Woman's Instinct

89 5 2
                                    

by: Arbiter

Hi GAYN people! First time ko 'to sa confession hall so please be good to me. Please?

Dear Ate Bank Teller;

Magkasabay tayong nag-aabang sa Gil Puyat station, out of the blue ay kinausap mo ako "Ang bulok talaga ng gobyerno! LRT na lang hindi pa maayos."

"Ate bumili ka ng helicopter mo." sabi ng cynical kong utak.

"Ganoon talaga, okay lang masikip basta makauwi ng maayos." sagot ko sa reklamo mo.

Ngumiti ka sa akin at sinabi mong, "Kapag si Duterte ang nanalo titino yang mga pasaway sa gobyerno."

Nagulat ako sa subtle campaigning strategy mo. Okay naman sa akin si Digong kaya ngumiti ako sa'yo, senyales na end of convo na.

Wala na din naman tayong dapat pag-usapan. Baka mamaya ay isali mo pa ako sa kung anu-anong MLM schemes. (Power!!!)

Noong may dumaang tren ay kanya kanya na tayo pero tignan mo nga naman ang mapaglarong universe. Tayo pa din ang magkatabi sa sulok.

Napuno pa lalo ang tren pagdating sa Quirino at Pedro Gil. Halos gawin ko ng pancit ang buhok mo sa dahil sikip, ngunit nagulat ako dahil "like a boss" kang sumandal sa harap ko.

Aaminin ko Ate Teller, ang awkward ng unang 10 seconds. After that ay nag-enjoy na ako. You turn me on with your sweet scent especially when your butt is grinding mine.

Naramdaman ko na medyo nagulat ka noong nagising ang nahihimbing. Sa kabila noon ay hindi ka lumayo sa akin so tuloy ang ligaya.

Pagdating sa Doroteo Jose station ay lumuwag na ang tren. Lumayo ka ng kaunti sa akin pero after a while ay dumikit ka ulit na parang may relasyon tayo.

Aaminin ko ulit na iba na ang nasa isip ko, at alam ko na ako ang dapat na mag initiate nito. So first thing first - Time Check!

Dinukot ko ang aking cellphone sa bulsa upang kalkulahin ang oras. Habang ginagawa ko iyon ay may nagtext.

"Hi mahal! Uwi ka agad ha, huwag ng dumaan kung saan-saan, gabi na. Love you."

I was like "What sorcery is this!?"

What happens next?

Secret.

Woman's instinct...really scary.

• Happened last 3/28/2016 8:40PM
• LRT Northbound Lane/GP-MN

GAYN CONFESSIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon