TSONG! (1)

110 16 10
                                    

Tanghalian na at ang magkakaibigang sina Kaitlyn, Ivan, Nate at Geo ay napagdesisyunan na kumain sa McDo.

"Uy! Free Chicken McDo para sa mga may pangalang Joy! Buti dala ko ID ko ngayon haha!" Biglang sabi ni Kaitlyn/KJ.

"Oh edi ikaw na!" Sigaw naman ni Geo.

"Hoy KJ! Akala ko manlilibre ka?" Tanong naman ng mas malapit niyang kaibigan sa grupo na si Ivan. Sumang-ayon naman sina Nate at Geo.

"Hehe next time na lang, bili na lang kayo ng sarili niyo. Hahahaha!!!" Sabi naman ni KJ. Sabay sabay nilang binatukan ang kanilang nag-iisang babaeng kaibigan.

"Aray! Hoy mga pota! Tumigil nga kayo! Gusto niyo bang makatikim sa akin?!" Sigaw ni KJ sa mga kaibigan niyang lalaki sabay taas ng kaniyang kamao.
Hindi na umimik ang tatlong lalaki dahil alam nilang mas malakas sumuntok si KJ sa kanila.

Pagkatapos mag-order ang magkakaibigan, wala silang mahanap na bakanteng upuan. Ngunit mayroong isang lalaking nakaupo malapit sa bintana sa pang-anim na taong upuan.
Lumapit agad si KJ sa lalaki at sumunod naman ang tatlo.

"Uhh, excuse me. Pwede makiupo? Puno na kasi eh," tanong ni KJ. Iniangat ng lalaki ang kaniyang ulo at biglang lumaki ang kaniyang mga mata, ganoon din si KJ. Ngumisi si KJ at mas natakot ang lalaki.

"Ano? Uusog ka o kakaladkarin kita palabas?" Nakakatakot na tanong ni KJ. Sumunod ang lalaki at siya'y umusog.

"Susunod din pala eh," sambit ni Ivan at umupo na ang apat na magkakaibigan.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, biglang tumayo ang lalaki.

"Hoy lalaki! Saan ka pupunta?" Tanong ni Nate.

"May pangalan ako," mahinang tugon ng lalaki.

"May sinasabi ka?!" Galit na tanong ni Geo.

"Wala," sambit ng lalaki at dali-daling lumabas ng McDonald's.

"Hoy! Hindi ka pa tapos kumain!" Sigaw ni KJ nang makaalis na ito.

"'Di ba siya 'yung binully mo noon KJ?" Tanong ni Ivan.

"Oo," maikling tugon ni KJ.

"Alam niyo, dapat natin siyang kaibiganin," biglang sabi ni KJ.

"Huh? Bakit naman," tanong ni Geo.

"Wala lang. May tinatagong ganoon pala 'yang lalaking 'yan."

"Anong 'ganoon'?" Sabay sabay na tanong ng tatlong lalaki.

"Basta," maikling sagot ni KJ at nagpatuloy sa pagkain.

Tumahimik na lang ang kasama niyang nga lalaki at nagpatuloy sa pagkain.

•×•

Hi haha. Wala lang. Haha. So maybe vote? Please?

Geh

TSONG! (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon