Daphne's P.O.V
It's been three years simula nang maghiwalay kami. Kung naka move-on na ba ako? Ewan. Oo. Ata.
Well,naging mahirap para saakin. Hindi ko alam kay Denver. Dalawang araw ang nakalipas ng paghihiwalay namin,nakita ko sila ni Grace na magkasama. And he even kissed her. Hhmm,yeah. Saklap nga. Pero,eto ang pinili ko. Eto ang desisyon ko. I need to face this consequences.
Napangisi nalang ako sa naalala ko.
"You're better off without me."
Yan ang pinakahuling sinabi ko sakanya. At,tama nga ako. Naging mabuti siya nung wala ako.
Siguro nga sila talaga ni Grace.
"You're crying again." napalingon ako dun sa nagsalita. Si Clifford pala.
Pinunasan ko yung mga luha ko sa mukha ko. At tumingin sakanya, "Sorry." sabi ko at ngumiti. Lumapit siya saakin at ngumiti.
"I think,you need to move-on. It's been three years,Daphne." sabi niya.
"But…how? Siya parin eh." sabi ko at humagulgol na.
Bigla namang may sumipa dun sa pinto. Tinignan namin kung sino, si Anne pala.
(A/N: Daphne! Kilala mo na kung sino yan.)
"UMIIYAK KA NANAMAN?!" tanong ni Anne at lumapit saamin at umupo sa tabi ni Clifford. Psh,palibhasa masaya na sila sa relasyon nila eh. Buti pa sila masaya. Eh ako?
"Wala eh,ganyan nalang daw palagi niyang gagawin." sabi naman ni Clifford. Nagtinginan naman sila at biglang tumawa. Natawa din naman ako. Mabuti na yung nandito sila para naman mag recess ako sa kakaiyak.
Bigla namang umakbay si Clifford kay Anne.
"DAKILANG HOKAGE!!!" sabi ko at tumawa. Nakita ko naman si Anne na namula kaya hinampas niya si Clifford sa braso. Napakamot naman sa batok si Clifford.
"Inggit ka lang kasi." sabi ni Anne. And that hits me. Napangiti nalang ako ng pilit.
"Bakit di mo siya kausapin?" sabi ni Anne. Psh,palibhasa,kaibigan niya rin si Denver.
"Ayoko na siyang guluhin. Masaya na siya kay Grace." sabi ko na nakapagpataas ng kilay ni Anne.
"Sigurado ka bang sila?" sabay nilang sabi. Nagkatinginan nanaman sila at nag-apir sabay sabing 'jinks'.
"Oo." agad kong sabi.
"Alam mo,di mo pwedeng pangunahan yun. Dahil,nakita mo lang naman sila eh." sabi ni Anne.
"Tama siya." singit naman ni Clifford. Sinamaan naman siya ng tingin ni Anne kaya tumahimik nalang siya sa isang sulok at nag cellphone. Nagbabasketball nanaman ata siya.
"Pero,palagi na silang magkasama. Para bang nagd-date." sabi ko.
"Porket magkasama palagi sila na? Porket magkasama palagi nagd-date na?" sabi niya.
"May mga bagay kasi na kinakailangan mo ng pangunahan para maihanda mo na rin ang sarili mo at di na masaktan." hugot ko naman. Ngumisi naman siya.
"At may mga bagay na kinakailangan na wag pangunahan para di masaktan. Dahil sa nakikita ko sayo ngayon, nasasaktan ka dahil pinapangunahan mo lahat." sabi naman niya. Napahinto naman ako. Psh,palagi nalang akong talo sakanya pagdating sa paghugot. Edi siya na! Siya na ang 'hugot queen'.
"Magusap kayo. Ayusin ang di pagkakaintindihan. Kahit na,di maging kayo ulit,okay lang. Basta malinawan lang kayong dalawa." sabi pa niya. Niyaya na niya si Clifford na umuwi. Oo,magkasama sila sa iisang bahay. Pero alam naman nila ang di dapat at ang dapat gawin. Di pa daw sila siraulo para gumaya sa mga kabataan ngayon. And I'm so proud of them.
![](https://img.wattpad.com/cover/70711273-288-k119905.jpg)
BINABASA MO ANG
Lumayo kana saakin! (One-shot Story)
Novela JuvenilThis is the part 3 of 'Mahal kasi kita!'. Hope you like it. Part I: Mahal kasi kita! (One-shot Story) Part II: Ayoko Na! (One-shot Story) Part III: Lumayo kana saakin! (One-shot Story)