited

MC Heechul: /bumalik ng studio/ So everybodeh, that's all we got for today. Hope, nakatulong kami sa inyo. Please come back for the next chapter!

~
Lol. Sinong may gusto ng totoong advice mula sa NCT U? Comment na, hahaha. Hindi totoong may nagtanong ng questions na yan, ginawa ko lang yan😂

NCT's ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon