INTRODUCTION <3

397 3 0
                                    

PRESENT :

 ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~

Event: Grand Alumni Homecoming of St. Beatriz Academy, Batch of 2001-2002 after 10 years.

Place: St. Beatriz Academy, Function Hall

Date and Time: December 14, 2012, 4pm.

SEE YOU THERE BATCHMATES!

 ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~ ~O~

JV/June Venice’s POV

Yaan ang nakalagay sa tarpuline na nakasabit sa alumni school ko pagdaan ko dito. Grabe hindi ako makapaniwala, 10 years na pala yung nakakalipas since naka graduate ako ng high school sa SBA.

Ngayon, Isa na akong Flight attendant  sa isang kilalang Airline. Sa totoo lang hindi ko naman talaga gusto at hindi ko talaga inakala na magiging stewardess ako ngayon. Ni hindi ko nga yun pinangarap nung Highschool ako eh!

Ang gusto ko talaga ay maging DJ sa radio or di kaya maging news caster kasi nga madaldal ako. But naisip ko na mahirap ang pera sa course na MASSCOM pag yun yung pinili ko. So I chose to take up BS Tourism.

So ngayon nga ay sampung taon na yung nakakaraan simula nung matapos yung graduation namin. Sa totoo lang para sakin ay highschool life talaga ang the best dahil dun ko naranasan lahat. Umiyak, tumawa, ma-depressed, magkaroon ng kaibigan na hanggang ngayon bestfriend ko pa din, at higit sa lahat ang ma-inlove.

My god? Ang astig. Ten years na pala yung nakakalipas since nung 4th year ako. Grabe ung mga kabaliwan na ginawa ko noon para lang sa love na yan.

Pero anung nangyari? Hay ayun! Napahiya lang ako at wala na kong mukhang maihaharap sa lalaking yun. At magpasahanggang ngayon eto loveless parin ako.

Actually nagkaroon naman ako ng boyfriend, dalawa. Nung 2nd year college ako atsaka dun sa una kong trabaho bilang staff sa isang travel agency. Kaso nga lang panay saglit lang yung mga yun.

Ewan ko ba, kasi siguro wala talaga akong maramdaman dun sa mga lalaking yun. As in walang spark, walang kilig. Wala yung mga pakiramdam na naalala ko dun sa lalaking yun 10 years ago.

Kaya ayun, panay waley yung mga relationships na pinagdaanan ko. So ngayon 25 years old na ako, heto single at ready to mingle pa rin ang status ko. Hahahahah. >:D

Actually ang dami ng pinagbago simula nung high school ako. Noon kasi as in wrong grammar talaga ako pero ngayon kaya ko ng makipagsabayan sa mga inglesera at mga kano.

Nagamit ko naman yung pagiging madaldal ko sa pagiging flight attendant eh. Kasi sabi nung ibang passengers namin eh bubbly daw ako and cheerful. So ayun pag may pupuntahan na destination or mag o-out of the country ung mga passengers na nagiging ka-close ko, syempre sa airlines na namin sila sumasakay.

Masaya naman ako ngayon sa buhay ko. Nabigyan ko na ng resthouse yung mama ko, kasi kahit noong nagsisimula palang akong magtrabaho, tinitipid ko na talaga yung sarili ko at nagiipon na ako para mabilhan at mapagawaan ko na ng resthouse yung mama ko.

Ngayon nga ay may ipon na rin ako, ang kulang na lang talaga ay magkaroon ako ng jowa at eventually magkaroon ng asawa. ^_________^

Pero teka. Aish. Homecoming na namin, aatend kaya ako? Bakit kaya wala man lang ako kaalam alam na may reunion pala kami. Wala man lang sinasabi sakin yung bruha kong bespren porket enjoy lang siya sa buhay niya ngayon! Nagkita kasi ulit sila nung long lost sweetheart niya nung HS eh!

Alumni Homecoming (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon