*Kriiiiiiiing*
Hay salamat! Uwian na! Susunduin ko na si Mark!
Dali-dali akong pumunta sa silid ni Mark. Nang malapit na ako sa kwarto niya ay nakita ko sya sa hallway na may kahalikang babae.
"Bakit ganito? Bakit ang sakit? Bakit ako naaapektuhan? Hindi. Mali 'to. Hindi dapat mangyari 'to."
Nakita ako ni Mark at agad na itinigil ang kaniyang ginagawa. Napatingin naman saakin ang babaeng kahalikan niya.
"Mark sino siya?" Sabi nung babae.
"Bitaw na nga!" Ani ni Mark. Agad namang natakot yung babae at agad na tumakbo palayo."Shane, andiyan ka na pala."
"Ah, oo susunduin sana kita. Kaso parang busy ka naman eh."
"Ha? Hindi! Mali ka ng iniisip Shane! Siya yung unang humalik saakin! Bwisit naman oh!" Sabi ni Mark ng pasigaw.
"Oh bakit parang offensive ka yata? Haha ito naman! Parang hindi na ako nasanay sayo. Nako nako! Ikaw pa ba? Halos lahat na ata ng babae dito sa campus ay nahalikan mo na."
"Oy! Grabe ka ha? 'Wag mo namang lahatin. Hindi pa nga kita nahahalikan eh." Sabi niya ng pabulong."Huh? Ano yung sinabi mo? Bakit palagi ka nalang bumubulong ha? May masakit ba sayo?"
Teka bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?"Sus. Sabi ko alis na tayo. Gagabihin na tayo oh!"
"Hindi eh! May sinabi ka!!"
Iba talag sinabi niya eh! Nararamdaman ko yun. Eh bakit ba gustong-gusto ko malaman yun? Teka? Hindi naman ako inlove ah? Wag mong sabihing inlove ka na Shane! Nako lintik!!"A-a-alis na n-nga tayo". Sabi ko
Habang nag lalakad kami palabas ng school ay nakita namin sina Dave at Draveyn. Kaya tilian na naman ang mga fans nila.
"Kyaaah! Papa Daveee!"
"Draveyn!!!! Pansinin mo ako!!"
"Dave smile naman diyan!"
Agad namang nag smile si Dave dahil sa kanilang dalawa ay mas friendly si Dave. Samantalang si Draveyn naman ay suplado, minsan nga lang makipag-usap yan sa tao.At nang dumaan kaming dalawa ni Mark ay may nag tilian bigla.
"Kyaaaa! Si fafa mark"
"Omg girls si Mark our labs andyan na!"
"Eww. Bakit kasama niya yang girl na yan".
"Pasimpleng landi kay Marky. Higad talaga yan! Kainis""Oi Mark! Pansinin mo naman yang mga 'yan oh!"sabi ko.
"He! Ayoko nga! Nilait ka nga eh. Teka sandali lang." Sabi ni Mark at umalis sa tabi ko at pumunta sa mga babaeng ng insulto saakin."Kyaaaah! Pa punta dito si Mark! Liligawan niya na ako!!!"
"Hoy! Ako siguro ang liligawan niya! Asa ka naman! Ang pangit-pangit mo kaya!"
"Hoy mga asyumera! Saakin pupunta 'yang si Mark no!""Uhmm. Excuse me girls" sabi ni Mark ng nakangiti.
"Kyaaah! Pinansin tayo ni Mark."
"Waaaah! Mahal niya na ako!""Sana naman kapag kasama ko ang bestfriend ko ay sana naman huwag niyo siyang pag-salitaan nga masama nakakasakit na kasi kayo at nasasaktan din ako dahil mahalaga na siya saakin" sabi ni Mark ng mahinahon.
"Eh sa totoo naman yu--"
"Hep! Diba sabi ko tama na? Dahil hindi naman totoo 'yan eh! Sa totoo nga tibo yan eh! Hindi niya lang inaamin" sabi niya ng pabulong doon sa huling litanya."Hoy narinig ko yon! Hindi ako tibo! Loko to oh!" Sinigawan ko siya habang tinitingnan siyang makipag-usap sa mga babae.
"Oh diba sabi ko sainyo eh! 'Wag na kayong mag-alala kayo lang ang mga fangirls ko. Group hug tayo dali!" Sabi niya ng masaya.
Habang tinitingnan ko silang nagyayakapan ay nakaramdam ako ng saya sa puso ko dahil ipinagtanggol niya ako. Parang nalulusaw ang puso ko kapag ngumingiti siya at nawawala ang kaniyang mga mata.
Nang matapos silang magyakapan ay dumaan ang D Brothers sa kanila.
"Tss. Papalakas pa sa mga fans niya halata namang plastic." Sabi n Draveyn ng naka-poker face ang mukha.
Lumapit saakin si Draveyn. At nang malapit nang magka-dikit ang balat naming dalawa ay bahagya akong napapikit at nanlambot ang aking mga tuhod saaking narinig mula sa kanya.
"Huwag kang lapit-ng lapit sa kanya ha? Nag-seselos na ako. Hintayin mo lang Trina. Babawiin kita sa kanya." Sabi niya at dahan dahang lumapit saaking tainga at sinabing..
"I Love You" sabay halik sa pisngi ko.
At naiwan akong tulala habang naglalakad siya palayo...~~~~~~€£€~~~~~~~
:)))
BINABASA MO ANG
Happily Ever After
Teen FictionHindi lahat ng nakikita, naririnig, nababasa, o nararamdaman ay totoo. Maaaring mayroon pang ibang kahulugan ito. ~~~~~£££~~~~~ May 01, 2016