this story is partially true.
medyo lang naman.. pero mas marami ang gawa gawa ko nalang diyan.
haha XD hope you'll enjoy reading it.
--
Empi Lights~
“Party is over! Overnight sa house?? Sinong in?” pagyayaya ni Chan
Kakatapos lang kasi ng JS Prom nila at 12 midnight pa lang kaya naman hyper pa ang mga ito.
“In kami diyan!” sagot ng lahat.
Nalipat naman ang tingin ng lahat kay Tine.
“a-ah, hehe. Di ko pa sure eh. Tatawag muna ako samen” pagrereason out niya naman
“ osige. Dalian mo ate! “ excited na sabi ni Melay
Nginitian niya lang ito at nag-umpisa ng tumawag sa kanila.
“Galingan mo pagpapaalam mo ha! Andun din kaya si Angelo” makahulugang panunukso naman ni Margaux kay Tine
Natawa naman siya sa kaibigan. Pilya talaga ito kahit kalian. Ang kanyang mga girlfriends (particularly, Margaux, Kath at Melay) lang ang nakakaalam ng lihim niyang pagkagusto kay Angelo. Di niya naman mapigilang ma-excite sa nalaman. Matagal na siyang may gusto sa binata pero hanggang friendzone nalang yata talaga sila. Nalungkot naman siya sa naiisip.
“Hoi Tine, bilisan mo na. Magpaalam ka na sa mama mo ng makaalis na tayo” pagmamadali sa kanya ni Kath
“Eto na nga eh, tinatawagan ko na. Wag kayong maingay.” Sagot niya naman ditto.
“Ate, una na kami nila Emond ha? Sunod nalang kayo” pagpapaalam sa kanila ni Melay.
Si Emond na tinutukoy ng isa sa mga girlfriend niya ay ang hot na hot na boyfriend nito. Sa kanilang apat, eto lang ang may boyfriend. Sinong mag-aakala na sila pa ang napag iiwanan? At si Melay na turing naming lahat ay bunso naming magtotropa ay siya pang luma-Lovelife ngayon.
Hayy.. si Angelo kasi ehh. Kung ako nalang sana nililigawan niya.. edi sana may lovelife na din ako? Haha. Charot lang!
“Osige, Kuya Emond, ingatan mo yan huh!” paghahabilin niya dito.
Tango lang naman ang sagot nito sa kanya.
Pagkaalis ng mga ito ay sinubukan niya ulit na tumawag sa bahay nila para makapagpaalam. Pagkatapos siyang payagan ay excited niya ng niyaya ang mga girlfriends niya.
Pagkadating nila ay naabutan nilang nagdedebate sina Angelo at Ryan