TSONG!(2)

89 9 6
                                    

Matapos kumain ang apat, dali-dali na silang bumalik sa paaralan dahil pakiramdam nila ay leyt na sila.

Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pagtakbo, tumigil si KJ dahil sa anyong nakita niya. Isang lalaking nakatalikod na may hawak na sigarilyo.

"Hoy, KJ! Tara na! Leyt na tayo!" Sigaw ni Nate.

Ngunit, dahil sa pagsigaw ni Nate, binagsak ng lalaki ang kaniyang sigarilyo at ito'y tinapakan. Lumingon siya sa pinanggalingan nina KJ, Ivan, Nate at Geo at saka itong tumakbo.

Bumalik si KJ sa kinaroroonan ng kaniyang mga kaibigan.

"Oh? Problema mo at bigla mong sinundan 'yung lalaking 'yun?" Tanong ni Nate.

"Naninigarilyo pala 'yun," mahinang sabi ni KJ sa sarili.

"Ano?" Tanong ni Nate muli dahil hindi niya ito narinig.

"Wala," tanging sagot ni KJ sa kaniyang kaibigan.

•×•

Pagkatapos ng klase, agad ng lumabas ang KINGs dahil pinapatawag sila ng kanilang guro.

"Kaitlyn, Ivan, Nate and Geo. Dahil late kayo kanina, kayo ang magiging representative ng school natin para sa 'Battle of the Bands' sa Sabado.

"Pero dahil apat lang kayo, may kasama naman kayong isa pa," pagkasabi naman 'nun ni Ms. Gomez ay dumating na ang magiging kasama nila.

"Ma'am, sorry po. Late ako," sabi ng isang lalaki.

"It's okay Sean. Come nearer," sagot naman ng guro.

Lumapit naman si Sean at lumingon ang apat na magkakaibigan.

"IKAW?!" Sabay-sabay na tanong nina KJ.

"Oh? Mukhang magkakakilala na kayong lima. Mamaya, gamitin niyo ang Music Room at doon niyo pag-usapan ang kantang kakantahin at tutugtugin niyo. And starting this week, excused kayo para mag-practice," sabi ni Ms. Gomez.

"Questions?" Dagdag pa nito.

"Ma'am paano po 'yung acad namin?" Tanong ni Geo.

"Kami na ang bahala," sagot naman niya.

"Questions? Wala? Okay, you may now go to the Music Room," utos ni Ms. Gomez

Agad namang umalis ang lima at nauna ng naglakad ang KINGs habang si Sean ay nasa likod lamang nila at tahimik na naglalakad.

{PLAY: 7 Years NOW} Pagdating sa Music Room, agad na umupo sa couch ang apat habang si Sean ay nakaupo sa harap ng piano. At nagsimulang tumugtog ng isang kanta.

Once I was seven years old, my mama told me,
"Go make yourself some friends or you'll be lonely."
Once I was seven years old

Tumaas agad ang mga balahibo ng apat nang marinig ang mala-anghel na boses ni Sean.

It was a big big world, but we thought we were bigger
Pushing each other to the limits, we were learning quicker
By eleven smoking herb and drinking burning liquor
Never rich so we were out to make that steady figure

Once I was eleven years old, my daddy told me,
"Go get yourself a wife or you'll be lonely."
Once I was eleven years old

Nagulat ang apat dahil hindi nila inaasahang ganito kagaling si Sean sa pagkanta.

Tumayo si Nate at sinimulang tugtugin ang drums.

'Parang narinig ko na ang boses nito ah,' sabi ni KJ sa loob ng kaniyang utak habang nakikinig.

Nasiyahan ang apat sa boses ni Sean.

Sumabay na rin sa pagkanta ang iba.

Habang kumakanta, isang memorya ang biglang pumasok sa isipan ni KJ. Isang batang lalaking naglalaro ng piano habang may kasama siyang batang babaeng kumakanta.

"TSONG?!"

•×•
Haha deym. Vote? Comment? Kayo na ang bahala :)

TSONG! (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon