How Do I Stalk?

102 6 6
                                    

Yes, I confess. Isa akong certified stalker sa mga taong sobrang nakakakuha ng atensyon ko ng hindi nila alam. So beware.

Okay, I have this attitude na, kapag ginusto ko, either kusa iyong ibibigay sa akin or ako ang gagawa ng paraan para makuha ko yun kahit sa anong paraan. Lumaki ako na isang spoiled, stubborn brat, kaya hindi na iyon mawawala sa pagkatao ko.

One time, napagtripan kong magbasa ng isang compilation ng confession sa watty para maiba naman. Entertaining naman yun. Ang daming reads and comments.

Pero habang tumatagal ako sa pagbabasa. May isang commentator na nakapagpapukaw ng katawang lupa ko. Simula umpisa, hanggang matapos ang book na yun present siya sa mga comment. Magaling siya mag-payo para sa mga nagko-confess. Parang ang lawak-lawak na ng experience niya sa buhay. Daig niya pa si Papa Jack mag payo, promise!

Dahil doon, marami na ring nagkaka-crush sa kanya at isa na ako doon. Feeling ko nga yung iba nagko-confess lang doon para magpapansin sa kanya at syempre super kilig pag nag comment siya. Hanggang hindi naglaon, isa na ako sa mga milyon-milyon niyang abangers. Minsan hindi ko na binabasa ung confession. Direkta agad ako sa comment at hahanapin ko comment niya.

Parang tanga lang, hindi ko alam kung bakit pati ako kinikilig na sa mga payo niya kahit tiga basa lang naman ako. At kapag di siya nagcomment, kulang ang buhay sa confession book na yun. Damn lang talaga! Hindi ko namamalayan na naaadik na ako sa kanya.

Okay he's a guy. A hunky one. Pang pornstar ang katawan. Bakit ko alam? Kasi, ladlad ang katawan niya sa profile pic niya sa watty. Pero nakatago ang mukha. Pa mysterious effect pa ang lolo niyo. Pero dahil doon, mas lalo akong nacurious sa kanya.

I love challenges kaya dagdag point yung pagiging misteryoso effect niya. At syempre, malupit din akong stalker. LOL. Dinaig ko na ata si Detective Conan sa pag stalk sa kanya. Ganoon ako kapag interesado akong ipatumba ang isang tao. Keme lang!

Kinalkal ko ung watty account niya. Inisa-isa ko yung following at follower niya. Binasa ko ung story niya. Ung activity niya, pati na rin conversation di ko pinalampas. Damn! Sobra niya talagang nakuha ang attention ko. At infairness, ang galing niyang magtago. Kaya mas lalo akong nanggigil.

Hangad ko lang naman kahit isang picture niya na hindi nakatago ang mukha niya. Para matahimik na ang katawang lupa ko. Pero wala talaga. Nag eexpect na kasi ako na super gwapo niya dahil sa katawan niya pa lang ulam na. Paano pa kaya yung mukha niya?

Sa sobrang pagka desperada ko, sumali pa ako sa mga sinalihan niyang book club para lang ma stalk siya. I know, dinaig ko pa ang psycho sa ginagawa ko. LOL.

Akala ko, maglalapit na ang mundo namin pero nalaman ko na hindi na pala siya active doon. Fuck lang talaga! Pero hindi pa rin ako tumigil. Super challenging talaga siya, chong. Daig pa ang pabebeng palaka kong magpakipot sa mga information.

Plus, Umatake na ang ugali ko na, 'What Baks wants, Baks gets.' Sooorrrry! Matakot ka na pag ikaw ang pinag interesan, ko. Gagawin talaga kitang key chain! LOL! Keme lang.

Itinodo ko na ang powers ko ng hanapin ko siya sa fb world. At hindi naman ako nahirapan dahil na connect ko siya sa fb. At doon na natapos ang pag stalk ko sa kanya.

Naka tago rin ang mukha niya sa DP niya pero syempre gumawa uli ako ng paraan para makita ang mga picture niya kahit naka private account siya. And viola! I see him.

May itsura naman siya kaya lang nag expect ata ako ng masyadong mataas ung tipong pang mighty Thor na ang looks dahil pang pornstar na ang katawan but sadly hindi. Kaya super akong nadisappoint.

Me like, "okay, move on! Back to reality. NEXT!" LOL!

GAYN CONFESSIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon