11.1.11

113 1 0
                                    

So then, every chance my friends and I or jsut me gets, we go visit his tomb. Like on his birthday death anniversary, new year or all souls' day.

-----------------------------------------------------------

Rik!! Galing ako sa puntod mo kanina. :)

Andun si Tita Lynette, si Christel tapos dumating si Kuya Herick galing sa work. Kasama ko din pala nanay at tatay ko. Alam mo ba, bago mag undas, araw-araw na ako nanghihingi ng bulaklak at kandila sa kanila kasi nga pupunta ako sa'yo. Nagpromise naman sila na sasamahan ako.

Eh, kasi naman ang daming beses ko na nagpromise sa'yo na dadalaw.

Nung birthday, death anniversary, nung nag OJT si Seong Min (Chuchang) kasi magkasama kami nung summer, bago sya umuwi ng korea, pati long weekend kasi nga di ako nakapunta nung death anniversary mo. 

Walang natupad. Ang bad ko! :|  Sorry!

Pero ayan, nakadalaw na. Nag kwentuhan kami ng mommy mo. Si Tel naman busy sa pagbabasa ng book. Though nakikinig sya.

Pinagtatawanan lang namin yung pinasuspend ka ni Ma'am Guevarra kasi nung may tinatanong ka tumalikod sya tapos sabi mo, "Ay bastos!". Tandang tanda yun ng mommy mo, first year tayo nun. Yung 5 days suspension mo daw, pinababa ni Tita ng 3 days tapos tinapat nila ng intrams.

Alam din pala ng mommy mo na ang tawag sa school sa inyo ni Seong Min noon ay B1 at B2..kasi lagi kayo magkasama, parehas maingay, tapos pagtumatakbo kayo dumadagundong daw ang PCU. Ang laki nio ba namang mga tao.

Tapos, kinuwento rin ng mommy mo na nung third year na tayo, nag simula ka na magpagamot, tapos pag umaga may check up ka, nakakapasok ka lang sa school para kumuha ng test. Kahit yung plates natin sa TLE mommy mo na pala gumawa. Tinutulungan ka ni tita gumawa ng requirements.

KAYA PALA! Niyayabangan mo ako nun na ang bagal ko gumawa ng plates..hindi kasi civil engineer nanay ko eh. haha!

Natuwa naman si Tita Lynette na nakatapos ka ng third year. May grades ka rin naman daw kahit papaano. 

Langya ka, sabi mo pa daw, ng sarap ng buhay ng nasa bahay at hindi napasok sa school. haha!

Inoffer pa nga ng daddy mo na ienroll ka sa homeschool pero ayaw mo kasi sarap na sarap ka sa buhay mo.

Pero sinabi ko na yung course mo na kukunin ay Tourism dapat, dahil sa napakababaw na dahilang pupunta ka ng korea, sa bahay ni Seong Min. Natawa naman si tita.

Though, Architecture or Engineering din yung seryoso mong choice.

Pagmay check up daw, yung mga ibang tao dun tinatanong kung ilang taon ka na kasi ang laki mong tao tapos parang isip bata. Nagugulat yung ibang nagpapacheck up pagsinasabi ng mommy mo na 15 years old ka lang. Kasi daw, ang ginagawa mo, binubukasan mo yung mga rooms isa-isa  tapos tatambay sandali. Natutuwa ka kasi naka aircon.

Dumating sa point na inadvice ng doctor mo sa'yo n dapat magtigil ka nalang sa bahay. Kasi nag start ka na mag paopera nung mag sugat mo..tumor daw pala yun sabi ni tita. Nagstart ka na rin ata nun magpa chemotherapy. Sabi pa nga ni tita, sya naggugupit ng buhok mo tapos ayun, di pantay pantay. haha.. Sabi nga nung doctor mo ok lang daw yun kasi mauubos naman yan pag nag pachemo ka. Nakapagbiro ka pa daw na, "Paalis ko nalang kaya lahat ng buhok ko? Gusto ko kasi pagtubo straight na!" Nakakatawa ka, sobrang bitter mo pala sa buhok mong kulot? :D

Then, yung nagpalit daw kayo ng hospital, hindi maganda yung pagkakaopera ng tuhod mo kasi sobrang laki ng tumor eh, di naman nila inayos. Sabi mo pa daw di maganda pakiramdam mo dun sa Children's hospital kasi after ng operation hindi ka makakain di tulad dun sa doctor mo sa De La Salle. Seriously? pagkain parin? haha..

Kwinento ng mommy mo nung nag papamedication ka, hindi ka na nakakalakad tapos sya na yung nagpapaligo sa'yo kasi di mo na kaya mag-isa. Mejo, ayaw mo pa nga daw magpapunta ng classmates sa inyo kasi di ka naman makalakad sabi mo. Nagsisisi talaga ako na hindi kita nadalaw noon. But I think hindi na yun importante ngayon.

Pero madalas ka naman daw mag kwento kay tita tungkol sa friends mo. Nung hindi niya pa nga ako namimeet akala nia korean din ako tulad ni Seong Min. haha!

Pero ang saya ng mommy mo nung kinukwento niya na after ilang medication at nung pinaoperahan ka na uli sa De La Salle, nakalakad ka na uli. Yun nga lang, sa laki ng sugat mo, nagbleeding ka, sinalinan ka ng 4 bags ng dugo.

It was around July nung nakakalakad ka na uli. Nagpapahabol ka pa kay Tel tapos sabi mo pa kay tita, kaya mo na maligo mag isa.

August naman nun, kakasimula palang ng klase and 1st periodical examination na namin. Nagpipilit ka daw magpaenroll, sabi mo daw makakahabol ka pa basta makabasa ka lang ng notes..iba talaga pag matalino. tsk..haha! Pero syempre, di pumayag si tita, sabi nia sa susunod nalang pag fully recovered ka na. Tapos, bumabagyo pa noon.

Sadly, dahil sa complications and pneumonia, sinugod ka sa hospital.

I can feel na masaya na talaga si tita ngayon.

Kapansin pansin yung extra care niya kay Tel at kay Kuya Herick.

Thankful din si tita na, hindi ako nakakalimot.

Sus! Ako pa..bestfriend kaya kita. :)

Thankful ako na naging kaibigan kita.

PS: Graduating na nga pala ako. Nagpromise ako sa'yo na mag-aaral ako ng mabuti. Here it is! :)

Parehas nga pala kami ni Seong Min ng course, Psychology. Nauna lang grumaduate yung mokong! Yung promise ko sa'yo, madaling tuparin eh..yung forced na pinapromise ni Seong Min sa akin, mejo tagilid ako dyan..haha! 

'Till here,

Perona.

Letter to a friend..Where stories live. Discover now