/// Kimae's POV \\\Nandito ako sa Dorm at hinihintay ko na lang na mag 11 noon at nang maisagawa ko na yung gagawin ko.
Tinignan ko yung Wall Clock at malapit na mag 11 kaya lumabas na ako. 1 minute na lang naman para mag 11.
Dahan dahan akong naglalakad dito sa hallway ng Dorm ng Section Light. Nang makarating na ako sa labas ay nakahinga ako ng maluwag.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at sa madidilim lang ako dumadaan para walang makapansin sakin. Narating ko ang office ni Teacher Veronica at pumasok ako dito.
Tinignan ko sa table niya pero wala ito kaya kinalkal ko ang mga drawer nito. Hindi ko ito nahanap kaya bigla akong nabadtrip at nasipa ko yung shelf at muntik ng may nahulog dito at eto yung pot.
Kinuha ko yung dalawang pot at lalabas na sana ako pero biglang may tumayo sa dilim.
"Where do you think you're going?" Boy
Hindi ko nakilala ang boses nito basta ang alam ko lalaki ito na parang may nakaharang sa babang part ng mukha niya kaya naiba ang boses nito.
Hindi ako nagsalita at bigla kong pinihit yung doorknob pero bago ako makalabas ay may ibinato sakin yung lalaki para mabitawan ko yung dalawang pot. Kukunin ko sana ulit yung pots ng tumakbo siya sakin na may dalang kutsilyo kaya ang nahawakan ko lang ay yung isang pot at umilag ako.
Hindi ko na kinuha pa yung isa at bigla na ako umalis at tumakbo ng hindi niya napapansin.
Nakarating ako sa Dorm ko at nag inat inat sa kama. Pakshit ang sakit ng likod ko. Batuhin ba naman ako ng libro tapos ang lakas pa! Sino kaya yun!
Nagbihis ako ng pantulog at umupo ako sa kama. Binuksan ko yung pot at kumuha ng isang pirasong papel.
"Henzo Ferdez." Ako
Ano? Sa boys tong mga nakuha ko!? Binuksan ko ito at alam niyo kung anong nakita ko? Crush niya daw si Yael pero ang sungit sungit nito kaya isinasawalang bahala niya yung nararamdaman niya. Natatakot din daw kasi siya kay Yael lalo na sa katabi nitong si Chester.
Seriously? Kumuha pa ako ng papel at kay Mr. Einstein to. Napangisi na lang ako sa nabasa. Ganito rin siguro ang gagawin niya sa iba pag naulit. Sorry to say pero matagal na siyang talo.
Kumuha pa ako at si Boy Manyak to! Punyeta! Kailangan ba talagang puro pag-ibig? Well si playboy may taong gusto? Hahaha
Inilaglag ko lahat ng laman ng paper at kinuha ko yung kay Gale. Binasa ko ito at napaka protective ni Kuya! Ang bilis magbago ng tao sa konting pagkakamali lang. Yung iba for the worst pero yung iba for the better.
Nakuha ng atensyon ko yung kay Momo kaya binuksan ko ito. At natawa na lang ako. Kasi ang nakasulat ay 'Napakalandi ni Teacher Veronica! Akala mong teenager. Sisiguraduhin kong mamamatay siya ng walang asawa!'. Hahaha
Tinignan ko yung kay Chester at nakita kong tungkol din sa pag-ibig. Natira na lang yung kay Chris kaya binuklat ko ito at nagulat ako sa nakasulat. Alam niya ang tungkol sa mga mangyayare?
Nang matapos ko ito lahat ay sinunog ko siya. Itinago ko rin yung pot para walang makakita. Natulog na ako pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Aalamin ko sana kung ano itong naramdaman ko pero inunahan ito ng antok kaya natulog na ako.
---
Naglalakad ako papuntang classroom ng makita kong nakaipon sila sa labas ng classroom.
Kaya tumakbo ako papunta rito at nakasilip sila sa window. Sinilip ko rin at nakita kong may nakabitin na babae at nakilala kong si Ami ito. Nakikita ko pa na umi iling-iling siya.
BINABASA MO ANG
Section Light's Criminal
Mystery / ThrillerBeing the Criminal of Section Light is one of the mission of this student named Kimae Sandoval of the School of Criminal. This mission aims to kill the students in Section Light. Can she finished her mission if there is a big mission behind her miss...