Simula

242 9 2
                                    

This is it! Sorry at ngayon ko lang ito na post. I need more feels pa kasi at some sort of experience...stories na makukunan ko ng aral at inspiration. So salamat sa matyagang nag-antay. Sorry pero expect slow update(Andami kasing on-going,'yan tuloy. Haha). Again I'm so sorry pero pramis worth the wait naman.

-------------------

Simula

Tumunog na 'yung busina,hudyat na dapat ay gumising na kami para sa aming devotion time. Dito sa oras na ito ay magtitipon-tipon kaming mga ka-grupo para e-meditate ng masinsinan ang kahit isang bersikolo sa bibliya. At isa-isa naming ibahagi ang natutunan namin dito. Kahit na antok na antok pa ako ay pinilit ko nalang na imulat ang mga mata ko para hindi kami mademiretan...para sa panalo ng grupo namin.

Youth Camp namin ngayon. Pagkatapos kasi dun sa Mission Life Conference ay may pastor na namang nag-imbita sa amin sa annual youth camp nila at sakto naman at may nagfinance kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon.

Ito ang ikalawang beses na sumali ako sa camp. At alam ko...mahalaga sakin ang mga actibidad na ito dahil dito ako namulat sa lahat. Dito ko napagtanto ang lahat ng sinabi sakin ni Donah....lahat ng sinabi ng mga misyonaryo...lahat ng sinabi ng Nanay sakin ay totoo. Na may Diyos.

Lingid sa kaalaman kong ma-eenjoy ko talaga 'tong camp na ito dahil syempre...may mga palaro...may mga catcalls na mas nagpapabibo sa amin.

Pero ang nasa isip ko nalang ngayon ay gusto kong makarinig muli ng mensahe...gusto ko pang muling matuto...gusto ko pa muling marinig ang gustong iparating ng Diyos sakin..kung tama ba talaga itong desisyon na gagawin ko magmula noong Mission Conference.

"Pare-parehong oportunidad ang binigay ng Diyos sa atin. Kagaya ng kila Caleb,Joshua at sa mga nalalabi pang sampung ispiya. Pare-pareho silang binigyan ng Diyos ng opportunidad na makuha ang lupang pinangako, ang Canaan. Pare-pareho silang biniyayaan. Kagaya rin 'yan sa pagserbisyo natin sa Panginoon. Pare-pareho tayong binigyan ng opportunidad na tumulong financial,intellectual...o educational man. Pare-pareho tayong makatulong sa iba't-ibang paraan....pero sa likod nitong mga opportunidad hindi parin natin makaligtaan na may haharang sa atin...hindi talaga natin maiiwasan ang nga serkumstansya. Noong nag-ispiya sila sa lupang pinangako...tama at nakita nila na maganda talaga ito..it was flowed with milk and honey..means..it's rich with cattle and plants..o flowers. Pero sa likod non nakita rin nila na ang hirap makuha ang lupa kasi nandoon ang mga kalahi ni Anak na mga malalakas na higante. Kalahi nina Goliath. Kaya sabi ng sampung ispiya,hindi natin ito makakaya. Hindi natin makukuha ang lupain."

Tinutok ng Pastor ang paningin niya sa aming mga young people.

"Just like serving God,marami talaga tayong mga kalaban in any manner of things. It maybe our family...friends...our sin na bumabagabag sa'tin na huwag maglingkod dahil nababahala tayo dahil nagkasala tayo sa Kanya. The world....na humahagit sa'tin sa mga bagay bagay para hindi natin matuonan ng pansin ang paglingkod sa Panginoon. And lastly,ourselves..our flesh. We want to serve God...I want to serve God more and more sabi natin. But our flesh wasn't. Gusto lang nitong matulog o maglibang sa ibang bagay and that's because our greatest enemy is around us! Satan is in everywhere! And it's up to us if we bite temptation. It's up to us if we choose that way. We need to stand! We need to fight for what is right,what's the will of God because His will is what's only good for all of us." Bumuntong hininga siya at nagsimula muling e-storya 'yung pangyayari sa sampung ispiya na walang paniniwala't pananalig sa Panginoon. Na may iba't-ibang opinyon..na hindi natin makakaya iyon dahil ang hina-hina natin...wala tayong kawala sa mga higante na iyon. Na matatalo lang tayo...kaya't mabuti pa't tigilan nalang natin ito ....Pero makita rin natin ang pinaglalaban nina Caleb at Joshua. Na kahit sa mga malalaki at malalakas na mga matatapang mga taong iyon ay makakaya parin nilang makuha ang lupang ipinangako. Kung bakit? Dahil mas malaki,mas malakas at mas makapangyarihan pa ang Diyos kaysa sa kanila. At pagsinabi ng Diyos na makukuha natin iyon. Ay makukuha talaga natin sa grasya Niya.

"Minsan kasi sa buhay Kristiyano natin patuloy lang tayo sa pagiging ordinaryo. Simba. Pero pag-apak palang palabas ay balik uno na agad. Huwag sana dapat tayo ganyan. We must not remain with the majority Christians na walang ni isang pagbabago. Makarinig sa preaching pero ipalabas lang pala sa kabilang tenga. We must aim that we want our lives to be above that! To be above an ordinary Christian. Hindi parehas sa sampung ispiya na pagtingin agad sa mga serkumstansya ay walang nagawa kundi nagkibit-balikat samahan pa ng buntong hininga nalang. They stayed with unbelief!...they've a lack of faith! Sana'y hindi ganyan ang outlook natin. As Christian,God must be the center of our everything! Not the pastors...not the member sa church...kasi pagnagkasala 'yan one time. Pati tayo,bagsak rin kasi nakatuon ang pansin natin sa kanila. Huwag natin ibase ang ating sarili sa kanila. Don't follow our steps through them! Because we're all unrighteous!Dapat si God lang 'yung sentro sa ating sarili. Because if you look upon God,everythings perfect. We'll be like His likeness if ever."aniya.

"And again,its in our own hands if we remain with the majority Christian na para lang chameleon na kung nasa mundo ay doon rin sa mga bagay o mga actibidad sa mundo at kung nasa simbahan ay nasa simbahan lang... or we'll rise above the ordinary. Christians, One way we grow,we must stand courageously. Little by little. Inch by inch."

"Are you ready to surrender  your all to God? Are you ready to serve Him more and more? Are you willing to give it all to him? .....Are you willing to say that...Lord,whether where you want me to go..whether what you want me to do. I'm willing. Because,I want...to climb...above....the...ordinary."

Hindi ko lubos maintindihan sa mga oras na 'yun ang sarili ko. Nangyari narin 'to nung Mission Life Conference. Pero may pag-alinlangan parin noon...Ang bilis ng tibok ng puso ko,nanindig ang mga balahibo ko sa imbitasyon ng Pastor at sa pagtugtog nung pianist ng I Surrender All.. At hindi ko alam kung bakit pilit nalang tumulo 'yung luha sa mata ko. Para bang may bumubulong sakin..Parang ang lahat ng sinabi ng Pastor...ay may pinahihiwatig sakin.

At doon ko lubos na napagtanto ng Panginoon sa akin na oo,totoo 'yung mga pulong na iyon sa Mission Life Conference,na totoo na...isuko lahat ng oras,para sa paglingkod sa Kanya.

At kung iyon ang gusto mo Panginoon,handa ako.

"Pastor Matt....gusto ko pong maging Pastor."

Kaya ako nagdesisyon. Buo na talaga ang desisyon kung ito.

Ngumiti si Pastor Matthew at agad akong kinamayan.

"I will help you Raymond. I will help you. And I'm sure...na in the end,worth it 'tong desisyon mo na 'to.".

At ako ngayon si Raymond Buenaventura.

Nakatayo na harap ng  eskwelahan na papasukan ko.

Ang bible school.

-------------------

Just wanna clear things out sa sequence ng events. Remember dun sa "Wakas" ng MCL na Mission Life Conference nagsurrender na si Raymond kay Lord? Pero bear in mind na nagjump up agad ako sa pagbahagi niya sa desisyon niya kay Pastor Matt. Yes, this is a hidden scene.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Keep the Faith (MCL #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon