"Kath! Magluto ka na ng pagkain!!!
Eto ang buhay ko, isang utusan. Ako si Kathryn Calder. Masipag, mabait at simpleng babae. Matagal ng wala ang parents ko. Actually hindi ko naman talaga alam kung nasan na ang mga magulang ko ang sabi ng lola ko ay maaring patay na sila. Ang lola ko na lang ang natitira saakin noon pero wala ehh. Pati sya nawala. Ngayon heto ako naging katulong sa bahay ng auntie ko. Hindi ko nga alam kung auntie ko ba talaga to ehh. Pero nirerespeto ko pa rin naman sya.
"KATHH!! ANO BA BUMABA KA NA DIYAN NAGUGUTOM NA KAMI DITO!!"
Nang marinig ko ulit ang sigaw ni auntie Beth ay agad akong bumaba at nagluto ng makakain nila.
Matagal na akong naninilbihan sakanila ang totoo niyan hindi na nga ako pumapasok dahil pinatigil na nila ako dahil pinapaaral din ni auntie Beth ang pinsan ko wala naman na akong magagawa kundi sumunod balang araw ay magkakaroon din ako ng pagkakataon na makapagaral ulit.
"Kath! Buksan mo ang pinto ano ba! Kanina pa may kumakatok!"
"Opo auntie sorry po"
Agad ko namang binuksan ang pinto at nakita ko si Rion.
"Bakit ka nandito??" Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama pero ayaw ko lang na makita niya ako na pinapahirapan ni auntie kasi baka sumama ang tingin nya kay auntie.
"Bakit bawal? Saka wala ka magagawa gusto ko ehh" Aba ang kulit talaga nitong lalaking to. Isang buwan palang kami magkaibigan ni Rion, sa totoo nga lang wala pa ako masyado alam tungkol sakanya hindi naman kasi mahilig magkwento si Rion.
Agad naman siyang pumasok at binati si auntie na kumakain pa rin. Kinalabit naman ako ni Rion at sumesenyas na tumaas daw kami at pumunta sa kwarto ko kaya agad naman akong tumaas at sumunod sya.
"Ohh bakit gusto mo dito sa kwarto ehh ang gulo gulo pa ehh"
"May nagpapabigay kasi nitong letter na to. Para sayo daw."
Agad ko namang kinuha ang letter at binasa.
"AHHHHH!!!!"
"Kath!!! Ano ba wag ka maingay dyan!!!" Malakas na sigaw ni auntie Beth galing sa baba
"Oopss" OA na ba ako???
"Bakit? Ano sabi sa letter??"
"Rion. Galing to sa isang academy..East Academy ang nakalagay dito ehh. Iniimbitahan nila ako na pumasok sakanila. Libre daw ang lahat. Rion ibigsabihin nito ay makakapagaral na ako ulit" Masayang sabi ko kay Rion. Hindi ko alam kung saan ang East Academy pero gustong gusto ko na makapagaral ulit kaya syempre tatanggapin ko na to
"Talaga?? Ito na yung araw na pinakahihintay mo Kath. Magimpake ka na ihahatid kita dun. Daanan kita dito mamaya." Aba grabe ang supporta ha. Natouch naman ako ^.^ Sus mamimiss ko din tong lalaking to ehh.
"Ha? So alam mo kung saan ang East Academy? Maganda ba dun?"
"Oo naman Kath."
"Sige sige sunduin mo ako mamaya ha"
--------------
Nakasakay na ako sa kotse ni Rion. Papunta na kami sa East Academy. Maraming gamit ang dinala ko dahil dun kami titira hanggat di tapos ang pasukan Ganun na pala ngayon nohh? Nakadorms na talaga sosyal tuloy pakinggan.
Kanina nagpaalam na ako kay auntie Beth pinayagan niya naman ako siguro gusto rin ata ni auntie na makapagaral ulit ako.
"Nandito na tayo."
Namangha naman ako sa napakalaking gate na sumalubong saamin. Agad kong binaba ang mga gamit ko at tulala pa rin sa napakalaking gate na nasa harapan ko.
"Kailangan ko na umalis pano ba yan? Sorry Kath. Wag ka na magtanong kung bakit basta magiingat ka lagi ha."
Anyare sakanya?? Ang weird nya ngayon.
"Sus! Mamimiss mo lang ata ako ehh, wag ka magalala babalik naman ako Hahahha sige na goodbye for now Rion."
Sumakay na sya sa kotse nya at tinatanaw ko siya habang papalayo ng papalayo. Hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.
Maya maya ay agad naman bumukas ang napakalaking gate na nasa unahan ko. Wow! Ang sosyal talaga dito masyadong advance na.
Pumasok naman ako at mga tinginan ng estudyante ang sumalubong saakin. Hindi ko na lamang sila pinansin at tinuloy ang paglalakad.
"Ms. Calder"
Nagulat ako sa tumawag sakin kaya napatingin agad ako sakanya.
Isang matangkad na lalaki, well gwapo siya.
"Po??"
"Sumunod ka saakin dadalhin kita sa dorm mo"
Bakit lalaki pa? Pwede naman ata na babae ang maghahatid saakin sa dorm.
Hindi na ako nagsalita at sinundan na lang siya.
Maya maya nakadating na kami sa dorm ko. Well nasa harap lng naman namin ang isang napakalaking pinto, anong klaseng dorm ng girls ba to??
"Hindi na kita ihahatid sa loob, pero ito ang kwarto mo, 3 kayong magkasama sa isang kwarto"
"Ahh sige, okay lang salamat" ngumti naman ako sakanya ganun din siya.
Sayang di ko natanong yung pangalan.
Pagbukas ko ng malaking pinto ay katahimikan ang bumungad sakin.
Ano ba to? Nakakakilabot naman dito. May mga estudyante pa ba dito? Bakit parang ang tahimik, teka wait. Erase erase! Hindi 'parang' kasi talagang sobrang tahimik.
Hinanap ko na lang ang kwarto ko.
Nang makita ko na ay binuksan ko agad ang pinto pero nagulat ako kung ano ang nakita ko.
Hello po!! Sorry ang tagal ko pala hahhaha pasensya na po may problema lang.
First update ko po! Sana suportahan nyo ko. Sorry kung may mga mali man. Iedit ko na lng sya after hehehehe Thank you!! See you sa next update!! :)

BINABASA MO ANG
East Academy: The Good And The Bad Ones
FantasíaStarted: May 1, 2016 End: ------ Suportahan nyo ako ^^ Sorry sa slow update ko